Inspiration Is Everywhere.

Supposedly, dapat ay nagkacram ako ngayon, kasi HELL WEEK na namin (Exam Week), kaso, tinatamad ako.

Wala kasi akong inspirasyon. Tapos. Kaya naghanap ako ng inspirasyon sa Facebook.


Sapat ng inspirasyon para sa akin yung mabalitaan na pinagbubuti ng mga pinsan ko yung trabaho nila, at nagagawa pa nila na magkaroon ng awards.

Ako kasi hindi ko pinagbubuti gawa ko. Nakasanayan ko na kasing mag-cram. Nakasanayan ko na kasing maghabol. Wala sa bokabularyo ko ang gumawa ng nasa oras at ang mag-aral ng mainam mga araw bago ang exam, hindi yung kinagabihan bago iyon.

Kahit papaano hindi ako huli sa balita, hindi naman kasi sila yung tipo ng tao na ipinagmamalaki kung ano iyong nakuha nila. Proud sila, pero hindi proud na mayabang. Kung malalaman mo man ay sa ibang tao mo maririnig. Saka yung mga ganoong usapin ay hindi naman napag-uusapan sa reunion.
Ngayon lang ako nakapagsasalita ng hindi gaanong masama ang loob ko sa kanila. Haha. Years ago kasi, nakuha ko ang pinakamataas na award nung elementary ako, tapos pinag-aral ako sa isang city science high school. Dahil sa hindi ako nag-aaral, natanggal ako, at sobrang sumama ang loob sa akin ng mga taga-Grace Park. (Grace Park na gagamitin kong term kapag family na ni Dad ang pinaguusapan, exempted ang mga pinsan niyo. Buong angkan naman kapag kasama na silang lahat)
Mga Taga-Grace Park

Ang buong angkan ko, madami pang absent dyan.


Masama ang loob kung masama ang loob. Muntik na nga akong umiyak sa harapan nila. Pero kailangan kong damhin ang pagkapahiya dahil hindi ko pinagbuti ang ginawa ko. Ay mali, iba yung walang ginawa. At least sa pamilya ko nanggaling at hindi sa ibang tao. Pagmamalasakit ang tawag nila doon, hindi pagpapahina ng loob at mas lalong hindi pangungutya. Hindi ko lang nakita ng mga pagkakataong iyon ang malasakit, kasi makitid ang pag-iisip ko, iyon tipong ako lang ang kasya doon. :D

Punta naman tayo sa aking inspiration number two.

Gusto kong makapasa ngayong semester kasi gusto kong makapagputi, at gusto ko ring makapag-blue na uniform. Weeeh!

Ispiration number three naman tayo.

Kasi ang reward na hiningi ko kay ama kapag nakatapos ako ng pag-aaral ko ay walang iba kundi ang prince charming ko. Hindi ko makukuha ang reward kung hindi ako mag-aaral mabuti. Pwede na kong magka-bf nun, kasi wala na ding masasabi tiyak ang mga kamag-anak ko. Ang ayoko lang naman ay yung may kokontra sa akin, lalong lalo na sila. Basta maipagtagumpay ko lang ang mga gampanin ko bilang anak, bahala na ako sa buhay ko.

Wala akong ilalagay na picture niya, kasi walang pumasa sa Image Finder ng Yahoo.

Back to work na. Babye Cyber World. Muah.

0 comments:

Post a Comment