My Ultmate Motivation. Weeeh!

Hinahanap ko kung ano ba talaga ang tagalog ng motivation sa internet, pero wala akong makita, kaya english na lang yung title.

Hindi naman pedeng inspirasyon ang tagalog. Pero connected yung word na inspiration sa motivation kasi kapag inspirado ang isang tao, motivated syang gumawa.

Hainako. Sisimulan ko na ngang magkwento. Bahala na kung hindi tagalized yung title.

Sobrang dami ng plano ko sa bakasyon. Doon ko itinuon ang pag-iisip ko, sa pagpaplano, nang mga panahong bumugso ang mga nakakapressure na mga pangyayari sa buhay ko. Sa school, sa bahay, at sa church.

Nakakaiyak yung pakiramdam na hindi nakikiayon sa iyo ang tadhana. Paraan ko ang pagpaplano para hindi ako malungkot. Siguro, para may i-look forward ako, at para mapaalalahanan ang sarili ko na kaya ako nagplano para sa hinaharap, kasi may katapusan ang mga pangyayari ngayon.

Sino ba naman ang may gusto na ma-pressure? Sa case ko mabilis akong ma-pressure kasi impaired ang balancing and adjusting skill ko. Hindi ako ganoon ka-flexible. Sa ibang sabi, kulang na lang ikamatay ko ang mga pagbabago. Oo ganito ako mag-isip, mamatay ako kasi iniisip ko na hindi ko kakayanin.

Gusto mo pang magbasa? Sige lang.

Nagsusulat ako, kasi wala akong napipiling mapagkkwentuhan ko. Hindi naman kasi vocal na tao. Saka kung makikipagkwentuhan lang, ayokong pagkwentuhan ang mga bagay na ikinalulungkot ko. Ang gusto kong topic ay kalokohan. Yung masaya at tamang kalokohan.

Pero nagddrama ako ngayon. Wala akong magawa e. Tinatamad na naman ulit akong mag-aral. Tinatamad din akong magligpit sa bahay, kahit madumi na naman ulit.

*Pinagmamasdan ang mga daga sa paligid.

Nakakatuwa silang panoorin, talagang pinag-aaralan pa nila kung papaano tumalon papaloob at tumalon papalabas ng basurahan namin.

Oo sila. Madami na e, lampas isa.

Napaisip ako, ano kayang plano nila sa buhay nila. Kung may kakayahan lang ako basahin ang utak nila ay ginawa ko na.

*Babalik ako sa title ko.

Ang Ultimate Motivation ko ngayon, ay walang iba kundi ang idea na hindi na magtatagal pa ang mundo, kaya kailangan kong gawin ang best ko. Kailangan ay wala akong sasayanging pagkakataon. Kailangang maging produktibo sa lahat ng panahon. (Idealistic mode)

Ayokong may masabi na naman ang mga tao. Yung tipong isisi sa ugali mo yung mga ayaw nila na pangyayari.

Saka predetermined na lahat ng mga bagay. Nakasulat na ang tadhana ko, ayon sa laman ng puso ko, ayon sa laman ng mga panalangin ko.

0 comments:

Post a Comment