My Ultmate Motivation. Weeeh!

Hinahanap ko kung ano ba talaga ang tagalog ng motivation sa internet, pero wala akong makita, kaya english na lang yung title.

Hindi naman pedeng inspirasyon ang tagalog. Pero connected yung word na inspiration sa motivation kasi kapag inspirado ang isang tao, motivated syang gumawa.

Hainako. Sisimulan ko na ngang magkwento. Bahala na kung hindi tagalized yung title.

Sobrang dami ng plano ko sa bakasyon. Doon ko itinuon ang pag-iisip ko, sa pagpaplano, nang mga panahong bumugso ang mga nakakapressure na mga pangyayari sa buhay ko. Sa school, sa bahay, at sa church.

Nakakaiyak yung pakiramdam na hindi nakikiayon sa iyo ang tadhana. Paraan ko ang pagpaplano para hindi ako malungkot. Siguro, para may i-look forward ako, at para mapaalalahanan ang sarili ko na kaya ako nagplano para sa hinaharap, kasi may katapusan ang mga pangyayari ngayon.

Sino ba naman ang may gusto na ma-pressure? Sa case ko mabilis akong ma-pressure kasi impaired ang balancing and adjusting skill ko. Hindi ako ganoon ka-flexible. Sa ibang sabi, kulang na lang ikamatay ko ang mga pagbabago. Oo ganito ako mag-isip, mamatay ako kasi iniisip ko na hindi ko kakayanin.

Gusto mo pang magbasa? Sige lang.

Nagsusulat ako, kasi wala akong napipiling mapagkkwentuhan ko. Hindi naman kasi vocal na tao. Saka kung makikipagkwentuhan lang, ayokong pagkwentuhan ang mga bagay na ikinalulungkot ko. Ang gusto kong topic ay kalokohan. Yung masaya at tamang kalokohan.

Pero nagddrama ako ngayon. Wala akong magawa e. Tinatamad na naman ulit akong mag-aral. Tinatamad din akong magligpit sa bahay, kahit madumi na naman ulit.

*Pinagmamasdan ang mga daga sa paligid.

Nakakatuwa silang panoorin, talagang pinag-aaralan pa nila kung papaano tumalon papaloob at tumalon papalabas ng basurahan namin.

Oo sila. Madami na e, lampas isa.

Napaisip ako, ano kayang plano nila sa buhay nila. Kung may kakayahan lang ako basahin ang utak nila ay ginawa ko na.

*Babalik ako sa title ko.

Ang Ultimate Motivation ko ngayon, ay walang iba kundi ang idea na hindi na magtatagal pa ang mundo, kaya kailangan kong gawin ang best ko. Kailangan ay wala akong sasayanging pagkakataon. Kailangang maging produktibo sa lahat ng panahon. (Idealistic mode)

Ayokong may masabi na naman ang mga tao. Yung tipong isisi sa ugali mo yung mga ayaw nila na pangyayari.

Saka predetermined na lahat ng mga bagay. Nakasulat na ang tadhana ko, ayon sa laman ng puso ko, ayon sa laman ng mga panalangin ko.

Gusto Kong Makita Si Kuya Champ

Fangirling mode ulit. Haha.
Weeeeh!

Dati, ordinaryong banda lang para sa akin ang Hale, pero nung nalaman ko na parehas kaming INC ng vocalist nilang si Kuya Champ, naging special na ang bandang ito at naging crush ko na siya.

Kailan kaya kami pagtatagpuin ni tadhana?

Excited na ako.

Inspiration Is Everywhere.

Supposedly, dapat ay nagkacram ako ngayon, kasi HELL WEEK na namin (Exam Week), kaso, tinatamad ako.

Wala kasi akong inspirasyon. Tapos. Kaya naghanap ako ng inspirasyon sa Facebook.


Sapat ng inspirasyon para sa akin yung mabalitaan na pinagbubuti ng mga pinsan ko yung trabaho nila, at nagagawa pa nila na magkaroon ng awards.

Ako kasi hindi ko pinagbubuti gawa ko. Nakasanayan ko na kasing mag-cram. Nakasanayan ko na kasing maghabol. Wala sa bokabularyo ko ang gumawa ng nasa oras at ang mag-aral ng mainam mga araw bago ang exam, hindi yung kinagabihan bago iyon.

Kahit papaano hindi ako huli sa balita, hindi naman kasi sila yung tipo ng tao na ipinagmamalaki kung ano iyong nakuha nila. Proud sila, pero hindi proud na mayabang. Kung malalaman mo man ay sa ibang tao mo maririnig. Saka yung mga ganoong usapin ay hindi naman napag-uusapan sa reunion.
Ngayon lang ako nakapagsasalita ng hindi gaanong masama ang loob ko sa kanila. Haha. Years ago kasi, nakuha ko ang pinakamataas na award nung elementary ako, tapos pinag-aral ako sa isang city science high school. Dahil sa hindi ako nag-aaral, natanggal ako, at sobrang sumama ang loob sa akin ng mga taga-Grace Park. (Grace Park na gagamitin kong term kapag family na ni Dad ang pinaguusapan, exempted ang mga pinsan niyo. Buong angkan naman kapag kasama na silang lahat)
Mga Taga-Grace Park

Ang buong angkan ko, madami pang absent dyan.


Masama ang loob kung masama ang loob. Muntik na nga akong umiyak sa harapan nila. Pero kailangan kong damhin ang pagkapahiya dahil hindi ko pinagbuti ang ginawa ko. Ay mali, iba yung walang ginawa. At least sa pamilya ko nanggaling at hindi sa ibang tao. Pagmamalasakit ang tawag nila doon, hindi pagpapahina ng loob at mas lalong hindi pangungutya. Hindi ko lang nakita ng mga pagkakataong iyon ang malasakit, kasi makitid ang pag-iisip ko, iyon tipong ako lang ang kasya doon. :D

Punta naman tayo sa aking inspiration number two.

Gusto kong makapasa ngayong semester kasi gusto kong makapagputi, at gusto ko ring makapag-blue na uniform. Weeeh!

Ispiration number three naman tayo.

Kasi ang reward na hiningi ko kay ama kapag nakatapos ako ng pag-aaral ko ay walang iba kundi ang prince charming ko. Hindi ko makukuha ang reward kung hindi ako mag-aaral mabuti. Pwede na kong magka-bf nun, kasi wala na ding masasabi tiyak ang mga kamag-anak ko. Ang ayoko lang naman ay yung may kokontra sa akin, lalong lalo na sila. Basta maipagtagumpay ko lang ang mga gampanin ko bilang anak, bahala na ako sa buhay ko.

Wala akong ilalagay na picture niya, kasi walang pumasa sa Image Finder ng Yahoo.

Back to work na. Babye Cyber World. Muah.

Chill Lang. Stress Kills.

Take things lightly, but seriously.

Ayon sa Maslow's Pyramid of Needs, Self-Actualization ang nasa tuktok noon. At nandoon na ako. Naiinis ako dahil may mga bagay na tinatanggihan ang isipan ko na tanggapin. May sariling pag-iisip ang pag-iisip ko na hindi ko maintindihan.

Simple lang ang dahilan, dahil itong kalagayan kong ito ngayon, ay malayo sa kalagayang inisip kong magiging kalagayan ko four years ago.

Hindi ko gusto ang karamihan ng mga nagyayari sa paligid ko, pero kung tutuusin ay ginusto ko ang mga desisyong pinili ko. Hindi ko lang naisip na hindi ko magugustuhan ang resulta pagkatapos.

Ang totoo naisip ko na iyon, kaso nung naisip ko iyon inisip ko na magiging masaya ako sa desisyon ko dahil iyon ang naging desisyon ko.

Ngayon, gusto kong isipin na mayrong mga nilalang na mas masaklap ang sitwasyon sa akin para hindi ko maisip na masaklap ang sitwasyon ko ngayon.

Mahirap iyong ganito mag-isip. Bakit ba pati sarili ko hirap akong patawarin? Napunto ko din.

Ang totoo hindi naman talaga masaklap ang sitwasyon ko. Ganito lang talaga ako mag-isip kapag bigla biglang sumasama ang loob ko.

Baka bigla na naman akong mahilo. Masama ito.

Bakit Ngayon Pa?

Sa dinamidami ng panahong pede akong magkasakit, ngayon pa na may papalapit na maselang okasyon sa church.

Before anything else, before you blog or you tell your friends, PRAY.


Mamaya na po ako magppray bago matulog para isahan na lang. :D

Pasaway talaga ako. Ang tigas ng ulo ko. Haha.

Gusto kong magkwento e, pakialam mo ba? Yun nga lang, may makikinig ba? Doon sa dapat kong pagkwentuhan na unang-una alam ko na makikinig siya. Alam na naman niya kung ano ikkwento ko sa kanya bago ko sabihin iyon.

Siguro may isang linggo na din akong nahihilo. Hindi ko akalaing ganoon na kalala o lumala iyon para madiagnose ako ng vertigo. Ang mga causes? Yung matinding init ng araw, saka yung hindi ko pagvivitamins.

Ganoon pala yung pakiramdam ng inaatake ng vertigo. Movement hallucination, weeeh!


Hindi ko alam kung anong itsura ko ng mga pagkakataong iyon. Sabi nila sobrang putla ko daw. Nakakatuwa lang na madami akong nanay na tumulong sa akin para maka-recover.

Siguro nga, kahit wala pa ako sa kondisyong tumupad, pinilit kong makatupad. Kinagabihan kasi mataas ang lagnat ko at wala akong boses dahil sa sore throat. Kinabukasan naman nun wala na akong lagnat saka may boses na ako. Kaya inakala ko na magaling na ako at kaya ko na.

Ayokong bitiwan ang pagtupad ko, kahit masabihan pa ako ng matigas ang ulo ng tatay ko. Iba yung fulfillment kasi kapag nakakatupad ka e. Buti na lang pagkatapos ako inatake kasi kung sa kalagitnaan, magiging pinsala ako.

Hindi ko matumbok kung ano ang lesson learned ko. Siguro, kailangan ko kumaen bago umalis ng bahay. Kailangan ko ng glucose. Hindi muna ako magkakape, magtitiyaga na lang ako sa milo.

Dahil sa kulang na lang mag-collapse ako, dinala ako sa hospital. Ang mahal ng binayaran, pero okay lang kasi may medical certificate naman ako na magliligtas sa akin para hindi ako makapasok. Actually pwede naman akong pumasok na, kaso baka hindi kayanin ng katawan ko. May gamot na nireseta sa akin para sa hilo, kaso naman ang side-effect nun ay pagkaantok. Kaya nga nung tinake ko siya ay maghapon akong tulog. Ngayon ay sumaglit lang ako para kumaen at magcomputer. Pagkatapos nito babalik ulit ako sa pagtulog, may epekto pa din yung side-effect ng gamot. Sana pagkagising ko, totally wala na akong mararamdamang kahit anong hilo.

I cannot have two visions at the same time.

Ayon sa yourdictionary.com, ang meaning ng vision ay

Ang nakikita lang ng tao ay yung senaryo sa harapan ng mga mata niya. Wala siyang kakayahang makita ang senaryo sa likod niya maliban na lang kung lilingon siya

Sa isang bagay na kailangang pagdesisyonan, na may magkasulat na dalawang bagay na dapat ay pagpilian, isa lang ang maaring panindigan.


Hindi ko kayang makita ang lahat.

Pero darating din ang panahon na lahat ng tungkol sa paligid ko ay makikita ko at mauunawaan.

Tama na pag-iisip.

A New Blogsite.

Babye Multiply. Hello Blogger.

The Reasons Why I Switched To Blogger:
(Sana nga lang magtagal ako dito)

I want to restart blogging... again.
- I think, this is my fifth blog. Ahaha. Masaya magsimula ulit, lalo na kung may gusto kang layuan o iwasan sa inalisan mong site.

Feeling ko mas madaling maglagay ng pictures sa blogger kesa sa aling blogsite..
- My first Multiply post that have pictures in it was a total mess. I thought okay na sya, hindi pala. Nagkumpulan yung pictures sa last part ng post pero kung i-cclick mo yung edit post in between text yung pictures. Grrrr.

I want all my posts to have at least three tags.
- The only way I think that would become possible is for me to create a new one, rather than painstakingly edit each of my previous posts just to put tags on them.

Gusto ko, ako lang mag-isa, wala akong kasama
- Mas masaya mag-emote kapag mag-isa ka lang. Nailalabas mo ang tunay na saloobin mo (para sa akin). Mahirap kasi yung alam ko na may kasama ako, kasi iisipin ko pa kung anong magiging reaction nila sa mga sasabihin ko.

Oo alam ko na ang tao ay nilikha hindi para mabuhay mag-isa. Lumikha ang diyos ng mga taong makakasama niya sa buhay para matuto siyang makisama.

Mas magiging fulfilled ako pagkatapos kong magpost kapag nasa Blogger ako, kesa sa Multiply
- Naapektuhan ang takbo ng mga ideya sa utak ko kapag nakakabasa ako ng mga posts na nasa news feed. Kung anong nasa isip ko originally, yun lang ang gusto kong isulat ko. May tendency kasi na makikicomment pa ako sa mga isyu sa buhay nila kaya ganoon.

Punta naman tayo sa mga detalye ng bagong blog ko.

Bakit nga ba Fairytales Of A Self-Proclaimed Princess ang blog title ko?
18 years old na ako, pero naniniwala pa din ako na may magic at fairytales sa totoong mundo.

Para sa akin ay isa akong prinsesa, self-proclaimed nga lang.

Bakit jujube-chan.blogspot.com ang link na napili ko?
Jujube kasi ang english name ng isang prutas na may japanese name na Natsume.
Jujube-chan. Natsume-chan. Gets nyo?

Si Natsume kasi ang prinsipe ng buhay ko. Hahaha.
Lalaki si Natsume, pero may chan sa dulo, to inform you people that I'm his girl.

Ang lakas ng tama ko.