Wala na namang magawa. Wala rin naman gustong ikwento, pero nagsusulat.
Buti pa ang lolo ko na nasa ICU, gusto ng umalis doon dahil maghapon lang naman syang tulog, at marami siyang gagawin sa bahay.
Samantalang ako na apo niya, sobrang tinatamad na tamad.
Sana pati yung kasipagan namamana no?
=====================================================================
This thing is bugging me for a week now.
Namimiss ko ng magkaroon ng lovelife, dahil sa kasweetan na nakita ko sa lolo at lola ko.
Gusto ko din ng may aalagaan, tapos yung pabiro kong masasabihan ng babatukan ko kapag hindi umayos. Yung masisigawan ko ng gumawa ka ng hindi tama magtiis ka sa sakit pero aalalayan ko pa din.
Gusto ko din ng may nakikita akong tao na magiging kasama ko sa pagtanda.
Nung nakita ko sina lolo at lola, nasabi ko sa sarili ko na magiging totoo din yung fairytale na pinapangarap ko para sa sarili ko.
Kasi naman e. Sino ba kasi yung prinsipe ko? Nagkita na ba kami? O makakasalubong ko pa lang siya? :P
Nullity is Kawalan in Tagalog.
Posted by
Kahleh
on Friday, May 28, 2010
Labels:
nullity,
walang magawa
/
Comments: (0)
May 15, 2010 Fun Day :D
Posted by
Kahleh
on Saturday, May 15, 2010
/
Comments: (0)
Madaming nangyari. Sobrang nagsaya ako.
Musikabataan.
Hindi nakapasok ang lokal namin sa preliminaries. Pero hindi namin inisip na sayang yung efforts. hindi naman nagpagod ang mga bata para sa sarili nila. Nagpagod sila para sa lokal at para sa kapurihan ng Ama.
GracePark's Uniform: (Front) Violet toh (Back) Color Blind Ka Lang.
Paraparaan lang. Wala kaming violet na t-shirt e (Violet kasi yung Dress Code ng area namin). Kabaliwan courtesy of my kapatid, Bongskie.
Madami akong hindi kilala galing sa lokal namin. Puro kasi sila bago e. Saka hindi naman ako mahilig makipagkilala.
7AM ang call time sa lokal. 7:10 kami dumating ni Bong. 7:15 naman kami umalis. Mukhang Badtrip yung mga nag-antay. :D Buti na lang inantay nila kami.
Sa loob ng LRT, hindi ako nagsasalita. Nagsasalita lang kasi ako kapag ka-close ko na yung tao. Ako kasi yng tipo ng tao na kailangan munang makuha ang loob bago mapagsalita.
8AM kami nakaratingsa Ninoy Stadium. 15 minutes pagkatapos pinapasok na kami sa loob. Awkward mode ulit ako. Si Bong2x at si Vanrick lang kinakausap ko halos
Nang mga panahong nasa loob ako super OP ako. Well, ako lang naman nag-OOP sa sarili ko. Haha. Loner akong tao, pero ayoko namang mapag-isa talaga. ang gulo k.
Maganda yung programa. Nakakatuwa yung mga bata. Tapos nakaka-inlab yung performance na kasama yung Sanctuary choir Kids, ang ganda kasi nung isa sa kanila, nakakatibo.
Sabi ni Vanrick aantayin niya daw yung bata na magdalaga. As if naman. Haha.
Si Vanrick, crush ko sana siya, kasi malambing siya magsalita at maganda ngumiti, papable material na sana, kaso sobrang tangkad niya. 6 feet yata siya. Saka may iba pa akong dahilan kung bakit hindi ko siya maaring maging crush. May aaway sa kin. Hahaha.
Fun House.
Aaminin ko, badtrip ako ng mga oras na ito. Hindi ko kasi gusto na nanlilibre ang Mami ko. Sinagot na naman niya ang pagkain ng mga nagpunta. Ganoon ako mag-isip, pagpasensyahan niyo na.
Nakagamit ako ng 3 token. Yung dalawa sa toy machine ko ginamit, tapos yung isa sa videoke.
Makati.
1st time ko sa Makati, PROMISE. Haha.
Kasama ko na ng mga oras na ito si Jerome at si Ate Tin
Kumain kami sa Mang Inasal, tapos binaybay namin ang isang mahabang highway sa ilalim nag nagbabagang araw para pumunta sa Yamaha branch doon na malapit sa Mapua Makati.
Grabe. 40k yung gusto kong organ. :(( Super nakakainlab sa ganda.
Di bale na, kapag may sarili na kaming bahay, ipapabili ko iyon.
PNK Ensayo.
Tinatamad ako magpunta dito dahil sobrang inaantok ako. Kaso natatakot ako na hindi dumalo kasi baka magtuloy tuloy ang katamaran ko. Nasimulan ko ng mag-ensayo, ayokong ihinto yun.
Pagkatapos ng ensayo ng mga bata ay klase ng mga organista. Hindi ko natugtog yung piyesang pinag-aralan. Gaya ng dati, pinalusot ulit ako ng organista namin. :D
Barrio Obrero.
Ang pagpunta sa bahay nila ang kumpleto sa araw ko.
Nakakatawang nakakainis yung nangyari sa lugar na ito. Ang usapan, madami kami na pupunta doon. Yung isa hindi na nagrereply, yung dalawa hindi pinayagan. Hindi naman pumayag yung kasama ko na mastermind ng plano (si Jerome) na magback-out. Tae siya.
Napaka-awkward ng mga unang pangyayari, di ko na idedetalye masyado.
Pinapasok ako sa bahay nila. At nag-usap kaming dalawa. Ako yung bisita pero ako yung kinamusta.
Yung bookmark na regalo ko sa kanya, sa harapan niya mismo ko sinulatan ng message sa likod. Ganoon lang ako kasimple magregalo. At least nakaalala ako.
15 minutes din siguro kaming nag-usap. yun ang pinakamatagal naming usapan na magkaharap kaming dalawa. Ang topic namin ay tungkol sa pagtugtog, pag-aaral ko, at sa errhm na love life na iyan. Ang pinakapanget na portion ay yung usapang ex. Respeto para sa ex ko yung pananahimik ng history namin.
Pagkalabas ko ng bahay nila at nang papauwi na kami, binulong sa akin ng kasama ko na hindi siya pinapasok para makausap niya ako ng ako lang.
Pagkabulong niya binugbog ko siya sa gigil. Kaya nga siya kasama kasi naiilang ako sa presence nung taong binisita ko (Pero nagawa ko naman siyang kausapin ng hindi kasama si Jerome)
Kasama si Christine (Guanzon, nakalimutan ko palayaw mo), nilibot namin ang Obrero pagkatapos para maghanap ng Siomayan, pero wala kaming nakita, kaya napadpad na lang kami sa isang carinderia para doon kumaen. Sabi ko nga sa kanila paghatian na lang namin yung pera, hindi sila pumayag.

Naisip Ko Lang.
Posted by
Kahleh
on Wednesday, May 12, 2010
/
Comments: (0)
Malalim nga ang pagkakahukay sa isipan ko, pero wala namang makukuha. :D
Naiinis ako ngayon. Talaga bang likas sa akin ang pagiging negatibo? O negatibo lang ako mag-isip.
Nakakatawang isipin, maraming tao ang nagpapasalamat sa mga payo ko, pero ako hindi ko mapayuhan ang sarili ko.

Prinsipe Ko. :D
Posted by
Kahleh
on Sunday, May 2, 2010
Labels:
prinsipe ko
/
Comments: (0)
Fantasy Mode On. Haha.
Naniniwala ako na lahat ng babae ay may standards, kahit na sabihin mong mukhang !@#$ yung boyfriend niya, o kaya naman ay wala syang taste sa pagpili.
Ito ang punto ko, kasi sa buhay ng bawat babae, panigurado na may mga kinaayawan siyang ugali o itsura, o maari ring sadyang hindi niya lang gusto kasi wala naman siya ng mga katangiang hinahanap niya, na nagiging dahilan ng pagreject niya sa isang lalaki. Yung mga simpleng ayoko at gusto ko ng ganitong statements, katunayan na yun na may standard syang sinusunod.
====================================================================
Ngayon, pawala na yung nararamdaman kong kabaliwan para sa taong itinatangi ko. Mainam na yung ganito. Pero hindi mawawala sa mga alaala ko na minsan sa buhay ko ay nagsilbi siyang inspirasyon ko, at siya ang nagturo sa akin na kung pipili ako ng lalaking magugustuhan ko, galingan ko naman sa pagpili.
Bati tayo kung mababasa mo ito. Yung mga linyang nabaliw ako sa iyo, totoo iyun, hindi ko nga lang nagawang sabihin sa iyo nung peak ng mga panahong nararamdaman ko iyun, kasi natatakot ako na may mabago sa pagkakaibigan natin. At least, kung naramdaman mo man, walang formal statement galing sa akin na maglilinaw ng mga naramdaman ko tungkol sa iyo.
Pero yung piyesang gusto kong pag-aralang tugtugin para sa iyo, yung "Shooting Star" ng Naruto, nalulungkot akong sabihin na hindi ko siya mapag-aaralang tugtugin ngayon kasi tambak ang mga piyesa sa church na kailangan kong pag-aralan. Priority ko ang mga iyon. Hayaan mo, sa birthday mo, matutugtog ko na iyun. Popost ko na lang sa FB yung video. Sana nga lang mapanood mo kasi para sa iyo yun. Ikaw kasi ang shooting star ng buhay ko. :D
===================================================================
Sabi sa akin, hindi daw totoo ang fairy tales.
Pero matigas ang ulo ko. Hanggang ngayon naniniwala akong totoo ang mga kwentong iyon. Naniniwala akong may prinsipeng inilaan para sa akin.
Gusto ko ng maganda at masayang simula, at ng maganda at masayang kwento.

Ito ang mga standards ko. Haha.
Una, dapat siya ang unang maniniwala na ako ang itinadhana para sa kanya. Hindi ako ang unang lalapit sa lalaki, kasi ayokong magmukhang agresibo, at ayoko ng ganoong approach.
Pangalawa, hindi siya magiging dahilan ng ikapapahamak ko. Mahal ko ang mga karapatan ko bilang anak ng mga magulang ko, apo ng mga lolo at lola ko, at bilang isang Kristyano.
Pangatlo, at ang pinakaimportante sa lahat, kailangan mahalin niya ang buong pagkatao ko. Lahat ng maganda, lalo na iyong mga pangit sa akin. Hindi ako perpektong tao. Kung susuko lang siya sa ugali ko, huwag na lang. Hindi ko kailangan ng mahinang tao sa buhay ko. Saka kung magagawa niyang mahalin yung mga pangit sa akin, panigurado, matutulungan niya ako, kahit na hindi mabago, ay mapagbuti ang mga iyon.
Pang-apat, kailangan pasado siya sa standards ng mga magulang ko. Kung hindi siya pasado, hindi ko makukuha ang basbas nila. Haha.
Wala na akong maisip. Hindi na ako nagsulat ng tungkol sa ugali. Hahaba lang kasi ito.
Saka tingin ko malaman na yung pangatlo na sinulat ko. Iyun na ang pinaka-summary. Weeeh.

Summertime Chime.
Kabaligtaran ng nahinuha ko ang nangyari ngayong bakasyon. Hindi ko akalaing magiging sobrang abala ako.
Mabuti na iyung may pinagkakaabalahan kesa sa wala. Baka kasi kung ano pang kalokohan ang maisip kong gawin.
Masaya ako ngayon. At least kahit papaano may panahon ako para bumawi sa mga nasayang na oras at sa iba ko pang, sabihin na nating, disappointments.
Kailangan nga lang bawasan ang oras ng pagFFB (heto na naman ako). Training na siguro iyon. Sana magawa ko. Haha.
====================================================================
Madami akong natututunan ngayon. Madami din akong narerealize, kagaya ng:
- Masyado akong perfectionist. Pulido nga akong gumawa, pero in a neurotic way.
- May talent pala ako sa pagluluto. Haha.
- At may mga taong hindi gusto ang presensya ko. Hanep. Kung hanggang ngayon inis pa din sila dahil nainis ako sa kanila dahil nakagulo sila sa akin (mahina pumick up, hindi nakuha sa isang sabi), bahala sila. Hindi naman mananatiling buhay yung inis ko kung pakiramdam ko ay pinaplastik ako.

Kailangan ko ng schedule. Haha. Dito ko na isusulat.
*Isang oras na pagppiano sa umaga at isang oras din sa gabi bago matulog.
*Dalawang oras na pag-aaral ng OIAI araw-araw. Kailangan kong magcram. Tinamad ako mag-advance study e.
*Isang oras na pagluluto kada araw. Kapag natantsa ko kung papaano lutuin ang isang putahe, tuturuan ko ang katulong namin na magluto ayon sa pagtantsa ko ng oras at ng lasa ng pagkain.
Hindi na naman ako kasi gumagawa ng gawaing bahay, may tagagawa na kami e. :D