Madaming nangyari. Sobrang nagsaya ako.
Musikabataan.
Hindi nakapasok ang lokal namin sa preliminaries. Pero hindi namin inisip na sayang yung efforts. hindi naman nagpagod ang mga bata para sa sarili nila. Nagpagod sila para sa lokal at para sa kapurihan ng Ama.
GracePark's Uniform: (Front) Violet toh (Back) Color Blind Ka Lang.
Paraparaan lang. Wala kaming violet na t-shirt e (Violet kasi yung Dress Code ng area namin). Kabaliwan courtesy of my kapatid, Bongskie.
Madami akong hindi kilala galing sa lokal namin. Puro kasi sila bago e. Saka hindi naman ako mahilig makipagkilala.
7AM ang call time sa lokal. 7:10 kami dumating ni Bong. 7:15 naman kami umalis. Mukhang Badtrip yung mga nag-antay. :D Buti na lang inantay nila kami.
Sa loob ng LRT, hindi ako nagsasalita. Nagsasalita lang kasi ako kapag ka-close ko na yung tao. Ako kasi yng tipo ng tao na kailangan munang makuha ang loob bago mapagsalita.
8AM kami nakaratingsa Ninoy Stadium. 15 minutes pagkatapos pinapasok na kami sa loob. Awkward mode ulit ako. Si Bong2x at si Vanrick lang kinakausap ko halos
Nang mga panahong nasa loob ako super OP ako. Well, ako lang naman nag-OOP sa sarili ko. Haha. Loner akong tao, pero ayoko namang mapag-isa talaga. ang gulo k.
Maganda yung programa. Nakakatuwa yung mga bata. Tapos nakaka-inlab yung performance na kasama yung Sanctuary choir Kids, ang ganda kasi nung isa sa kanila, nakakatibo.
Sabi ni Vanrick aantayin niya daw yung bata na magdalaga. As if naman. Haha.
Si Vanrick, crush ko sana siya, kasi malambing siya magsalita at maganda ngumiti, papable material na sana, kaso sobrang tangkad niya. 6 feet yata siya. Saka may iba pa akong dahilan kung bakit hindi ko siya maaring maging crush. May aaway sa kin. Hahaha.
Fun House.
Aaminin ko, badtrip ako ng mga oras na ito. Hindi ko kasi gusto na nanlilibre ang Mami ko. Sinagot na naman niya ang pagkain ng mga nagpunta. Ganoon ako mag-isip, pagpasensyahan niyo na.
Nakagamit ako ng 3 token. Yung dalawa sa toy machine ko ginamit, tapos yung isa sa videoke.
Makati.
1st time ko sa Makati, PROMISE. Haha.
Kasama ko na ng mga oras na ito si Jerome at si Ate Tin
Kumain kami sa Mang Inasal, tapos binaybay namin ang isang mahabang highway sa ilalim nag nagbabagang araw para pumunta sa Yamaha branch doon na malapit sa Mapua Makati.
Grabe. 40k yung gusto kong organ. :(( Super nakakainlab sa ganda.
Di bale na, kapag may sarili na kaming bahay, ipapabili ko iyon.
PNK Ensayo.
Tinatamad ako magpunta dito dahil sobrang inaantok ako. Kaso natatakot ako na hindi dumalo kasi baka magtuloy tuloy ang katamaran ko. Nasimulan ko ng mag-ensayo, ayokong ihinto yun.
Pagkatapos ng ensayo ng mga bata ay klase ng mga organista. Hindi ko natugtog yung piyesang pinag-aralan. Gaya ng dati, pinalusot ulit ako ng organista namin. :D
Barrio Obrero.
Ang pagpunta sa bahay nila ang kumpleto sa araw ko.
Nakakatawang nakakainis yung nangyari sa lugar na ito. Ang usapan, madami kami na pupunta doon. Yung isa hindi na nagrereply, yung dalawa hindi pinayagan. Hindi naman pumayag yung kasama ko na mastermind ng plano (si Jerome) na magback-out. Tae siya.
Napaka-awkward ng mga unang pangyayari, di ko na idedetalye masyado.
Pinapasok ako sa bahay nila. At nag-usap kaming dalawa. Ako yung bisita pero ako yung kinamusta.
Yung bookmark na regalo ko sa kanya, sa harapan niya mismo ko sinulatan ng message sa likod. Ganoon lang ako kasimple magregalo. At least nakaalala ako.
15 minutes din siguro kaming nag-usap. yun ang pinakamatagal naming usapan na magkaharap kaming dalawa. Ang topic namin ay tungkol sa pagtugtog, pag-aaral ko, at sa errhm na love life na iyan. Ang pinakapanget na portion ay yung usapang ex. Respeto para sa ex ko yung pananahimik ng history namin.
Pagkalabas ko ng bahay nila at nang papauwi na kami, binulong sa akin ng kasama ko na hindi siya pinapasok para makausap niya ako ng ako lang.
Pagkabulong niya binugbog ko siya sa gigil. Kaya nga siya kasama kasi naiilang ako sa presence nung taong binisita ko (Pero nagawa ko naman siyang kausapin ng hindi kasama si Jerome)
Kasama si Christine (Guanzon, nakalimutan ko palayaw mo), nilibot namin ang Obrero pagkatapos para maghanap ng Siomayan, pero wala kaming nakita, kaya napadpad na lang kami sa isang carinderia para doon kumaen. Sabi ko nga sa kanila paghatian na lang namin yung pera, hindi sila pumayag.
0 comments:
Post a Comment