Ang bilis ng panahon. Sobra.
Parang kahapon lang yung Sunday, tapos ngayon Sunday ulit. Kinabukasan panibagong Sunday na naman.
Tapos sa loob ng four months ay 19 years old na ako.
Masyadong malayo yung sitwasyon ko ngayon sa navisualize ko nung 15 years old pa lang ako.
Nung mga panahong kasing iyon, nagkaroon ako ng gusto sa isang tao. Nagplano na magiging kami, tapos hindi rin natuloy. Sabi ng pinsan ko nang kinwento ko siya, kung mahal niya ako, aantayin niya ako hanggang sa matapos ako ngpag-aaral.
Ayun ako, dahil sa nawawalan na ng thrill yung magulong usapan namin, tumikim ako ng ibang putahe. Naging kami nung huli, kaso hindi naman kami nagtagal. Yung nauna, siniraulo ko, pero wala lang sa kanya. Hainako.
Sabi ko nga sa isang kaibigan ko,yung intensity ng feelings ko sa kanya hindi naman nawala, nalipat lang sa ibang tao. Sagot ng isang loko-lokong tao. Ganun yung nangyari, wala na lang sisihan. Pinagsisihan ko na naman ng bongga yung mga kalokohan ko. Di ko na lang isheshare kung sa papaanong paraan. ^_^
===================================================================
Tula ng Ampalaya. Haha. Napulot sa net. Credits sa author (Gie Miranda)
Hindi na ikaw ang dahilan ng pag ngiti,
Hindi na ikaw ang nag-aalis ng pighati,
Hindi na ikaw ang laman ng dibdib,
Hindi na ikaw ang aking pag-ibig.
Hindi na ikaw ang nais masilayan,
hindi na ikaw ang nais pag-alayan,
Hindi na ikaw ang nais makasama,
Hindi na ikaw ang bubuhay sa pag-asa.
Hindi na ikaw ang dating nakilala,
Hindi na ikaw ang aking ligaya,
Hindi na ikaw ang pinangakuan,
Hindi na ikaw ang nais makatuluyan.
Hindi na ikaw ang aking tula,
Hindi na ikaw ang bumubuo ng tugma,
Hindi na ikaw ang nagdadala ng talinhaga,
Hindi na ikaw ang bawat kong salita.
Hindi na ikaw ang lahat ng aking nais,
Siguro nga ito ang sukli sa pag-ibig ng labis.
Tinunghayan mo lamang ang pagtatapos ng kwento,
Partisipasyon mo'y di tinapos hanggang sa dulo.
Wala ka ng lugar sa aking paraiso,
Oo nga't sabay natin itong binuo,
Ngunit nasaan ka ng ito'y gumuho?
Iniwan mo ako't hinayaang malumpo.!
===================================================================
Nagpost ako ng kabitteran, pero di ako bitter. Di ko masyadong feel. Naappreciate ko lang.
Masaya ako ngayon. Lahat ng pinapanalangin ko natatanggap ko.
Di ko na lang iisa-isahin lahat. Basta ayun.
Kuntento ako at masaya sa takbo ng buhay ko.
Pero gaya nga ng sabi ko sa FB ko, ang sinumang sisira ng kasiyahan ko, sisirain ko din ang buhay. May na-blackmail na nga ako dahil sa usapang siraan ng kasiyahan.
Salbahe na kung salbahe. Matulungin akong tao, pero maari kong i-reverse yung talent ko sa pagtulong para manira. Hehe. Alam ko kung ano ang mga pinakaimportanteng mga bagay sa buhay ng tao, at yun ang parati kong puntirya. :P
Gusto ko lang magkwento.
Posted by
Kahleh
on Sunday, July 4, 2010
Labels:
randomness,
tula ng ampalaya
0 comments:
Post a Comment