Ano nga ba?
Nakakatuwa lang isipin ngayon na wala ako sa mood maghanap ng mga wala at mga nawala sa buhay ko.
I'm no longer longing. Nakakapagtaka
Dati naiiyak ako kasi sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Ngayon naman natatawa ako kasi hindi ko pa rin lubos maisip na naging ganun ako.
Salamat ng madami sa knight in shining armor ko. Tinulungan niya akong makita ang mga bagay na dapat kong makita.
Inaamin ko nagkagusto ako sa iyo, dahil sa mabait ka. Mabuti na lang panandalian lang yung naging pagkagusto ko sa iyo. Babalik ka pa kasi sa digmaan. Hindi din naman sigurado kung babalik ka pa. Hindi rin naman sigurado kung magkikita pa tayo. At mas lalong hindi rin naman sigurado kung magugustuhan mo ako.
Hindi naman ako umasa sa iyo, dahil ayokong maging pathetic. Hinayaan ko lang na malunod ang sarili ko sa kasiyahan dahil sa pagkagusto ko sa iyo, hanggang sa mawala na lang ang pagkagusto ko ng hindi ko namamalayan.
Ni minsan hindi ko nagamit ang mga katagang "mahal kita" sa iyo. Maganda na yung nag-iingat sa pagbitaw ng mga salita, kahit sa isipan lang.
Salamat sa lahat ng mga alaala. Yung sa iyo ang best crush memory ko. Haha.
====================================================================
Maliban sa love life, namimiss ko ding maging masaya - yung totoong masaya. Hindi ko kasi ini-express ang sarili ko sa mga kaklase ko. Hindi kasi ako nakikipagsocialize. Madaldal ako sa virtual world, sa totoong mundo ay hindi. Kung magsalita ako masyado naman akong seryoso. Yung mga nakakausap ko lang ng hindi seryoso ay yung mga sobrang malokong tao, kagaya ni Bong2x at Arem. Gustong gusto ko silang kausap.
Tingin ko magaling na ako sa sakit kong walang pakialam at hindi nagpapahalaga.
Sobrang malungkot lang isipin na sa maling pananaw ko sa pamilya ko nakuha yung ugali kong iyon. Nadaan kasi ako sa pagpapaulan ng sermon, at nasanay na din siguro na nasasabihan ng tamad kapag walang walang initiative na gumawa.
Don't get me wrong. Ganun lang talaga sila pero hindi sila masama. Sa katunayan I have the best family and clan sa buong mundo. Kasi mataas ang respeto ng mga relatives ko sa mga utos sa kanila. Sumusunod sila. Dapat ganoon din ako. Hindi naman nila na gustong mapasama ako.
====================================================================
Isama na natin ang pag-aaral. Haha.
Seryoso akong mag-aral ngayon. Promise. Nagcocomputer lang ako ng wantusawa kasi nakapagbasa na ako. Wala na akong maisip na ibang gagawin. Tinatamad naman akong maglinis ng bahay.
Wala na akong chance na magkaroon ng bagsak. Dalawang beses na akong nag-probation. Isa na lang at masisipa na ako ng school. Sobrang hirap isipin ng sitwasyon ko kaya hindi ko na iniisip. Basta alam ko na ginagawa ko ang best ko sa pag-aaral. Saka ko na iisipin ang final grade ko kapag malapit na ang bigayan ng class cards para walang pressure.
====================================================================
Ang pagtupad sa kapisanan, hindi ko makakalimutang isama ito. Sa Kadiwa na ako. Haha.
Kaso tila malabo. Tila magulo.
Tahimik muna ako hinggil sa mga tunay kong saloobin tungkol sa bagay na ito.
====================================================================
Wala na akong maisip. Sa mga magbabasa, dagdagan niyo yung listahan ko. Haha.
0 comments:
Post a Comment