
Grabe, nagpupuyat ako ngayon, hindi para gumawa ng schoolworks, kundi manood ng koreanovelas.
Hindi ko lubos akalain na aabot ako sa puntong ito, na magiging tambay ako, hindi dahil sa walang pambayad ng tuition fee ang mga magulang ko, kundi hinayaan ko na maging ganito ang kalagayan ko.
It is pathetic. Medyo okay na din naman ito, kesa naman nag-aaral nga ako, pero hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako nag-aaral. Ang hirap sabihin na kaya ako bumagsak, kasi wala akong pakialam sa grades ko, sa sarili ko, at sa iisipin ng mga tao sa paligid ko dahil sa matinding kahihiyang ginawa ko. Ang hirap sabihin na wala akong pakialam sa mundo, at hindi ako marunong makisama sa kaniya, kaya iniwanan niya ako bigla sa ere.
Ang hirap, sobra. Nagalit ang mundo sa akin, kasi galit din siguro ako sa kaniya. Literally. Magmula pa nung bata ako, madalas akong tanungin ng mga tao kung bakit nakakunot ang noo ko. Ultimong hanggang sa koro nakikita nila ako na nakasimangot. Ang matindi pa, wala akong malay na nakasimangot na pala ako. Unconscious ika nga. Nasanay ako sa ganung itsura.
Ngayon na lang ako medyo ngumingiti. Hindi na daw ako nakakatakot lapitan. Simula nung nag-effort ako consciously sa pagngiti, naramdaman ko na mabigat pala talaga sa mukha kung nakasimangot, kaya pinipilit ko na hindi sumimangot.
Seven months pa ako magiging tambay. Yahoo! Kabaliw.
===================================================================
Pros of being a tambay.
1. More time for introspecting. Finally I diagnosed myself correctly. Hindi ako schizophrenic, and I from now on I will never use the term schizophrenic to describe the way I behave. Avoidant lang ako (similar with anti-social pero mas magaang personality disorder in my point of view, kasi unlike anti-socials wala akong criminal-like tendencies) at Obsessive-Compulsive. Little by little I'm withdrawing myself from my unpleasant behaviors. Muntanga nga lang, kasi I really have to say it to myself over and over again that I shouldn't act like that. Mahirap paalalahanan ang sarili, lalo na kung ang gusto kong mangyari ay iwasan ang mga bagay na dating nakasanayan.
2. More animes and koreanivelas to finish. Wag kayo, madami naman akong natututunan sa panonood ng koreanovelas. Natuto ako kung papaano umibig muli, at mangarap para sa aking prince charming.
3. 2014 ako ggraduate. Kasabay ko si Bong BSECE 5 yr course, EJ BSCS 4 yr couse, at Gelo, Elementary course. Isang handaan lang! Maipatayo na sana yung bonggang dream house ng mga magulang ko, para dun na yung handaan, hindi sa maliit na apartment na tinitirahan namin ngayon.
3. I can apply for sidelines. Trip trip lang. Pero kahit ganun, sana matanggap ako. :P===================================================================
PS. Pahabol Salita. Madami akong naisulat, na dinelete ko. For privacy's sake ika nga. At mas mainam kung puro mga kwento tungkol sa akin ang mababasa niyo, at hindi kwento ng ibang tao. :D
0 comments:
Post a Comment