Miracles happen. May utang na naman ako sa langit.
===================================================================
Yung random thoughts na gusto kong isulat ay tungkol sa mga naiisip ko tungkol sa pamilya ko, sa buhay estudyante ko, at sa buhay guro-guroan ko.
Napapayuko na lang ako, sa tuwing naririnig ang ibang tao na nagsasabi na nasa lahi na namin ang pagiging matalino. Karamihan sa kanila ay churchmates ko. Active church officers kasi lahat ng mga tito at tita ko kaya kilala sila ng maraming mga tao.
Kulang na lang sabihin ko na para akong sinasampal sa mukha, kasi nilelevel nila ang paraan ko ng pag-iisip sa kanila. Honor students sila, ako? Nevermind.
Mana ako sa tatay ko e, na lahat ng grades natikman na, magmula sa uno hanggang singko. Hindi ako katulad nila na straight A students. Kaya ayoko ng nilelevel ako sa kanila. Nakakahiya, sobra.
Akala nila dahil sa mukha akong matalino kapag nakakausap nila ay matalino talaga ako. Akala lang nila iyun. Hindi ako humble, mababa lang talaga ang self-esteem ko. Hmmm, dun sa mababang self-esteem na part, depende siguro sa kasama ko kung mababa or nagmamataas. Hahaha.
===================================================================
Pasaway ako, kapag sinabi kong wala akong interes, wala akong interes. Kapag sinabi kong ayokong mag-aral, hindi ako nag-aaral.
Pero ngayon nasaan ako.
May isa na akong bagsak, officially. Seasonal ang subject na iyon. Buti na lang inoffer siya ng school for summer class. At ngayon ang unang araw ng klase. Kaso hindi pa ako enrolled. Kasi hindi ako na-inform na may enrolment na kahapon ng 10am. Yung dati ko yatang number ang natext nila. Ito ang hirap kapag nawalan ng cellphone.
Papasok ako, kahit hindi pa ako enrolled. 7am kasi yung start ng class e. Sayang naman kung first day ay aabsent ako. 10am naman yung tapos. 10am pa ako makakapag-enrol kasi yun ang oras ng dating ng CPT lead person namin. Nasa kanya yung PRF ko. Papakiusapan ko na lang yung Physics faculty na i-admit ako.
Estudyante mode, at the same time teacher mode. MWF nasa PLM ako. TTh nasa GDJES naman ako para magturo ng mga summer kinder students.
Siguro may magtatanong, bakit ako yung teacher.
Ako ang naisip kong dahilan kung bakit ako napili, ay para matuto ako, in a way na ako mismo yung nagkakaroon ng karanasan, para matuto naman akong magpahalaga. Mararanasan kong muli kung papaano maging isang guro.
Charity work na ng church (INC) na magkaron ng libreng summer kinder classes taon-taon. Karamihan sa mga estudyante ko ay wala talagang pampa-aral ang mga magulang dahil sa sobrang hirap ng buhay. P1500 kasi ang normal na tuition fee sa mga Day Care Centers.
===================================================================
Ito ang basic rules ko sa loob ng klase ko. Bawal ang magulo, bawal ang maingay, bawal ang makulit, ang kamay at paa sa sarili, at makikinig.
Nakakaaliw pagmasdan yung mga bata, kasi nakikita ko yung sarili ko sa kanila. Mga pasaway, mukhang walang interes na sundin ang teacher. Hahaha.
Bawal ang verbal, lalong lalo na ang physical assault. Kahit ganoon sila kakulit hindi naman sila maaring pagsabihan ng kahit anong masakit na salita kahit na gustong gusto na namin lalo na kung nauubusan na ng pasensya. Counted as child abuse kasi iyon.
Ang gagawin lang namin ay uulit-ulitin yung mga instructions, para ma-train sila na sumunod. Karamihan kasi sa kanila first time pa lang sa kinder, so kailangan matyaga talaga. Makukuha din nilang sumunod, kung ayaw pa din, eh di isumbong sa magulang. Sila na bahala na pagsabihan ang mga bata o pumalo sa kanila para sa amin. XD
Random Thoughts.
Posted by
Kahleh
on Tuesday, April 20, 2010
Labels:
bakit nga ba?,
pahamak na physics,
SKP,
summer
0 comments:
Post a Comment