RSS

Dreaming ^^

Tagal kong di nagsulat dito. Utang na loob huwag niyong basahin yung previous posts ko. Mababaliw lang kayo sa pagiging sobrang disoriented ko.

Parati kong napapanaginipan na meron daw akong hinahanap, pero hindi ko alam kung ano yung hinahanap ko. Tumatakbo ako kung saan saan, masayang pinapagod ang sarili.

Established na yung Dream World ko. Meron akong fictional city, at fictional NPCs. Nakakalimutan ko nga lang kung anong itsura ng mga iyon pagkagising ko. Nakakatuwa lang na pagkabalik kong muli sa pagtulog, ay walang nagbabago sa kanila. Hindi nag-iiba ng location yung train stations, parks, at kung ano ano pa.

Sa panaginip ko ay madami na din akong naisulat na mga tula. Puro melodic at lyrical lahat, may sukat, may rhyming. Nakakainis nga lang kasi pagkagising ko, hindi ko na kayang isulat muli yung mga tula. Wala na akong naalala, maliban na lang sa naging flow ng emotions ko.

Bihira kong panaginipan ang mga taong kilala ko, saka parati akong pmaiba-iba ng kasama.

Minsan nga kung sino yung hindi mo inaasahang mapanaginipan, at yun ang makakasama mo. Napaka-disturbing, lalo na kung sobrang malabong mangyari sa totoong buhay yung nangyari sa panaginip.

Halimbawa na lang, kagabi, nanaginip ako na boyfriend ko na daw yung dati kong ka malabuang-usapan. Nakinita ko na kung magiging kami talaga, hindi malabong mangyari yung nasa panaginip ko. Wala na siyang pakialam sa pamilya niya, at sa sarili niya kahit sobrang pagod na siya at walang pahinga, tapos sa akin na daw nakasentro ang buhay niya. Nung nilapitan ko siya, minaktulan niya ako, sabay sabi "Hindi ba, ito ang gusto mong mangyari? Ang gusto mong gawin ko? Ang sinabi mo?" Napanganga na lang ako.

Kinausap ko yung tao sa FB chat anim na oras pagkagising ko, pinilit na mangakong kahit anong mangyari huwag niya akong susumbatan. Tumawa lang siya, hindi siya interesadong makinig sakin kasi nga panaginip lang yun, hindi makatotohanan. Kasi ang gusto kong mangyari, ayoko ng regrets, ng samaan ng loob. May iba pang nangyari sa panaginip ko, mga hindi pagkakaunawaan na di ko maaring banggitin kasi foul. Saka na-feel ko, mas maayos siguro kung hindi kami magiging kami kahit anong mangyari. Kakaiba kasi yung emotional baggage na dala ng panaginip na iyon. Saka ayoko ng lalaking may hinanakit sa mga magulang niya, o di naman kaya ay walang pakialam sa kanila.

Simboliko ang panaginip. Masyadong mahiwaga. Kaya madalas, ay ayokong magwalang-bahala.

..........

Siguro, dahil sa pagiging intense ng mental powers ko sa panaginip ko, ay nasabihan akong reverse psychologist. Na-realize ko lang na may kakayahan pala akong magmanipula ng mga tao sa pamamagitan ng salita, at kaya kong paglaruan ang mga utak nila, tipong psychological torture. Pero di ko gagamitin yung ability na un. Sisikapin kong maging normal. :D

Dilemma ulit. Haha.


Grabe, nagpupuyat ako ngayon, hindi para gumawa ng schoolworks, kundi manood ng koreanovelas.

Hindi ko lubos akalain na aabot ako sa puntong ito, na magiging tambay ako, hindi dahil sa walang pambayad ng tuition fee ang mga magulang ko, kundi hinayaan ko na maging ganito ang kalagayan ko.

It is pathetic. Medyo okay na din naman ito, kesa naman nag-aaral nga ako, pero hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako nag-aaral. Ang hirap sabihin na kaya ako bumagsak, kasi wala akong pakialam sa grades ko, sa sarili ko, at sa iisipin ng mga tao sa paligid ko dahil sa matinding kahihiyang ginawa ko. Ang hirap sabihin na wala akong pakialam sa mundo, at hindi ako marunong makisama sa kaniya, kaya iniwanan niya ako bigla sa ere.

Ang hirap, sobra. Nagalit ang mundo sa akin, kasi galit din siguro ako sa kaniya. Literally. Magmula pa nung bata ako, madalas akong tanungin ng mga tao kung bakit nakakunot ang noo ko. Ultimong hanggang sa koro nakikita nila ako na nakasimangot. Ang matindi pa, wala akong malay na nakasimangot na pala ako. Unconscious ika nga. Nasanay ako sa ganung itsura.

Ngayon na lang ako medyo ngumingiti. Hindi na daw ako nakakatakot lapitan. Simula nung nag-effort ako consciously sa pagngiti, naramdaman ko na mabigat pala talaga sa mukha kung nakasimangot, kaya pinipilit ko na hindi sumimangot.

Seven months pa ako magiging tambay. Yahoo! Kabaliw.

===================================================================

Pros of being a tambay.

1. More time for introspecting. Finally I diagnosed myself correctly. Hindi ako schizophrenic, and I from now on I will never use the term schizophrenic to describe the way I behave. Avoidant lang ako (similar with anti-social pero mas magaang personality disorder in my point of view, kasi unlike anti-socials wala akong criminal-like tendencies) at Obsessive-Compulsive. Little by little I'm withdrawing myself from my unpleasant behaviors. Muntanga nga lang, kasi I really have to say it to myself over and over again that I shouldn't act like that. Mahirap paalalahanan ang sarili, lalo na kung ang gusto kong mangyari ay iwasan ang mga bagay na dating nakasanayan.

2. More animes and koreanivelas to finish. Wag kayo, madami naman akong natututunan sa panonood ng koreanovelas. Natuto ako kung papaano umibig muli, at mangarap para sa aking prince charming.

3. 2014 ako ggraduate. Kasabay ko si Bong BSECE 5 yr course, EJ BSCS 4 yr couse, at Gelo, Elementary course. Isang handaan lang! Maipatayo na sana yung bonggang dream house ng mga magulang ko, para dun na yung handaan, hindi sa maliit na apartment na tinitirahan namin ngayon.

3. I can apply for sidelines. Trip trip lang. Pero kahit ganun, sana matanggap ako. :P

===================================================================
PS. Pahabol Salita. Madami akong naisulat, na dinelete ko. For privacy's sake ika nga. At mas mainam kung puro mga kwento tungkol sa akin ang mababasa niyo, at hindi kwento ng ibang tao. :D

HAPPINESS. XD

Namiss ko magsulat. Haha.

Masaya kanina sa SMX, kahit hindi pumunta yung mga taong gusto kong makita.

By chance, nakatapon ako ng noodles, kay Jedd. Buti kalmante lang siya na tao. Hindi siya nagalit kahit natapunan ko siya/ Nang mga panahong wala na akong magawa, kasama ko siya sa Picture Trippings at sa pagkain sa SM Food Court. Nang uwian na namin, saka ko lang nalaman na isa pala siyang Santos, tapos tubong Bulacan din. Parehas kami ng ninuno, pero magkaiba kami ng angkan. Angkan sila na puro mga INC. Kami angkan ng mga pulitiko at iba pang matataas na tao sa lipunan. Naniniwala akong malayong malayong malayong magkamag-anak kaming dalawa. Haha. Naging masaya ako dahil sa kanya. Although maganda yung SMX kanina, hindi naman ako nag-enjoy, kasi nga hindi naman pumunta yung mga taong gusto kong makita, na nagsabing pupunta sila.

Being happy is now an obligation for me. Bawal akong malungkot. Bawal din akong masaktan. Recently nalaman ko na mataas ang chance ko for schizophrenia, although wala naman akong kamag-anak na schizophrenic. Wala sa lahi namin. Sabi lang kasi sa net, related daw kasi ang schizophrenia sa tinnitus at allergy, mga nagiging, sabihin na nating symptoms of pain ko.

Kapag nasasaktan ako, o nalulungkot, my body undergoes a slow-pain state, where histamine release is excited. Yun ang lintek na defense mechanism ng katawan ko kapag threatened ako. Kagaya na lang nang nangyari around 11pm ng November 1. Nag-automatic slow-pain phase ako ng hindi ko alam kung ano ang dahilan. Masaya ako kanina dahil kay Jedd, kaya hindi ko alam kung bakit bigla-bigla malulungkot ako. Sabi ko nga, sana hindi ito masamang pangitain. My faith won't fail me. Pagkatapos bonggang pantal sa mga binti, saka tinnitus. Natotorture ako kapag nagkakaganun ako. Anyway ngayon lang naman ako nagkaganito, October 20 yung unang atake na triggered by pain. I've experienced pain many times enough, pero hindi naman ako inaatake ng allergy. Siguro kasi lumampas na ako sa cummulative pain capacity ko.

Kaya siguro ako hindi nagiging masaya, kaya minsan hindi ako makapag-enjoy, kasi mahabang dahilan. Sisikapin ko na lang na mag-enjoy ako, kahit umabot sa puntong pipilitin kong mag-enjoy ako, kasi takot na akong atakihin ng allergy ulit.

Sisimulan ko sa emotional at spiritual stability. Hindi ko namalayang dahil sa lintik na pride ko naging emotional at spiritual unstable ako. Naging mayabang ako na wala sa lugar. But I can cope with this. Kaya pang habulin ng repair ang damages.

Puno naman ng mga magagandang sorpresa ang buhay ng tao. Marami akong sorpresang matatanggap ngayon kasi malapit na ang birthday ko. Appreciation is the key.

Ironic ang buhay ko. Kailangan pang mapasama sa listahan ng allergens ko ang pain para iwasan ito. Hainako. Haha.

Excited na akong malaman ang mga magpapasaya sa akin sa darating na mga araw. :D

Usapang Sakit.

I'm thinking too much, again. Isip-bata mode, madaling maniwala, therefore, madaling mauto. Sabi nag nila, nagsasabi ng mga bagay na hindi naman dapat sinasabi ng mga normal na tao/mga tao na matanda mag-isip.

Napapadalas din ang pagsusumbong ko ngayon. Ika nga puro mali ng ibang tao ang nakikita ko, pero ang mali ko hindi ko nakikita. Immune ako sa sarili kong mga kalokohan.

Dahil sumbungera ako, ang masakit para sa akin ngayon, sa oras na paghaharapin kami ng hukom ng taong isumbong ko, ay hindi lang sila sa tama o sa mali titingin, kundi sa katwiran. Maililigtas ng pagiging likas na mahina ng taong nasasadlak ang sarili niya kung makikitang makatwiran ang katwiran niya.

At least nagsumbong ako. Alam na nila na may mali. Pero hindi ko na mabubura ang katotohanang mali ako ng paraang ginawa kasi hindi na ako bata.

Madami akong naiisip. Madami din akong dahilan. Pilosopo ika nga. Gusto ko kasi lahat ng bagay alam ko, pero hindi naman maari iyun.
===================================================================
Offtopic na ako masyado. Dapat usapang sakit tayo eh. Hmmm.

Hindi pa ako nagpapa-check up sa mga doctor. ang sumusunod ay sarili ko lamang expekulasyon.

1. Tinnitus
Tinnitus is described as an episode of high-pitched ringing sound. Common siya sa mga matatanda. Associated sa pagkabingi.

Inaatake ako nito sa tuwing gumigising ako mula sa masama ang loob ko na natulog ako.

After three hours nawawala na naman yung tinnitus. Itinutulog ko na lang ng nakadapa ako. Kasi kapag nakahiga ako na yung occipital area ang may contact sa unan, lumalakas lalo yung high-pitched ringing sound, tapos pakiramdam ko nanginginig ang buong ulo ko.

2. Mood Disorder
Lahat naman ng tao meron nito. Kaso hindi ko alam kung ano yung sa akin. :D
Merong tinatawag na under-diagnosis at misdiagnosis. Hindi ko papakialam ito, baka may mali akong masabi.

3. Chocolate Allergy
Pinapantalan ako kapag kumakaen ako ng chocolate. Hindi ko alam kung bakit.
Sa dinamidami ng pagkaen chocolate pa no. Pffft.

Wala na akong maisip. XD

Usapang Keso.

Mahirap maging hopeless romantic. Yung tipong kinikiliti ang utak mo para mag-daydream ng mga romantic stuffs, kaso hindi naman aplikable, kasi hindi makatotohanan.

Ayun. Haha.

Magpopost na lang ako ng mga kantang gusto ko. Gagawa ako ng compilation. In right time, paparinig ko sila lahat sa prince charming ko. Haha. Tapos kung may bago akong magugustuhan, idadagdag ko na lang dito.

Mahal Kita Kasi
Nicole Hyala

Mga korning banat na ginawan ng kanta. :D

Perfect Two
Auburn

Parang kanta lang ni Nicole Hyala na Mahal Kita Kasi

Never Be Replaced.
1st Lady

Baby I love you and I'll never let you go. But if I have to boy I think that you should know. All the love we make, can never be erased, and I promise you that you will never be replaced.

Madaming kwento sa likod ng kantang ito. Yung tanging taong pinagsabihan ko nito, napalitan din kagad sapuso ko. Tapos *blablablab* XD

Forever Friends
Fiona Fung

Kanta ni Fiona Fung. Dedicated sa best crush ko na 10 years ang tanda sa akin. Buong bakasyon sobrang lakas ng tama ko sa kanya, kahit alam kong mali. Hindi ako pwede, at mas lalong hindi siya pwede. Usapang bangagan at adikan kami parati, nakakatuwa lang. I've never been that open with a guy. We're more than friends, kasi kapatid niya ako.

If You're Not The One
Nikki Gil

If I'm not made for you, then why does my heart tell me that I am? Is there any way that I can stay in your arms?

Ang ganda no? Haha. This song is actually my childhood crush's favorite.

Your Love Is The Greatest Gift Of All
Jim Brickman & Michelle Wright


Nakuha ko sa maganda kong tita. Haha.

Love Moves In Mysterious Ways
Nina


Matagal itong Top1 sa MYX chart aa. Ganda. :D

If We Fall In Love
Princess Hours OST


Gusto kong background music ito. Hindi ko masabi kung saang event. Kahit yung instrumental lang. Kahit walang kumakanta. Haha.

Kundiman
Silent Sanctuary


Sobrang sweet. Maswerte ang babaeng inspirasyon sa likod ng kantang ito.

Pitong Araw
Hale

Hindi ako magkakaganito, kundi dahil sa iyo. Sabihin mo! Hindi kita iiwanan, pangakong di pababayaan. Ako'y nandiyan lamang nababalot, sa isip mo.

Kasama Kang Tumanda
Ogie Alcasid


May kanta si Ogie na gustong gusto ko na nakalimutan ko kung ano. Waaaah.

Madami akong OPM na nawala sa isip ko. Haha. Panu na ito? Hainako

Sembreak Dilemma.

Eversince talaga ang hina kong dumiskarte, lalong lalo na sa pag-aaral.

Buti pa yung mga kapatid ko, naipagmamalaki nila na exempted sila sa final examination nila, major subject pa. E ako, kasama sa mga pinaulanan ng singko ng mga professors.

Sabi ko dati hindi ako kukuha ng course na related sa math, hindi dahil sa mahina ako sa math, actually forte ako ang math. Ayoko lang math-related course, kasi gusto ko na sa ibang field ako.

At ayun, nag BSPT ako.

Ang saklap ng kalagayan ko ngayon. Mula nang pumasok ako sa PLM apat na ang singko ko. At nakakadalawang sorry letter na ako ngayon.

Kung tatanggapin yung sorry letter ko, this is really my last chance. Hindi na ako maaring magkaroon pa ng bagsak. Nakakalungkot sa CPT, kasi kahit may natutunan naman yung estudyante, susundin nila ang patakaran na 75% passing rate.

Malabong hindi magkaroon ng mga estudyanteng babagsak kada subject. Ganun talaga. At least kung hindi mo maabot yung 75%, dapat hindi ka kasama sa lower third ng batch.

Ang plano ko dapat, lilipat ako ng school, kasi ayokong ma-delay ng batch. Kaso nung sinabi ko yung gusto kong mangyari sa Dad ko, sinabi niya na ayaw niya na lumipat ako ng school. Wala akong pang-tuition fee, pero kung tutuusin ang dami ng money-in-hand ng tatay ko, at madami kaming properties.

Ang option na ibinigay niya sa akin (1) mag-shift ako ng course (2) kung gusto ko ng BSPT pa din, magparecon ako kahit mag leave-of-absence ako ng isang semester.

Hindi ako kinakabahan ngayon, kasi nananalangin naman ako. Sana aprubahan yung recon letter ko bago magsimula ang second semester.

Dahil sa kaunti ang load ko ngayon, siguro mas mapagtutuunan ko na ng pansin ang pag-aaral ko. Kahit 7 units lang ang pwede kong i-take.

Yung problema ko last semester, hmmmm, mahabang listahan. Kasama na dun yung nakakatulog ako sa klase kasi inaantok ako dala ng sumasakit ang ulo ko. Hindi ko na idedetalye pa yung mga problema kong iyun. Masyadong kumplikado.

Si Lola Mama.

Buhay pa ang Lola Mama ko. 87 years and 7 months old na siya ngayon.


Childhood Memories
Nung maliit pa lang ako, ayoko kay Mama. Parati kasi siyang handang mamalo at manermon ng apo, kahit wala ka namang ginagawang masama. Naglalaro ka lang naman, pero yung simpleng laro na iyun ay kinaiinisan nila.

Malakas akong magtrip nung bata ako, lahat na yata ng naiisip kong kaya kong gawin ay ginagawa ko. Umaakyat ako sa bintana nila. Umaakyat ako sa mataas na drawer namin (7feet) tapos tumatalon ako mula sa itaas, paulit-ulit yun. I enjoyed falling. Tapos yung iba hindi ko na maalala.

Sa sobrang likot naming magkakapatid, tig-iisa kami ng tagapag-alaga o "yaya". Ang trabaho nila, sundan kami saan man kami pupunta.

May pagkawarfreak kaming magkakapatid. Ako at saka si Bong, ang hobby naming dalawa ay magsuntukan at magkagatan sa mukha. (Observe niyo yung bitemarks sa cheeks naming dlawa)

Kapag hindi naman nasusunod ang gusto namin, kung wala kaming mga kapatid na mapagbalingan ng sama ng loob, inuumpog namin ang mga ulo namin sa dingding o kaya sa sahig. Siguro kung wala lang kaming tagapagbantay patay na siguro kami. Yung mga tagapagbantay namin hindi namin masuntok o makagat kasi mas malaki sila sa amin. Takot lang namin na mapalo kami sa pwet.

I dunno if you call this a normal childhood. Para sa amin normal kami. Yung standards of normality, tao lang naman ang nagtatakda, mga psychologist na may pangalan sa research field.

Wala akong alam nung bata ako na gawin kundi mag-enjoy. Mag-away man kami ng mga kapatid ko mamayamaya magka-tandem na kami sa mga kalokohan. Weekly nasa pasyalan kaming mag-anak. Paborito naming puntahan ang Luneta, at doon kami ay nagtatakbuhan. Yung pinaka-favorite kong part doon ay yung sa may padulasan, yung may makipot na winding ladder na parang lighthouse. Sobrang taas nun pero kinaya kong umakyat. Sobrang namimiss ko yun.

Si Lola Mama nung bata2x pa
Siya ang kontrabida ng bahay namin. Walang ibang ginawa kundi pagalitan kami, awayin kami. Ayun. Bigla2x na lang susulpot tapos sisigawan ka. Haha.

Sobrang Obsessive Compulsive nito, kailangan sa lahat ng bagay pulido ka, bawal ang pumalpak. Parati niyang ipinagmamalaki ang angkan niya, na walang bobo sa kanila, na lahat sila ay kilalang mga may honor sa bayan nila, kapag may bagsak ka kahiyahiya ka. Aaminin ko, sa attitude niyang ito ko nakuha ang inferiority complex ko. Matalino ako, madami akong potensyal, pero dahil sa lintik na mentality na mas magaling naman yung ibang tao kesa sa akin, di na lang ako gagawa.

Nakakawalang gana lang kasi. Hindi naman siya ang nag-aaral bakit ganoon siya makapagsalita.
si Lola mama ngayon
Nitong taon lang, nag-sodium drop si Mama na sinabayan pa ng pneumonia yata, dahilan upang isugod siya at maconfine sa hospital. Hindi naman sa kaunti sila mag-asin, natural na bahagi ng aging na magdedecline ang body functions ng tao at ang resistensiya niya.

Siyempre natakot ako na mawala siya. Kahit salbahe ang tingin ko sa kanya, love ko pa din siya.

Gusto kong magsorry kay Mama kasi pakiramdam ko, ako na apo niya ang salbahe at hindi siya. Pero hindi na ako nagsorry, kasi hindi naman major2x mistake ang misunderstanding.

Nung gumaling siya, halos araw2x nasa kusina nila ako para makipagkwentuhan sa kanya. Kahit boring, tiniis kong makinig sa mga kuwento ng buhay niya, kasi napapasaya ko siya kahit nakikinig lang ako. Ang gandang tignan ng facial expressions niya, may papikitpikit pang nalalaman, tapos sobrang detalyado siya magkwento.

Pinapagalitan pa din niya ako. Kung dati naiinis ako, ngayon natutuwa ako, kasi alam ko na ayaw niya lang ako na gumawa ng mga kabwisitan sa buhay.

Gusto ni Mama na ginagawa namin ang best namin. Kapag wala kami sa best ng class namin, ibig sabihin di namin nagagawa yung inaasahan niya. Ako kahit nasa lower part ako ng class namin mataas ang IQ ko, pero hindi naman batayan ang IQ, kundi ang performance mismo.

Kahit na hindi ako achiever sa school, alam ko na proud ang Lola Mama ko sa akin. Mabait na kasi akong apo ngayon, promise. :D I'm doing my best na hindi magawa ang mga kabwisitan sa buhay na ayaw niyang gagawin ko.