Beyond Happy Endings.

Kahit apat na oras lang ako natulog, sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon. Mind over matter, saka appreciation.

Consciously yesterday, I was trying to smile the whole day. A terrible dream woke me up. Yung plastered smile lang nagpapakalma sa akin. Kapag nawala yun, wala akong ibang gagawin kundi umiyak ng umiyak.

Oo iyakin ako. Sa likod ng nakakatakot kong mukha iyakin ako. Mahina ako. Emotionally. Mentally. Kaya nga sobrang dependent ako e. Wala akong maalalang pangyayari na sinubukan kong maging independent. Mahilig lang ako mapag-isa, pero ang totoo ayokong mapag-isa.

Looking at my relatives, wala naman akong napansin na may manifestation ng Depressive Personality (personality differs from behavior). Masasayahin ang mga Pascual, ang mga Santos, at ang mga Arnesto. Maybe it's just me, and my pathetic perspective about the world. Damn, it took me more than one decade to realize these things.

Genetically speaking, depressive personality runs down in family. Nasa gene 4, 18 21 at 22 makikita kung meron ka nun or wala, sabi ng Professor ko sa Psychiatry. As far as I remember wala naman kaming lahi ng mga baliw. Wala kaming lahi ng may mga Neurological Disorders.

Balik tayo dun sa terrible dream ko. sabi kasi doon, I don't deserve to be a BSPT student. Wala daw kasi akong karapatan. Na pinagkakatuwaan nila na pagtripan ako, in a bad way. Form of backstabbing yun. Naranasan ko na yung same scenario in real life, months ago. Pwede naman kasing dumirekta sa akin kaagad para sabihin nila na ayaw nila sa akin diba?

Si Geline (pinatawag ko lang sa Sun ko, buti may load siya), buti na lang nakausap ko. Kung hindi siguro hindi mawawala yung pain ko. I deserve to be in PT, kasi nandito pa din ako. At iba yung present sa past ko. Wala na namang nagpapakita ng ganung treatment sa akin sa school e. I shouldn't compare.

Nag-usap na rin lang kami ni Geline, pinag-usapan na namin si best crush. I heard her saying, "seryoso talaga si Kuya". I don't know whether if that pertains sa akin o dun sa personality ni Kuya mismo. If it's the latter, I never remember any moment that I saw him being serious. Malakas pa sa adik ang tama nun e. Kung sa akin namin, assumera ako. Haha. Malabo yun, siya pa. Kung pipili yun mas maganda pa sa akin ang pipiliin nya.

Masaya akong naiisip siya kasi crush ko siya e. Saka ibang level ang likeness ko sa kanya.

Kung kami magkakatuluyan, beyond happy endings talaga. (Maipilit yung title, haha).

Nabasa ko sa FB "Infatuation is so far from love. True love blooms. Infatuation easily come and go, but love takes time to develop."

Parang sa tuwing naiisip ko siya, nagbbloom ang likeness ko.

Yung confession, sa totoong buhay malabong mangyari yun. Pero kapag nangyari, I'll be so much glad to introduce him to my family, and my whole clan as well. Madadagdagan na naman ng gwapo sa lahi namin. Yun ay kapag nangyari. Haha. :))=))

0 comments:

Post a Comment