Blogger's Block Again.

BBA?.. Haha.

Sobrang dami ng gusto kong isulat, kasi sobrang dami din ng tumatakbo na mga bagay sa isipan ko.

Kaso nga lang hindi ako nakapagsulat, kasi walang oras magcomputer. Echos!

Ngayong bakasyon, narealize ko na parang nagtatapon lang ako ng oras, wala naman kasing kabuluhan. Nakakawalang gana.
===================================================================
May bago na ulit kaming katulong.
May bago na kaming printer, 3 in 1 pa.
May bago na naman akong mukhang mamahaling relos. Buti na lang si Daddy ang nagbigay, kasi kapag si Mami, kapag nagaway kami, in an instant lahat ng mamahaling gamit na binigay niya sa akin binabawi niya. Hindi naman kasi nambabawi ng gamit niya ang Daddy.

Kaso nawala ung USB kong may virus.
Pati yung cellphone kong music edition 5310.

Nawalan ako ng mga gamit kasi burara ako, EVER SINCE. Madalas akong makaiwan, pero hindi pa ako nananakawan. Pero hindi ko naman nakikita iyon as kawalan. Para nga lang wala lang sa akin iyon na nawalan ako ng mga gamit. Mahalaga sila nung nasa akin pa sila, pero ngayong wala na sila, hindi na sila mahalaga.

Yung cellphone ko, basura na kasi sobrang dami na ng message sa saved items. Hindi ko alam kung papaano ko imamanage. Pagkatapos may trojan virus na din iyon. Saka may basurang pictures din doon. Puro ako in goofy faces.

Yung USB ko, basura na din. Hindi ko na kasi mai-retrieve yung dati kong files doon. Ino-auto hide nung virus yung mga files kong nasa folder. Saka may plano na naman akong palitan iun e, napaaga lang ngayon.
===================================================================
Sobrang ineeeeeeeet ngayong summer. Sobrang dami din ng mga kailangan kong asikasuhin.

Kailangan kasing malinis ang bahay.
Kailangan kong maconfirm kung may summer class sa Physics. Kung hindi magshishift ako ng course.
Tapos kailangan ding maasikaso yung Summer Kindergarten Class stuffs. Magteteacher ulit ako. Umaasa ako na hindi tatama ang schedule ng mga bata sa schedule ko sa school.

Nagbilang ng gagawin? Nyaiks.

Wala sa akin yung pagod. Buti nga may mga gagawin ako. Kahit hindi nasunod yung orihinal na summer plans ko.

At least, magiging makabuluhan ang bakasyon ko.

0 comments:

Post a Comment