One Month Older, Again!

September na. Sobrang bilis ng panahon.

Kahit sandali lang, sisikapin kong huwag alalahanin kung papaano at sino2x ang nagpasama ng loob ko these past few days. Yung totoo, mahaba na ang nasulat ko kanina, pero nung narealize ko na wala akong ibang sinulat kundi tungkol sa hate, binura ko na lahat. Unti-unti mula sa maikling sandali, magiging pangmatagalan kong magagawang hindi alalahanin lahat ng masasamang naramdaman ko, hanggang sa makalimutan ko na lahat ng tuluyan.

Yung masamang damdamin lang ang gusto kong malimutan, pero hindi ang mga alaala. Magsisilbi ang mga ito na gabay para sa susunod, ako na mismo ang gagawa ng paraan patra hindi sumama ang loob ko.

Gusto kong maging masaya. Kahit sandali iisipin kong hindi ako isip at asal bata. Hindi ako magiging maramdamin at matampuhin. Magiging ate ako, uunawain ko ang naging sitwasyon. Pagtitiyagaan ko sila gaano man sila kakulit at kasalbahe. Hindi ako maaring sumuko kasi kung ganoon, mas lalo silang magiging masama ang ugali sa pagkakahulugan ko.

Masaya ako, kasi kahit nagpakita ako ng bahagyang pagkainis, nagawa kong hindi mapangunahang tuluyan ng sama ng loob. Isang malaking achievement para sa akin iyon.

0 comments:

Post a Comment