Huling Habilin.

Sa angkan namin, napakalaki ng respeto ng mga kamag-anak ko sa mga habilin sa kanila, at mas lalong binibigyan ng malaking respeto ay ang pinakahuling habilin.

Kung hindi siuro naghuling habilin ang lola ko sa tuhod na si Lola Anday, hindi magkakaroon ng Pascual Clan Reunion tuwing katapusan ng taon. Gusto niya na magkakakilala at magkakaclose ang bawat miyembro at magiging miyembro ng angkan niya.

Masaya ang angkan namin tuwing reunion. May aginaldo ang bawat pamangkin na nagsisipag-aral. At para kaming mga nakawala kapag nakabili na ng Magnolia ice cream. Nakikipag-unahan, parang hindi mabibigyan.

Mahal nila ang Lola Anday. Mahal ko din si Lola Anday kahit na hindi siya naabutang buhay bago madevelop ang memory ko.
===================================================================
Naiisip ko si kuya, at ang pinakahuling habilin niya sa akin. Iyon na lang ang pinaghahawakan ko ngayon para hindi ako malungkot at umiyak.

Kuya nagiging mahina ulit ako ngayon. Kanina kasi parang bibigay ako dahil sa panandaliang sakit. Bigla ko kasing nalaman na magulo pala ang mga bagay na inaakala kong maganda at maayos na ang takbo.

Tama lang na hindi ako makisawsaw. Hindi ko naman kasi issue yun.

Kuya gusto ko lang naman na maayos ang mga bagay.

Kaso maari din naman na maayos na para sa kanila yung mga bagay na magulo sa paningin ko.

Kuya, alam ko na nauunawaan mo ang dati niyong bunso ngayon.

Gusto kitang takbuhan ngayon para makinig sa iyo. Kaso napakalayo mo, imposibleng mangyari iyon.

Sana bukas magkita tayong dalawa. Sapat na yung makita kita at magkamustahan tayo para mapangiti ang puso ko. Ngumingiti ako ngayon habang naiisip ka, pero hindi sapat iyon para mawala yung sakit. Dapat puso ang ngingiti.

0 comments:

Post a Comment