Dilemma ulit. Haha.


Grabe, nagpupuyat ako ngayon, hindi para gumawa ng schoolworks, kundi manood ng koreanovelas.

Hindi ko lubos akalain na aabot ako sa puntong ito, na magiging tambay ako, hindi dahil sa walang pambayad ng tuition fee ang mga magulang ko, kundi hinayaan ko na maging ganito ang kalagayan ko.

It is pathetic. Medyo okay na din naman ito, kesa naman nag-aaral nga ako, pero hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako nag-aaral. Ang hirap sabihin na kaya ako bumagsak, kasi wala akong pakialam sa grades ko, sa sarili ko, at sa iisipin ng mga tao sa paligid ko dahil sa matinding kahihiyang ginawa ko. Ang hirap sabihin na wala akong pakialam sa mundo, at hindi ako marunong makisama sa kaniya, kaya iniwanan niya ako bigla sa ere.

Ang hirap, sobra. Nagalit ang mundo sa akin, kasi galit din siguro ako sa kaniya. Literally. Magmula pa nung bata ako, madalas akong tanungin ng mga tao kung bakit nakakunot ang noo ko. Ultimong hanggang sa koro nakikita nila ako na nakasimangot. Ang matindi pa, wala akong malay na nakasimangot na pala ako. Unconscious ika nga. Nasanay ako sa ganung itsura.

Ngayon na lang ako medyo ngumingiti. Hindi na daw ako nakakatakot lapitan. Simula nung nag-effort ako consciously sa pagngiti, naramdaman ko na mabigat pala talaga sa mukha kung nakasimangot, kaya pinipilit ko na hindi sumimangot.

Seven months pa ako magiging tambay. Yahoo! Kabaliw.

===================================================================

Pros of being a tambay.

1. More time for introspecting. Finally I diagnosed myself correctly. Hindi ako schizophrenic, and I from now on I will never use the term schizophrenic to describe the way I behave. Avoidant lang ako (similar with anti-social pero mas magaang personality disorder in my point of view, kasi unlike anti-socials wala akong criminal-like tendencies) at Obsessive-Compulsive. Little by little I'm withdrawing myself from my unpleasant behaviors. Muntanga nga lang, kasi I really have to say it to myself over and over again that I shouldn't act like that. Mahirap paalalahanan ang sarili, lalo na kung ang gusto kong mangyari ay iwasan ang mga bagay na dating nakasanayan.

2. More animes and koreanivelas to finish. Wag kayo, madami naman akong natututunan sa panonood ng koreanovelas. Natuto ako kung papaano umibig muli, at mangarap para sa aking prince charming.

3. 2014 ako ggraduate. Kasabay ko si Bong BSECE 5 yr course, EJ BSCS 4 yr couse, at Gelo, Elementary course. Isang handaan lang! Maipatayo na sana yung bonggang dream house ng mga magulang ko, para dun na yung handaan, hindi sa maliit na apartment na tinitirahan namin ngayon.

3. I can apply for sidelines. Trip trip lang. Pero kahit ganun, sana matanggap ako. :P

===================================================================
PS. Pahabol Salita. Madami akong naisulat, na dinelete ko. For privacy's sake ika nga. At mas mainam kung puro mga kwento tungkol sa akin ang mababasa niyo, at hindi kwento ng ibang tao. :D

HAPPINESS. XD

Namiss ko magsulat. Haha.

Masaya kanina sa SMX, kahit hindi pumunta yung mga taong gusto kong makita.

By chance, nakatapon ako ng noodles, kay Jedd. Buti kalmante lang siya na tao. Hindi siya nagalit kahit natapunan ko siya/ Nang mga panahong wala na akong magawa, kasama ko siya sa Picture Trippings at sa pagkain sa SM Food Court. Nang uwian na namin, saka ko lang nalaman na isa pala siyang Santos, tapos tubong Bulacan din. Parehas kami ng ninuno, pero magkaiba kami ng angkan. Angkan sila na puro mga INC. Kami angkan ng mga pulitiko at iba pang matataas na tao sa lipunan. Naniniwala akong malayong malayong malayong magkamag-anak kaming dalawa. Haha. Naging masaya ako dahil sa kanya. Although maganda yung SMX kanina, hindi naman ako nag-enjoy, kasi nga hindi naman pumunta yung mga taong gusto kong makita, na nagsabing pupunta sila.

Being happy is now an obligation for me. Bawal akong malungkot. Bawal din akong masaktan. Recently nalaman ko na mataas ang chance ko for schizophrenia, although wala naman akong kamag-anak na schizophrenic. Wala sa lahi namin. Sabi lang kasi sa net, related daw kasi ang schizophrenia sa tinnitus at allergy, mga nagiging, sabihin na nating symptoms of pain ko.

Kapag nasasaktan ako, o nalulungkot, my body undergoes a slow-pain state, where histamine release is excited. Yun ang lintek na defense mechanism ng katawan ko kapag threatened ako. Kagaya na lang nang nangyari around 11pm ng November 1. Nag-automatic slow-pain phase ako ng hindi ko alam kung ano ang dahilan. Masaya ako kanina dahil kay Jedd, kaya hindi ko alam kung bakit bigla-bigla malulungkot ako. Sabi ko nga, sana hindi ito masamang pangitain. My faith won't fail me. Pagkatapos bonggang pantal sa mga binti, saka tinnitus. Natotorture ako kapag nagkakaganun ako. Anyway ngayon lang naman ako nagkaganito, October 20 yung unang atake na triggered by pain. I've experienced pain many times enough, pero hindi naman ako inaatake ng allergy. Siguro kasi lumampas na ako sa cummulative pain capacity ko.

Kaya siguro ako hindi nagiging masaya, kaya minsan hindi ako makapag-enjoy, kasi mahabang dahilan. Sisikapin ko na lang na mag-enjoy ako, kahit umabot sa puntong pipilitin kong mag-enjoy ako, kasi takot na akong atakihin ng allergy ulit.

Sisimulan ko sa emotional at spiritual stability. Hindi ko namalayang dahil sa lintik na pride ko naging emotional at spiritual unstable ako. Naging mayabang ako na wala sa lugar. But I can cope with this. Kaya pang habulin ng repair ang damages.

Puno naman ng mga magagandang sorpresa ang buhay ng tao. Marami akong sorpresang matatanggap ngayon kasi malapit na ang birthday ko. Appreciation is the key.

Ironic ang buhay ko. Kailangan pang mapasama sa listahan ng allergens ko ang pain para iwasan ito. Hainako. Haha.

Excited na akong malaman ang mga magpapasaya sa akin sa darating na mga araw. :D