Iyan ang pakiramdang gumising sa akin kahapon ng umaga. Daig pa naka-drugs sa sobrang high. Haha.
At ang dahilan? Ang ex ko. Hindi okay na naramdaman ko iyon, pero sabi ng isang kaibigan ko, ayos lang daw iyon. Kayo naniniwala ba kayong ayos lang iyon? Ako kasi hindi.
Tumagal yung nakakabangag na matinding nangungulilang pakiramdam, nang sampung oras. Mula sa paggising ko hanggang sa makatulog ako sa kalagitnaan ng lecture ng Kinesiology class ko. Kung bakit ako nakaramdam ng nakakabangag na matinding pangungulila, hindi ko alam. Biglaan nga lang yun e, dumating at umalis ng walang paalam.
Dumako na tayo sa pamatay na tanong.
Mahal ko pa ba siya?
Kung kanina mo ako tinanong na nasa ilalim ako ng spell oo isasagot ko. Pero kung ngayon mo ako tatanungin, hindi ang sagot ko.
Ang basehan? Yung emotion ko na dominante nang oras na tatanungin mo ako syempre. Nakakainis yun, buti na lang hindi kami nag pre-lec quiz kasi kung meron, zero ang makukuha ko kasi wala ng maabsorb ang utak ko. Kasi kanina puro siya talaga at siya lang ang laman nito. Gusto mo na makita siya, kahit magkatabi lang kayo at hindi nag-uusap. Hainako.
Yung hindi na sagot pinapanindigan ko naman talaga, nataon lang na para akong naka-drugs at nawala ako sa sarili ko.
Ngayon alam ko na at malinaw na malinaw na sa akin kung bakit hindi kami maaring maging normal na magkaibigan.
One week ago, tinext ko siya, sinabi ko na masama ang loob ko sa kaniya, lahat ng ginagawa niya nagpapasama talaga ng loob ko, kahit wala naman talaga siyang ginagawang masama.
Iyung pagtext ang paraan ko para huminto na ako sa kakagatung sa kanya. Sinumbong ko yung sarili ko, parang ewan lang.
Pagkatapos nun, inanticipate ko na, na kaya ko siya kinausap, kasi pakikipag-ayos at pakikipagkaibigan ang habol ko, hindi para makipagbalikan. Walang dahilan para magnais ako ng balikan, kasi unang una I don't feel that I love him. If you would base it on my actions, sorry, kasi kahit na anong klaseng malasakit kung malasakit man ang tawag mo doon, hindi pa din love iyon kasi ang pagmamalasakit ay hindi nagdedefine ng romantic love para sa akin. At saka I don't care exclusively. Ibig kong sabihin maski sa ibang tao ganoon din ako.
Talagang sobrang hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng ganun, at sa kanya ulit. Ngayon kapag naiisip ko siya kumukunot na lang ng kusa ang noo ko. Kasi nga talagang sobrang alam mo na.
Sana hindi na umulit ang mga pagkakataong ito, na wala akong palag, wala akong laban. Sarili kong hypothalamus hindi ko nagawang kontrolin. Tingin ko kaya wala akong palag kasi tuloy tuloy na yung daloy ng hormones na nagpapa-tachycardia ng puso.
Talo (may accent sa dulo) kami ngayon. Hindi kami pwede.
Kahit mabasa mo ito ayos lang, it doesn't matter anything.
0 comments:
Post a Comment