Wala na namang magawa. Wala rin naman gustong ikwento, pero nagsusulat.
Buti pa ang lolo ko na nasa ICU, gusto ng umalis doon dahil maghapon lang naman syang tulog, at marami siyang gagawin sa bahay.
Samantalang ako na apo niya, sobrang tinatamad na tamad.
Sana pati yung kasipagan namamana no?
=====================================================================
This thing is bugging me for a week now.
Namimiss ko ng magkaroon ng lovelife, dahil sa kasweetan na nakita ko sa lolo at lola ko.
Gusto ko din ng may aalagaan, tapos yung pabiro kong masasabihan ng babatukan ko kapag hindi umayos. Yung masisigawan ko ng gumawa ka ng hindi tama magtiis ka sa sakit pero aalalayan ko pa din.
Gusto ko din ng may nakikita akong tao na magiging kasama ko sa pagtanda.
Nung nakita ko sina lolo at lola, nasabi ko sa sarili ko na magiging totoo din yung fairytale na pinapangarap ko para sa sarili ko.
Kasi naman e. Sino ba kasi yung prinsipe ko? Nagkita na ba kami? O makakasalubong ko pa lang siya? :P
Nullity is Kawalan in Tagalog.
Posted by
Kahleh
on Friday, May 28, 2010
Labels:
nullity,
walang magawa
0 comments:
Post a Comment