Gloomingly Extastic.

Iyan ang pakiramdang gumising sa akin kahapon ng umaga. Daig pa naka-drugs sa sobrang high. Haha.

At ang dahilan? Ang ex ko. Hindi okay na naramdaman ko iyon, pero sabi ng isang kaibigan ko, ayos lang daw iyon. Kayo naniniwala ba kayong ayos lang iyon? Ako kasi hindi.

Tumagal yung nakakabangag na matinding nangungulilang pakiramdam, nang sampung oras. Mula sa paggising ko hanggang sa makatulog ako sa kalagitnaan ng lecture ng Kinesiology class ko. Kung bakit ako nakaramdam ng nakakabangag na matinding pangungulila, hindi ko alam. Biglaan nga lang yun e, dumating at umalis ng walang paalam.

Dumako na tayo sa pamatay na tanong.

Mahal ko pa ba siya?

Kung kanina mo ako tinanong na nasa ilalim ako ng spell oo isasagot ko. Pero kung ngayon mo ako tatanungin, hindi ang sagot ko.

Ang basehan? Yung emotion ko na dominante nang oras na tatanungin mo ako syempre. Nakakainis yun, buti na lang hindi kami nag pre-lec quiz kasi kung meron, zero ang makukuha ko kasi wala ng maabsorb ang utak ko. Kasi kanina puro siya talaga at siya lang ang laman nito. Gusto mo na makita siya, kahit magkatabi lang kayo at hindi nag-uusap. Hainako.

Yung hindi na sagot pinapanindigan ko naman talaga, nataon lang na para akong naka-drugs at nawala ako sa sarili ko.

Ngayon alam ko na at malinaw na malinaw na sa akin kung bakit hindi kami maaring maging normal na magkaibigan.

One week ago, tinext ko siya, sinabi ko na masama ang loob ko sa kaniya, lahat ng ginagawa niya nagpapasama talaga ng loob ko, kahit wala naman talaga siyang ginagawang masama.

Iyung pagtext ang paraan ko para huminto na ako sa kakagatung sa kanya. Sinumbong ko yung sarili ko, parang ewan lang.

Pagkatapos nun, inanticipate ko na, na kaya ko siya kinausap, kasi pakikipag-ayos at pakikipagkaibigan ang habol ko, hindi para makipagbalikan. Walang dahilan para magnais ako ng balikan, kasi unang una I don't feel that I love him. If you would base it on my actions, sorry, kasi kahit na anong klaseng malasakit kung malasakit man ang tawag mo doon, hindi pa din love iyon kasi ang pagmamalasakit ay hindi nagdedefine ng romantic love para sa akin. At saka I don't care exclusively. Ibig kong sabihin maski sa ibang tao ganoon din ako.

Talagang sobrang hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng ganun, at sa kanya ulit. Ngayon kapag naiisip ko siya kumukunot na lang ng kusa ang noo ko. Kasi nga talagang sobrang alam mo na.

Sana hindi na umulit ang mga pagkakataong ito, na wala akong palag, wala akong laban. Sarili kong hypothalamus hindi ko nagawang kontrolin. Tingin ko kaya wala akong palag kasi tuloy tuloy na yung daloy ng hormones na nagpapa-tachycardia ng puso.

Talo (may accent sa dulo) kami ngayon. Hindi kami pwede.

Kahit mabasa mo ito ayos lang, it doesn't matter anything.

One Month Older, Again!

September na. Sobrang bilis ng panahon.

Kahit sandali lang, sisikapin kong huwag alalahanin kung papaano at sino2x ang nagpasama ng loob ko these past few days. Yung totoo, mahaba na ang nasulat ko kanina, pero nung narealize ko na wala akong ibang sinulat kundi tungkol sa hate, binura ko na lahat. Unti-unti mula sa maikling sandali, magiging pangmatagalan kong magagawang hindi alalahanin lahat ng masasamang naramdaman ko, hanggang sa makalimutan ko na lahat ng tuluyan.

Yung masamang damdamin lang ang gusto kong malimutan, pero hindi ang mga alaala. Magsisilbi ang mga ito na gabay para sa susunod, ako na mismo ang gagawa ng paraan patra hindi sumama ang loob ko.

Gusto kong maging masaya. Kahit sandali iisipin kong hindi ako isip at asal bata. Hindi ako magiging maramdamin at matampuhin. Magiging ate ako, uunawain ko ang naging sitwasyon. Pagtitiyagaan ko sila gaano man sila kakulit at kasalbahe. Hindi ako maaring sumuko kasi kung ganoon, mas lalo silang magiging masama ang ugali sa pagkakahulugan ko.

Masaya ako, kasi kahit nagpakita ako ng bahagyang pagkainis, nagawa kong hindi mapangunahang tuluyan ng sama ng loob. Isang malaking achievement para sa akin iyon.

Mababaw na Kalungkutan.

Sabi nila, kapag ikaw lang naiinis sa isang tao, at ang ibang tao ay hindi naman naiinis, ikaw ang may problema. Pero kung lahat na ng tao ay naiinis sa kanya, yung taong kinaiinisan ang may problema.

Grabe hindi ako maka-move on. Oo may tao na kinaiinisan na ng lahat na nasa kanya ang problema. Ako ang problema ko, pinatulan ko siya. Parang bumaba ako sa level ng kababawan niya. At ang isa pa, naiinis ako kasi parehas kami. Siya long-term cheness. ako short-term cheness lang. Para kaming bata. Sumbungan.

Sa makakaba: kung malalaman mo kung sino tinutukoy ko, kindly keep your mouth shut. Kung anong nabasa mo hanggang dito na lang, maari ba?

Siguro, nasanay lang ako na parating malulungkot ang mga kwento ko, kahit puro na masasayang adventures (kalokohan karamihan) ang mga ginagawa ko. At dahil sa malungkot ako magkwento, naglulungkot na din ako. Parati kasi akong nakakakita ng kulang at panget, na sa talatinigan ko ay nagbibigyan ko ng kahulugang "mali".

Tinatawanan ko na lang ang bawat pagkakamali ko. Nakakatawa kasing isipin yung mga maaring iniisip ng ibang tao sa pagkakamali mo.

Well, at least, di kagaya ng dati, nakikita ko na ang sarili ko ngayon. Sensitibo na ako sa nararamdaman ng mga tao sa paligid ko (matapos ko silang masaktan bwahaha).

Humihingi naman ako ng tawad. Oo nung mga panahong nang-aaway ako, mataas ang pride ko, sobra, pero matapos maideklara na panalo na ako, o tabla na ang laban, biglang bulusok paibaba ng pride ko. Hindi ko kayang mawala yung magandang pagkakakilala sa isa't isa dahil sa simpleng kababawan tulad ng pagiging palaaway ko.

Impulsive ako, lalo na kung first time, at hindi maari na makasama ko sa iisang lugar ang isang taong histrionic na kagaya ko (Sa takbo ng sitwasyon di ko ito maiiwasan ngayon). Pero under good conditions kalmante ako. Unless provoked, like, kapag may instances na kailangang mag-justify. May ugali kasi akong boss, gusto ko lahat sumusunod sa plano at logic ko.

Meaning of histrionic: excessively dramatic, emotional, affected.

Nagcclash lang kami. Hindi kami magkakasundo.

Aware ako sa personality problem ko. Kung hindi ako sobrang tahimik, sobrang ingay ko.

I don't call my case disorder. Maybe things are being exaggerated kasi hindi ako marunong makisama. Natutuwa nga yung iba na kausap ako kasi matalino ako. Alam ko ang logic ng mga bagay2x. Kaya kong magbigay ng predictions na madalas, kapag natupad yung nasabi kong kondisyon nagkakatotoo yung sinasabi ko. Magaling ako sa tantsahan ng mga possibilities. Nakakapagpayo ako ng maayos sa ibang tao, pero kung ako sa sarili ko ang mag-aaply nun, hindi ko magawa.

Pinapagalitan ko ang sarili ko ngayon, at hanggang ngayon hindi ako humihinto kakagatung sa isipan ko, kasi naiisip ko pa din yung nangyari. Wag niyo kong pagalitan. Siguro, kaya hindi ko ito madaan sa panalangin, kasi hindi ko matanggap yung nangyari, at hindi ko pa napapatawad yung sarili ko sa kabababawan ko.

Gusto kong umiyak. Hay buhay.

Maybe, I need someone whom I can share my thoughts with, to remind me to calm down each time I wanted to burst. Someone who would tell me to stop, for me to snap back to reality, that nothing good can be accomplished with hot-headedness. Someone who could remind me that, in a messy connection, short-circuit (misunderstanding, high tension) is always expected.

Oo maarte ako, kailangan ko pa ng ibang tao. sorry naman hindi kasi ako independent.

August 13, 2010

Isang sobrang napakasayang araw. Madami akong natutunang bago ngayon.

At saka espesyal itong araw na ito, kasi finally nakapanumpa na din ako sa CBI. Kalihim ako BTW. ^^

Yung una sa kwento ko. Hindi ako pumasok ng school ngayon, pero naka-uniform ako umattend ng pulong. Gusto ko kasi na kapag nanumpa ako, naka-uniform ako.

Yung bar pin ko ay confiscated nung Huwebes ng hapon ng University Clinic. May sore eyes kasi ako. Bale ngayong Biyernes hindi na namumula yung mata ko pero nagmumuta pa ito. Sabi nila nakakahawa pa daw. Kaya ayun, pinalayas ako sa school, at binantaan na tatagalan yung 7 days na hindi ako maaring pumasok. Sore eyes lang ito ano ba? T_T

Bukas Sabado hindi na ako papasok. Baka kasi kapag nagpakita ako sa school isumpa ako ng mga doctor sa University Clinic dahil sa kakulitan ko.

Nakakainis yung ganito, yung pinaranas sa iyo na hindi ka maaring pumasok kahit kaya ng katawan mo. Nananabik ako sa school.

Nangangako ako na hindi na ako tatamarin kahit kailan, and I mean it.

Sa gintuan namin ako nagpalipas ng oras. Wala na kasi akong mahanapan na ibang mapagtambayan e. Kaya ayun nandun ako. Hbang nagpapalipas ako ng oras kinikilala ko na ng mainam si Magee. Inuunawa ko na syang lubusan, susunod ako sa kasunduang mag-aaral na akong mabuti para ipasa niya ako.

Pagtapos sa gintuan namin, dumiretso ako sa NBS Soler. Bumili ako ng libro, "How To Make Your Husband Happy". Baliw na kung baliw, oo na kasi wala naman akong asawa. Kasi may ugali ang mga lalaki na hindi ko maintindihan na gusto kong intindihin kaya binili ko iyon. At isa pa, kasi lalaki ang nagsulat nun, man's POV ika nga.

Naglakad ako papuntang lokal ng Quiapo kung saan ako manunumpa. Sa daanan huminto ako sa may Mini Stop doon upang bumili ng tubig at pandesal. Tapos dinaanan ko din yung Manuel L. Quezon University, sabay sambit sa sarili ko na balang araw makakapasok ako sa paaralang iyan, dahil magtetake ako ng PT Board Exam.

Ang dahilan kung bakit gusto kong manumpa ng tungkulin na naka-uniform ako, kasi nag-iipon ako ng mga dahilan para mas lalo ko pang pahalagahan ang pag-aaral ko. Sobrang hirap ng course ko sobra. Tapos ang hirap pang makasagap ng motivation lalo na kung hinihigop ng kawalan ang initiative mong mag-aral.

6PM ako nakarating ng Lokal ng Quiapo. Binati ko yung unang taong nakilala ko, si kuya Reino. Taga Mapua siya, engineering. Sabay sambit na shocks ang gwapo niya. Ayun may bago akong crush. Haha. Taga-Rizal siya, taga-Rizal din si Ate Kreng, maaari akong ilakad ni Ate Kreng sa kanya, tutal malakas naman ako kay Ate Kreng. Haha.

Biro lang. Hindi ko gagawin yun. Nag-iipon ako ng confession reasons sa isang special na tao sa buhay ko, he's worth the effort naman e (Kung magkakaroon at ibibigay sa akin ang TAMANG pagkakataon, who knows?). Saka gusto ko siya e. I'm not the type of girl he would reject, he already knows that i'm a good girl, besides alam ko na "in search" siya. Wahehe.

Si Kuya Reino nga pala kaka-approve lang ng friend request ko sa FB. Ayieee. May love interest siya kaya bawal ako. Haha. Mag move on na daw ako.

Moving on na nga. Ayun si Elaine kulit ang naging kakwentuhan ko. Ano nga ba yung pinagkwentuhan namin? Haha.

Punta na tayo sa pulong. Shocking yung simula ng pulong. Sinimulan nila ng mga pampadurog-puso tapos tinapos nila ng inspirational stuffs. Kunsabagay yung durugang puso idea, hindi ko naman talaga original idea. Hiniram ko lang yun, tapos ginawan ko ng appropriate term at sariling concept. Effective kasi e. Pero hindi yata effective sa ex ko na ginamitan ko nun, haha. Ayun o siningit ko siya. Haha tatanggalin na kita sa usapan. >:D

More on sa prophecy, love sa studies, sa parents, and most especially sa tungkulin ang mga tinalakay. Complete devotion at surrender on God's will ang kailangan. Magagawa ko iyun. Nangako ako at tutuparin ko iyon.

Pagkatapos ng pulong, may isa pa akong bukod na pulong na pinuntahan, yung sa mga medical allied courses. Sikreto kung ano pinag-usapan namin. Sa amin na lang yun.

Nanlibre nga pala ng pagkain si Kuya Lendle. Hindi ako nabiyayaan ng rasyon kaya yung rasyon ni Daryll ang kinuha ko. 1st year siya, 3rd year naman ako. Pagdating talaga sa pagkain, lalo na kung pinag-aagawan, masiba talaga ako. Haha. Takaw tingin kasi e.

Ang PLM nga pala, Top1 at Top 3 (na-relate sa Friday the 13th). Galing no?

Nung uwian na, kinwento ko kay kuya Nic yung blueprint ng lokal namin, at sobrang amazed sya. Natuwa ako sa kanya kasi sobrang interesado siya sa topic namin. Arki kasi siya e.

Andami ko ng nakwento. Halos 30minutes na akong nagsusulat. yung iba sa personal ko na lang ikkwento. yun lang

Matutulog na ako. Ipapahinga ko na ang aking mga mata. Sana sa Lunes, sa Midterms namin, ay okay na ito.

Ako, Si Arem, At Ang Kagandahan ng Durog na Puso

I will write all the thoughts that I have in my mind before they run away.

My Obsessive Compulsive behavior is manifesting again – I hate being logically wrong, whether it would be in Math, Science or in English. That’s the reason why every time I attempt to write in English, I feel so devastatingly uncomfortable. I’m afraid that people would laugh at me if I would have a wrong grammar.

Shemay. Haha. Straight english~! Ang galling ko!.

By nature my obsessive compulsive behavior naman ako e.Kaya nga

1. Hindi ko maiwasang hindi magcomputer. KASI PARATI KONG NAIISIP YUN

2. Nung high school ako di ako talaga nagpapasa ng projects, KASI MAY NALALAMAN PA AKONG GEOMETRIC CHURVA. SYMMETRICAL OBSESSIONS. Dun ako nagtatagal. Kapag walang ganun o tinatamad akong gumawa ng ganun, ang nangyayari din a ako gumagawa ng projects.

3. Tamad akong gumawa ng mga gawaing-bahay, pero sa oras na gumawa ako, pulido. MAY SYMMETRY ULIT, AT KAPAG SINABING MALINIS WALA KAHIT ISANG ALIKABOK. KAPAG NAGLALAMPASO AKO NG SAHIG YUNG TIPONG KAPAG NILIMAS MO WALANG DUMI ANG PALAD MO.

4. Ginugupit ko yung PT Handouts ko at dinidikit ko sa notebook ko. Isang orasng maggupit ng isang handout.. XD

Gusto ko lang itong ikwento.

Kanina nagtext2x kami ni Arem. Sobrang emo kasi ng quote na finorward niya e.

Isusulat ko yung conversation namin. Just in case na mabasa mo ito Arem, bati tayo. Haha. :P

Arem: It’s really hard to hold on, to the feelings that I have always held. To treat someone as ordinary, when in fact she’s very special, to move on your own, with an empty and totally wounded heart, to smile even in deep pain. To let go of the person you dreamt forever with and to give up everything, though inside you still wanna try.

Clariz: Sobrang emo ng kowt. Eww.

Arem: Sobra, di ka kc nagpakita sakin nung anniversary e

Clariz: Anong connect nun sa pagka-emo mo? Interesado lang ako

Arem: Akay ko siya nung 27, tapos yun na din yung “official” na katapusan L May bf na siya L nakaka-emo lang. Siya nakapag-move on na, tapos ako STRANDED pa din sa sakit na ginawa niya L

Clariz: By nature di naman talaga kaya ng tao mag-isa, kaya may bago siya ngayon, kaya nasasaktan ka maski kahit nung wala pa syang bago kasi siya ang gusto mong makasama. Kung mahal mo talaga ang isang tao, let go, Stop holding on to her, stop holding on to pain, sadness, frustrations and jealousy, for those aren’t traits of true love

Arem: Taena text mo parang quote. Quote ba yan?

Clariz: Text yan. Pinag-isipan ko yan. Tae ka.

Arem: Natuwa naman ako. Hindi kasi ok naman na ko. Kung ok lang pag-usapan mas OK pa ko sa kanya. Parang naiinis lang ako kasi nga parang ambilis naman niyang makahanap diba? Ako nga di ko pa magawa magmahal ng iba kasi baka masaktan lang ako.

Clariz: You reminded me of my stupidity months ago, hmp. Weno naman? Apektado ka? Loser ka. E sa hindi niya kaya ng wala siyang boylet e.

Arem: aw.

Mahirap sabihin na kung mahal mo talaga ang isang tao, magiging Masaya ka din para sa kanya, kahit hindi ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya. Kahit na ibang tao ang dahilan. Sarcastic happiness ang tawag dun. Kasi gusto mo na kayong dalawa lang forever and ever. Maliban ka na lang kung nakapag move on ka na. Masasabi mo lang kung nakamove on ka na kung una, tanggap mo na ang katotohanan na wala na kayong dalawa, at pangalawa, napakawalan mo na ang sarili mo sa pag-ibig na nagtatali sa iyo sa kanya.

…..

Naisip ko, nagkakaroon ng mutual understading kapag pumunit ka ng bahagi ng puso mo para ibigay sa isang tao. In return pupunit din sya ng bahagi ng puso niya para ibigay niya sa iyo. Kaya mutual, may sharing ng feelings, nararamdaman mo yung nararamdaman niya kasi may bahagi na ng puso mo ang puso niya.

Pero may pagkakataon na namamanhid o baka lubusan ng manhid yung bahagi ng puso mo na binigay mo sa kanya para maging kabahagi ng puso niya

Doon nasasaktan ang isang tao kasi pakiramdam niya na patay na yung bahagi ng puso niya na binigay niya, samantalang yung bahagi ng puso ng taong mahal niya, sinisikap niyang buhayin sa puso niya.

Kahit na nasasaktan ka na, imposible ng maramdaman ng taong mahal mo yung sakit. Doon napuputol ang mutuality

Grabe naiiyak ako ngayon, isang patay na bahagi ng puso ko kasi ang ini-stimulate ko para maisulat ito. Si Arem kasi e, hindi ko matiis na hindi i-analyze yung nangyari sa kanya. Haha.

Madalas ko nga palang marinig sa ibang lalaki na madami silang mahal. Posible iyon, kasi sa puso nila madaming babae ang may bahagi doon. XD

Maganda ang pusong madaming punit, kasi ibig sabihin nun, hindi ka naging madamot sa pagbabahagi ng buhay mo. Ako may bahagi ang mga kaibigan ko sa puso ko. Kapag punitan ng puso, hindi lang naman tungkol sa romantic love iyon. Syempre hindi mawawala yung friendship love

Iniisip ko ngayon, may apat na bahagi ang puso ng tao, si left ventricle, right ventricle, left atrium at right atrium. Kung sakasakaling sipagin ako, gagawan ko sila ng kwento, kasama ni brain, lungs, kidneys at ng ibang lamang loob, lalagyan ko din ng homeostatic mechanisms, haha. Mas maiintindihan yung logic ng takbo ng puso kung tatalakayin siya scientifically.

May napagsabihan na ako nito dati. Kung dumating na ang isang tao sa puntong madami na siyang minahal, at sobrang dami na ng punit sa puso niya na tipong kulang na lang madurog na ito, mas maganda kung tuluyan na lang durugin ang puso niya into pellets. Ganun kasi ang mechanism ng glass recycling. yung old glass kasama ng ibang substances ang raw materials ng bagong glass, o ng bagong puso. Hindi ko maisip kung papaano i-isolate yung friendship love at family love sa durugan ng puso. Ang hirap pag-isipan. Haha.

Ang gulo ng train og thought ko. Naiintindihan niyo pa ba ako?

Purong imbento at kalokohan na naman ang gagawin ko. Haha.

Madrama lang akong masgsulat. Wala akong love ngayon. Crush meron.

Itago na lang natin siya sa pangalang “Kuya”. Sobrang natutuwa ako sa kanya. Pakiramdam ko ako ang “Bunso” niya. Pakiramdam ko na-baby niya ako masyado. Sapat na yung pag-aalaga niya sa akin sa pamamagitan ng mga payo niya para mawala yung sakit na naramdaman ko, dati.

Baka sabihin niyo assumera ako. Di no. Yung conversations namin, di ko na isusulat. Di ko naman kasi makakalimutan yung mga yun. Ganun siya ka-special, pati yung mga sinabi niya sa akin.

May tito akong Associate Judge sa Supreme Court. Kwento ng lola ko, karamihan sa mga kaso na hinawakan niya, puro sa mga naghihiwalay na mag-asawa.

May babae, na sinampahan ng kaso si lalaki, kasi hindi daw sila masustentuhan. Teka, papaano masusustentuhan kung wala naman talagang ibibigay na pera? Kesho daw winawaldas,eh papaano kung wala naman talagang wawaldasin? Kababawan.

Naalala ko ako at ang ex ko. I’m always demanding things from him. Eh kaso yung mga bagay na hinihingi ko wala naman talaga sa kanya, o kung maari mang magkaroon sobrang imposible na makakuha ng ganun. Tama lang yung nauwi kami sa hiwalayan, hindi rin naman kasi kami nagkasunduan. :D

Nakasulat na sa hangin yung ibang mga detalye tungkol sa aming dalawa. Respeto para sa akin ang pananahimik ng kwento namin. Nabanggit ko lang siya, ipipilit na irelate sa kwento ni Arem. Haha.