Salamat ate Krengtot sa termino. Feel na feel ko siyang gamitin. Haha.
Nakakatuwa yung pagiging in-love ko ngayon. Plain happiness ang nararamdaman ko. Sapat na sa akin yung sumasagi lang siya sa isipan ko para maging masaya ako.
Kung idedescribe ko sya physically, may itsura siya pero hindi sya guwapo (para sa akin, pero madami nagsasabi na gwapo siya). Hindi pang-tenor ang timbre ng boses, pero kung kakantahan niya ako, siya na ang may pinakamagandang boses para sa akin. Pinakapaborito ko sa mukha niya ay yung mga mata niya. Ayun lang.
Saka, first time kong magdrawing na ako in wedding gown, na may kasamang tao, na may mukha. Kamukha niya yung drawing ko kaya hindi ko i-sscan. Sapat na sa akin na nagiingay ako na gusto ko siya, huwag ko nga lang direktang masasabi na siya yung gusto ko. Ayokong ako yung unang harapan na magsasabi na gusto ko siya. Kung para naman siya sa akin, kahit ako ang unang magsasabi, magkakaroon ng paraan na masabi ko yung nararamdaman ko, sa tamang panahon at sa tamang sitwasyon. Kung ngayon ko sasabihin kahiyahiya ako.
Sa ngayon, dalawang tao pa lang ang nakakaalam ng identity niya: ang tatay-tatayan ko at si kuya jorge. Yung next na makakaalam ay si ate tin2x, tapos wala na akong pagsasabihan. Hindi ko pwedeng iinform yung mga pinsan at tita ko, for sure kasi ookrayin lang nila ako. Ayokong maokray.
Ito yung comments. Ay wag na nga lang. Clue yung mga iyun e.
Basta masaya sila sa choice of guy ko. Suportado nila ako. For the meantime alagaan ko lang muna yung feelings ko, at gawin ko siyang inspirasyon ko. At ang pagiging in-love, ito yung pagsubok na sa halip na ikakapressure ko, ay magiging source ng kasiyahan ko kahit mababaw, kagaya ng nararamdaman ko ngayon.
0 comments:
Post a Comment