Sa tingin mo ba, bahagi pa din ng kalooban ng Diyos na magkagusto ka sa isang tao?
Ano ba itong pinagsasasabi ko? Shemay. Haha.
Syempre ang sagot ay oo. Wala naman siyang ibinibigay sa isang tao na hindi niya gustong ibigay. at ito ang mga dahilang naisip ko.
Una, kasi deserve niyang matanggap ang bagay na iyun, as a form of reward dahil sa naging matagumpay siya sa karera niya at panghabambuhay na kasama na lang ang "kulang" sa buhay niya, or ang pangalang dahilan, as a form of PAGSUBOK.
Doon ako sa latter reason. Sigurado akong sinusubok na naman ako, kasi nasa bawal akong sitwasyon. Una, kasi nag-aaral pa lang ako. Kailangan kong sundin ang kagustuhan ng mga magulang ko. Pangalawa, sa oras na matalo ako ng emosyon ko, in one way or another maapektuhan ang trato ko sa karapatan ko - hindi ko masabi kung sa positibo o negatibong paraan, ang alam ko lang ay maapektuhan iyun.
===================================================================
Actually nakahingi na ako ng tanda, pero nung nagkaron ako ng feelings sa iyo, humingi ako ng tandang patungkol sa iyo, pero similar doon sa dati ko ng nahiling.
Sa dinadami ng taong maari kong gustuhin, sa iyo pa ako nagkagusto. Nakakainis nga e. Naiinis ako dahil kung kailan inaasahan kong bakante na dapat ang puso ko, may maninirahan pa pala dito.
Hindi pa ako handa. Hindi pa ako matured. Hindi pa rin stable ang status ako, habang nagaaral ako palamunin pa din ako ng mga magulang ko. At isa pa, babae ako. Napakapanget naman sigurong tignan kung babae unang mag-aapproach diba? At aamin na may gusto siya. Hainako.
Kahit ako ang palay at ikaw ang manok, ako, bilang palay, ay hindi lalapit sa iyo na manok.
===================================================================
Alam mo, masaya ako kapag naiisip kita. Sapat ng dahilan ng kasiyahan ko iyon, kahit hindi tayo.
Hindi ko na ninanais na makilala ka pa lalo kasi baka mahulog lang lalo ang loob ko sa iyo.
Kung sakali man na dumating ang pagkakataon na may pormal ka ng ipapakilala na ninanais mong makasama habang buhay, hindi ako tututol dahil wala akong karapatan. Magiging bahagi na ng buhay ko ang kalungkutan ng pagkawala mo, pero hindi ibig sabihin na idadamay kita sa kalungutan ko. Naniniwala ako, kung sakasakali ay panandalian lang ang kalungkutang iyon.
Iisipin ko na lang, na sa bawat maling taong makikilala ko, mas papalapit ako sa taong itinadhana para sa akin. Pero kung magiging kalooban ng nasa itaas na maging mag-isa ako sa buhay, tatanggapin ko. Ang mahalaga lang naman ay basta mapunta ako sa kung saan man lugar na mananatili akong masaya.
Bakit nga ba nagkagusto ako sa iyo?
Posted by
Kahleh
on Friday, April 16, 2010
Labels:
bakit nga ba?,
inspirasyon,
love
0 comments:
Post a Comment