Mababaw na Kalungkutan.

Sabi nila, kapag ikaw lang naiinis sa isang tao, at ang ibang tao ay hindi naman naiinis, ikaw ang may problema. Pero kung lahat na ng tao ay naiinis sa kanya, yung taong kinaiinisan ang may problema.

Grabe hindi ako maka-move on. Oo may tao na kinaiinisan na ng lahat na nasa kanya ang problema. Ako ang problema ko, pinatulan ko siya. Parang bumaba ako sa level ng kababawan niya. At ang isa pa, naiinis ako kasi parehas kami. Siya long-term cheness. ako short-term cheness lang. Para kaming bata. Sumbungan.

Sa makakaba: kung malalaman mo kung sino tinutukoy ko, kindly keep your mouth shut. Kung anong nabasa mo hanggang dito na lang, maari ba?

Siguro, nasanay lang ako na parating malulungkot ang mga kwento ko, kahit puro na masasayang adventures (kalokohan karamihan) ang mga ginagawa ko. At dahil sa malungkot ako magkwento, naglulungkot na din ako. Parati kasi akong nakakakita ng kulang at panget, na sa talatinigan ko ay nagbibigyan ko ng kahulugang "mali".

Tinatawanan ko na lang ang bawat pagkakamali ko. Nakakatawa kasing isipin yung mga maaring iniisip ng ibang tao sa pagkakamali mo.

Well, at least, di kagaya ng dati, nakikita ko na ang sarili ko ngayon. Sensitibo na ako sa nararamdaman ng mga tao sa paligid ko (matapos ko silang masaktan bwahaha).

Humihingi naman ako ng tawad. Oo nung mga panahong nang-aaway ako, mataas ang pride ko, sobra, pero matapos maideklara na panalo na ako, o tabla na ang laban, biglang bulusok paibaba ng pride ko. Hindi ko kayang mawala yung magandang pagkakakilala sa isa't isa dahil sa simpleng kababawan tulad ng pagiging palaaway ko.

Impulsive ako, lalo na kung first time, at hindi maari na makasama ko sa iisang lugar ang isang taong histrionic na kagaya ko (Sa takbo ng sitwasyon di ko ito maiiwasan ngayon). Pero under good conditions kalmante ako. Unless provoked, like, kapag may instances na kailangang mag-justify. May ugali kasi akong boss, gusto ko lahat sumusunod sa plano at logic ko.

Meaning of histrionic: excessively dramatic, emotional, affected.

Nagcclash lang kami. Hindi kami magkakasundo.

Aware ako sa personality problem ko. Kung hindi ako sobrang tahimik, sobrang ingay ko.

I don't call my case disorder. Maybe things are being exaggerated kasi hindi ako marunong makisama. Natutuwa nga yung iba na kausap ako kasi matalino ako. Alam ko ang logic ng mga bagay2x. Kaya kong magbigay ng predictions na madalas, kapag natupad yung nasabi kong kondisyon nagkakatotoo yung sinasabi ko. Magaling ako sa tantsahan ng mga possibilities. Nakakapagpayo ako ng maayos sa ibang tao, pero kung ako sa sarili ko ang mag-aaply nun, hindi ko magawa.

Pinapagalitan ko ang sarili ko ngayon, at hanggang ngayon hindi ako humihinto kakagatung sa isipan ko, kasi naiisip ko pa din yung nangyari. Wag niyo kong pagalitan. Siguro, kaya hindi ko ito madaan sa panalangin, kasi hindi ko matanggap yung nangyari, at hindi ko pa napapatawad yung sarili ko sa kabababawan ko.

Gusto kong umiyak. Hay buhay.

Maybe, I need someone whom I can share my thoughts with, to remind me to calm down each time I wanted to burst. Someone who would tell me to stop, for me to snap back to reality, that nothing good can be accomplished with hot-headedness. Someone who could remind me that, in a messy connection, short-circuit (misunderstanding, high tension) is always expected.

Oo maarte ako, kailangan ko pa ng ibang tao. sorry naman hindi kasi ako independent.

0 comments:

Post a Comment