Si Lola Mama.

Buhay pa ang Lola Mama ko. 87 years and 7 months old na siya ngayon.


Childhood Memories
Nung maliit pa lang ako, ayoko kay Mama. Parati kasi siyang handang mamalo at manermon ng apo, kahit wala ka namang ginagawang masama. Naglalaro ka lang naman, pero yung simpleng laro na iyun ay kinaiinisan nila.

Malakas akong magtrip nung bata ako, lahat na yata ng naiisip kong kaya kong gawin ay ginagawa ko. Umaakyat ako sa bintana nila. Umaakyat ako sa mataas na drawer namin (7feet) tapos tumatalon ako mula sa itaas, paulit-ulit yun. I enjoyed falling. Tapos yung iba hindi ko na maalala.

Sa sobrang likot naming magkakapatid, tig-iisa kami ng tagapag-alaga o "yaya". Ang trabaho nila, sundan kami saan man kami pupunta.

May pagkawarfreak kaming magkakapatid. Ako at saka si Bong, ang hobby naming dalawa ay magsuntukan at magkagatan sa mukha. (Observe niyo yung bitemarks sa cheeks naming dlawa)

Kapag hindi naman nasusunod ang gusto namin, kung wala kaming mga kapatid na mapagbalingan ng sama ng loob, inuumpog namin ang mga ulo namin sa dingding o kaya sa sahig. Siguro kung wala lang kaming tagapagbantay patay na siguro kami. Yung mga tagapagbantay namin hindi namin masuntok o makagat kasi mas malaki sila sa amin. Takot lang namin na mapalo kami sa pwet.

I dunno if you call this a normal childhood. Para sa amin normal kami. Yung standards of normality, tao lang naman ang nagtatakda, mga psychologist na may pangalan sa research field.

Wala akong alam nung bata ako na gawin kundi mag-enjoy. Mag-away man kami ng mga kapatid ko mamayamaya magka-tandem na kami sa mga kalokohan. Weekly nasa pasyalan kaming mag-anak. Paborito naming puntahan ang Luneta, at doon kami ay nagtatakbuhan. Yung pinaka-favorite kong part doon ay yung sa may padulasan, yung may makipot na winding ladder na parang lighthouse. Sobrang taas nun pero kinaya kong umakyat. Sobrang namimiss ko yun.

Si Lola Mama nung bata2x pa
Siya ang kontrabida ng bahay namin. Walang ibang ginawa kundi pagalitan kami, awayin kami. Ayun. Bigla2x na lang susulpot tapos sisigawan ka. Haha.

Sobrang Obsessive Compulsive nito, kailangan sa lahat ng bagay pulido ka, bawal ang pumalpak. Parati niyang ipinagmamalaki ang angkan niya, na walang bobo sa kanila, na lahat sila ay kilalang mga may honor sa bayan nila, kapag may bagsak ka kahiyahiya ka. Aaminin ko, sa attitude niyang ito ko nakuha ang inferiority complex ko. Matalino ako, madami akong potensyal, pero dahil sa lintik na mentality na mas magaling naman yung ibang tao kesa sa akin, di na lang ako gagawa.

Nakakawalang gana lang kasi. Hindi naman siya ang nag-aaral bakit ganoon siya makapagsalita.
si Lola mama ngayon
Nitong taon lang, nag-sodium drop si Mama na sinabayan pa ng pneumonia yata, dahilan upang isugod siya at maconfine sa hospital. Hindi naman sa kaunti sila mag-asin, natural na bahagi ng aging na magdedecline ang body functions ng tao at ang resistensiya niya.

Siyempre natakot ako na mawala siya. Kahit salbahe ang tingin ko sa kanya, love ko pa din siya.

Gusto kong magsorry kay Mama kasi pakiramdam ko, ako na apo niya ang salbahe at hindi siya. Pero hindi na ako nagsorry, kasi hindi naman major2x mistake ang misunderstanding.

Nung gumaling siya, halos araw2x nasa kusina nila ako para makipagkwentuhan sa kanya. Kahit boring, tiniis kong makinig sa mga kuwento ng buhay niya, kasi napapasaya ko siya kahit nakikinig lang ako. Ang gandang tignan ng facial expressions niya, may papikitpikit pang nalalaman, tapos sobrang detalyado siya magkwento.

Pinapagalitan pa din niya ako. Kung dati naiinis ako, ngayon natutuwa ako, kasi alam ko na ayaw niya lang ako na gumawa ng mga kabwisitan sa buhay.

Gusto ni Mama na ginagawa namin ang best namin. Kapag wala kami sa best ng class namin, ibig sabihin di namin nagagawa yung inaasahan niya. Ako kahit nasa lower part ako ng class namin mataas ang IQ ko, pero hindi naman batayan ang IQ, kundi ang performance mismo.

Kahit na hindi ako achiever sa school, alam ko na proud ang Lola Mama ko sa akin. Mabait na kasi akong apo ngayon, promise. :D I'm doing my best na hindi magawa ang mga kabwisitan sa buhay na ayaw niyang gagawin ko.

0 comments:

Post a Comment