Dilemma ulit. Haha.


Grabe, nagpupuyat ako ngayon, hindi para gumawa ng schoolworks, kundi manood ng koreanovelas.

Hindi ko lubos akalain na aabot ako sa puntong ito, na magiging tambay ako, hindi dahil sa walang pambayad ng tuition fee ang mga magulang ko, kundi hinayaan ko na maging ganito ang kalagayan ko.

It is pathetic. Medyo okay na din naman ito, kesa naman nag-aaral nga ako, pero hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako nag-aaral. Ang hirap sabihin na kaya ako bumagsak, kasi wala akong pakialam sa grades ko, sa sarili ko, at sa iisipin ng mga tao sa paligid ko dahil sa matinding kahihiyang ginawa ko. Ang hirap sabihin na wala akong pakialam sa mundo, at hindi ako marunong makisama sa kaniya, kaya iniwanan niya ako bigla sa ere.

Ang hirap, sobra. Nagalit ang mundo sa akin, kasi galit din siguro ako sa kaniya. Literally. Magmula pa nung bata ako, madalas akong tanungin ng mga tao kung bakit nakakunot ang noo ko. Ultimong hanggang sa koro nakikita nila ako na nakasimangot. Ang matindi pa, wala akong malay na nakasimangot na pala ako. Unconscious ika nga. Nasanay ako sa ganung itsura.

Ngayon na lang ako medyo ngumingiti. Hindi na daw ako nakakatakot lapitan. Simula nung nag-effort ako consciously sa pagngiti, naramdaman ko na mabigat pala talaga sa mukha kung nakasimangot, kaya pinipilit ko na hindi sumimangot.

Seven months pa ako magiging tambay. Yahoo! Kabaliw.

===================================================================

Pros of being a tambay.

1. More time for introspecting. Finally I diagnosed myself correctly. Hindi ako schizophrenic, and I from now on I will never use the term schizophrenic to describe the way I behave. Avoidant lang ako (similar with anti-social pero mas magaang personality disorder in my point of view, kasi unlike anti-socials wala akong criminal-like tendencies) at Obsessive-Compulsive. Little by little I'm withdrawing myself from my unpleasant behaviors. Muntanga nga lang, kasi I really have to say it to myself over and over again that I shouldn't act like that. Mahirap paalalahanan ang sarili, lalo na kung ang gusto kong mangyari ay iwasan ang mga bagay na dating nakasanayan.

2. More animes and koreanivelas to finish. Wag kayo, madami naman akong natututunan sa panonood ng koreanovelas. Natuto ako kung papaano umibig muli, at mangarap para sa aking prince charming.

3. 2014 ako ggraduate. Kasabay ko si Bong BSECE 5 yr course, EJ BSCS 4 yr couse, at Gelo, Elementary course. Isang handaan lang! Maipatayo na sana yung bonggang dream house ng mga magulang ko, para dun na yung handaan, hindi sa maliit na apartment na tinitirahan namin ngayon.

3. I can apply for sidelines. Trip trip lang. Pero kahit ganun, sana matanggap ako. :P

===================================================================
PS. Pahabol Salita. Madami akong naisulat, na dinelete ko. For privacy's sake ika nga. At mas mainam kung puro mga kwento tungkol sa akin ang mababasa niyo, at hindi kwento ng ibang tao. :D

HAPPINESS. XD

Namiss ko magsulat. Haha.

Masaya kanina sa SMX, kahit hindi pumunta yung mga taong gusto kong makita.

By chance, nakatapon ako ng noodles, kay Jedd. Buti kalmante lang siya na tao. Hindi siya nagalit kahit natapunan ko siya/ Nang mga panahong wala na akong magawa, kasama ko siya sa Picture Trippings at sa pagkain sa SM Food Court. Nang uwian na namin, saka ko lang nalaman na isa pala siyang Santos, tapos tubong Bulacan din. Parehas kami ng ninuno, pero magkaiba kami ng angkan. Angkan sila na puro mga INC. Kami angkan ng mga pulitiko at iba pang matataas na tao sa lipunan. Naniniwala akong malayong malayong malayong magkamag-anak kaming dalawa. Haha. Naging masaya ako dahil sa kanya. Although maganda yung SMX kanina, hindi naman ako nag-enjoy, kasi nga hindi naman pumunta yung mga taong gusto kong makita, na nagsabing pupunta sila.

Being happy is now an obligation for me. Bawal akong malungkot. Bawal din akong masaktan. Recently nalaman ko na mataas ang chance ko for schizophrenia, although wala naman akong kamag-anak na schizophrenic. Wala sa lahi namin. Sabi lang kasi sa net, related daw kasi ang schizophrenia sa tinnitus at allergy, mga nagiging, sabihin na nating symptoms of pain ko.

Kapag nasasaktan ako, o nalulungkot, my body undergoes a slow-pain state, where histamine release is excited. Yun ang lintek na defense mechanism ng katawan ko kapag threatened ako. Kagaya na lang nang nangyari around 11pm ng November 1. Nag-automatic slow-pain phase ako ng hindi ko alam kung ano ang dahilan. Masaya ako kanina dahil kay Jedd, kaya hindi ko alam kung bakit bigla-bigla malulungkot ako. Sabi ko nga, sana hindi ito masamang pangitain. My faith won't fail me. Pagkatapos bonggang pantal sa mga binti, saka tinnitus. Natotorture ako kapag nagkakaganun ako. Anyway ngayon lang naman ako nagkaganito, October 20 yung unang atake na triggered by pain. I've experienced pain many times enough, pero hindi naman ako inaatake ng allergy. Siguro kasi lumampas na ako sa cummulative pain capacity ko.

Kaya siguro ako hindi nagiging masaya, kaya minsan hindi ako makapag-enjoy, kasi mahabang dahilan. Sisikapin ko na lang na mag-enjoy ako, kahit umabot sa puntong pipilitin kong mag-enjoy ako, kasi takot na akong atakihin ng allergy ulit.

Sisimulan ko sa emotional at spiritual stability. Hindi ko namalayang dahil sa lintik na pride ko naging emotional at spiritual unstable ako. Naging mayabang ako na wala sa lugar. But I can cope with this. Kaya pang habulin ng repair ang damages.

Puno naman ng mga magagandang sorpresa ang buhay ng tao. Marami akong sorpresang matatanggap ngayon kasi malapit na ang birthday ko. Appreciation is the key.

Ironic ang buhay ko. Kailangan pang mapasama sa listahan ng allergens ko ang pain para iwasan ito. Hainako. Haha.

Excited na akong malaman ang mga magpapasaya sa akin sa darating na mga araw. :D

Usapang Sakit.

I'm thinking too much, again. Isip-bata mode, madaling maniwala, therefore, madaling mauto. Sabi nag nila, nagsasabi ng mga bagay na hindi naman dapat sinasabi ng mga normal na tao/mga tao na matanda mag-isip.

Napapadalas din ang pagsusumbong ko ngayon. Ika nga puro mali ng ibang tao ang nakikita ko, pero ang mali ko hindi ko nakikita. Immune ako sa sarili kong mga kalokohan.

Dahil sumbungera ako, ang masakit para sa akin ngayon, sa oras na paghaharapin kami ng hukom ng taong isumbong ko, ay hindi lang sila sa tama o sa mali titingin, kundi sa katwiran. Maililigtas ng pagiging likas na mahina ng taong nasasadlak ang sarili niya kung makikitang makatwiran ang katwiran niya.

At least nagsumbong ako. Alam na nila na may mali. Pero hindi ko na mabubura ang katotohanang mali ako ng paraang ginawa kasi hindi na ako bata.

Madami akong naiisip. Madami din akong dahilan. Pilosopo ika nga. Gusto ko kasi lahat ng bagay alam ko, pero hindi naman maari iyun.
===================================================================
Offtopic na ako masyado. Dapat usapang sakit tayo eh. Hmmm.

Hindi pa ako nagpapa-check up sa mga doctor. ang sumusunod ay sarili ko lamang expekulasyon.

1. Tinnitus
Tinnitus is described as an episode of high-pitched ringing sound. Common siya sa mga matatanda. Associated sa pagkabingi.

Inaatake ako nito sa tuwing gumigising ako mula sa masama ang loob ko na natulog ako.

After three hours nawawala na naman yung tinnitus. Itinutulog ko na lang ng nakadapa ako. Kasi kapag nakahiga ako na yung occipital area ang may contact sa unan, lumalakas lalo yung high-pitched ringing sound, tapos pakiramdam ko nanginginig ang buong ulo ko.

2. Mood Disorder
Lahat naman ng tao meron nito. Kaso hindi ko alam kung ano yung sa akin. :D
Merong tinatawag na under-diagnosis at misdiagnosis. Hindi ko papakialam ito, baka may mali akong masabi.

3. Chocolate Allergy
Pinapantalan ako kapag kumakaen ako ng chocolate. Hindi ko alam kung bakit.
Sa dinamidami ng pagkaen chocolate pa no. Pffft.

Wala na akong maisip. XD

Usapang Keso.

Mahirap maging hopeless romantic. Yung tipong kinikiliti ang utak mo para mag-daydream ng mga romantic stuffs, kaso hindi naman aplikable, kasi hindi makatotohanan.

Ayun. Haha.

Magpopost na lang ako ng mga kantang gusto ko. Gagawa ako ng compilation. In right time, paparinig ko sila lahat sa prince charming ko. Haha. Tapos kung may bago akong magugustuhan, idadagdag ko na lang dito.

Mahal Kita Kasi
Nicole Hyala

Mga korning banat na ginawan ng kanta. :D

Perfect Two
Auburn

Parang kanta lang ni Nicole Hyala na Mahal Kita Kasi

Never Be Replaced.
1st Lady

Baby I love you and I'll never let you go. But if I have to boy I think that you should know. All the love we make, can never be erased, and I promise you that you will never be replaced.

Madaming kwento sa likod ng kantang ito. Yung tanging taong pinagsabihan ko nito, napalitan din kagad sapuso ko. Tapos *blablablab* XD

Forever Friends
Fiona Fung

Kanta ni Fiona Fung. Dedicated sa best crush ko na 10 years ang tanda sa akin. Buong bakasyon sobrang lakas ng tama ko sa kanya, kahit alam kong mali. Hindi ako pwede, at mas lalong hindi siya pwede. Usapang bangagan at adikan kami parati, nakakatuwa lang. I've never been that open with a guy. We're more than friends, kasi kapatid niya ako.

If You're Not The One
Nikki Gil

If I'm not made for you, then why does my heart tell me that I am? Is there any way that I can stay in your arms?

Ang ganda no? Haha. This song is actually my childhood crush's favorite.

Your Love Is The Greatest Gift Of All
Jim Brickman & Michelle Wright


Nakuha ko sa maganda kong tita. Haha.

Love Moves In Mysterious Ways
Nina


Matagal itong Top1 sa MYX chart aa. Ganda. :D

If We Fall In Love
Princess Hours OST


Gusto kong background music ito. Hindi ko masabi kung saang event. Kahit yung instrumental lang. Kahit walang kumakanta. Haha.

Kundiman
Silent Sanctuary


Sobrang sweet. Maswerte ang babaeng inspirasyon sa likod ng kantang ito.

Pitong Araw
Hale

Hindi ako magkakaganito, kundi dahil sa iyo. Sabihin mo! Hindi kita iiwanan, pangakong di pababayaan. Ako'y nandiyan lamang nababalot, sa isip mo.

Kasama Kang Tumanda
Ogie Alcasid


May kanta si Ogie na gustong gusto ko na nakalimutan ko kung ano. Waaaah.

Madami akong OPM na nawala sa isip ko. Haha. Panu na ito? Hainako

Sembreak Dilemma.

Eversince talaga ang hina kong dumiskarte, lalong lalo na sa pag-aaral.

Buti pa yung mga kapatid ko, naipagmamalaki nila na exempted sila sa final examination nila, major subject pa. E ako, kasama sa mga pinaulanan ng singko ng mga professors.

Sabi ko dati hindi ako kukuha ng course na related sa math, hindi dahil sa mahina ako sa math, actually forte ako ang math. Ayoko lang math-related course, kasi gusto ko na sa ibang field ako.

At ayun, nag BSPT ako.

Ang saklap ng kalagayan ko ngayon. Mula nang pumasok ako sa PLM apat na ang singko ko. At nakakadalawang sorry letter na ako ngayon.

Kung tatanggapin yung sorry letter ko, this is really my last chance. Hindi na ako maaring magkaroon pa ng bagsak. Nakakalungkot sa CPT, kasi kahit may natutunan naman yung estudyante, susundin nila ang patakaran na 75% passing rate.

Malabong hindi magkaroon ng mga estudyanteng babagsak kada subject. Ganun talaga. At least kung hindi mo maabot yung 75%, dapat hindi ka kasama sa lower third ng batch.

Ang plano ko dapat, lilipat ako ng school, kasi ayokong ma-delay ng batch. Kaso nung sinabi ko yung gusto kong mangyari sa Dad ko, sinabi niya na ayaw niya na lumipat ako ng school. Wala akong pang-tuition fee, pero kung tutuusin ang dami ng money-in-hand ng tatay ko, at madami kaming properties.

Ang option na ibinigay niya sa akin (1) mag-shift ako ng course (2) kung gusto ko ng BSPT pa din, magparecon ako kahit mag leave-of-absence ako ng isang semester.

Hindi ako kinakabahan ngayon, kasi nananalangin naman ako. Sana aprubahan yung recon letter ko bago magsimula ang second semester.

Dahil sa kaunti ang load ko ngayon, siguro mas mapagtutuunan ko na ng pansin ang pag-aaral ko. Kahit 7 units lang ang pwede kong i-take.

Yung problema ko last semester, hmmmm, mahabang listahan. Kasama na dun yung nakakatulog ako sa klase kasi inaantok ako dala ng sumasakit ang ulo ko. Hindi ko na idedetalye pa yung mga problema kong iyun. Masyadong kumplikado.

Si Lola Mama.

Buhay pa ang Lola Mama ko. 87 years and 7 months old na siya ngayon.


Childhood Memories
Nung maliit pa lang ako, ayoko kay Mama. Parati kasi siyang handang mamalo at manermon ng apo, kahit wala ka namang ginagawang masama. Naglalaro ka lang naman, pero yung simpleng laro na iyun ay kinaiinisan nila.

Malakas akong magtrip nung bata ako, lahat na yata ng naiisip kong kaya kong gawin ay ginagawa ko. Umaakyat ako sa bintana nila. Umaakyat ako sa mataas na drawer namin (7feet) tapos tumatalon ako mula sa itaas, paulit-ulit yun. I enjoyed falling. Tapos yung iba hindi ko na maalala.

Sa sobrang likot naming magkakapatid, tig-iisa kami ng tagapag-alaga o "yaya". Ang trabaho nila, sundan kami saan man kami pupunta.

May pagkawarfreak kaming magkakapatid. Ako at saka si Bong, ang hobby naming dalawa ay magsuntukan at magkagatan sa mukha. (Observe niyo yung bitemarks sa cheeks naming dlawa)

Kapag hindi naman nasusunod ang gusto namin, kung wala kaming mga kapatid na mapagbalingan ng sama ng loob, inuumpog namin ang mga ulo namin sa dingding o kaya sa sahig. Siguro kung wala lang kaming tagapagbantay patay na siguro kami. Yung mga tagapagbantay namin hindi namin masuntok o makagat kasi mas malaki sila sa amin. Takot lang namin na mapalo kami sa pwet.

I dunno if you call this a normal childhood. Para sa amin normal kami. Yung standards of normality, tao lang naman ang nagtatakda, mga psychologist na may pangalan sa research field.

Wala akong alam nung bata ako na gawin kundi mag-enjoy. Mag-away man kami ng mga kapatid ko mamayamaya magka-tandem na kami sa mga kalokohan. Weekly nasa pasyalan kaming mag-anak. Paborito naming puntahan ang Luneta, at doon kami ay nagtatakbuhan. Yung pinaka-favorite kong part doon ay yung sa may padulasan, yung may makipot na winding ladder na parang lighthouse. Sobrang taas nun pero kinaya kong umakyat. Sobrang namimiss ko yun.

Si Lola Mama nung bata2x pa
Siya ang kontrabida ng bahay namin. Walang ibang ginawa kundi pagalitan kami, awayin kami. Ayun. Bigla2x na lang susulpot tapos sisigawan ka. Haha.

Sobrang Obsessive Compulsive nito, kailangan sa lahat ng bagay pulido ka, bawal ang pumalpak. Parati niyang ipinagmamalaki ang angkan niya, na walang bobo sa kanila, na lahat sila ay kilalang mga may honor sa bayan nila, kapag may bagsak ka kahiyahiya ka. Aaminin ko, sa attitude niyang ito ko nakuha ang inferiority complex ko. Matalino ako, madami akong potensyal, pero dahil sa lintik na mentality na mas magaling naman yung ibang tao kesa sa akin, di na lang ako gagawa.

Nakakawalang gana lang kasi. Hindi naman siya ang nag-aaral bakit ganoon siya makapagsalita.
si Lola mama ngayon
Nitong taon lang, nag-sodium drop si Mama na sinabayan pa ng pneumonia yata, dahilan upang isugod siya at maconfine sa hospital. Hindi naman sa kaunti sila mag-asin, natural na bahagi ng aging na magdedecline ang body functions ng tao at ang resistensiya niya.

Siyempre natakot ako na mawala siya. Kahit salbahe ang tingin ko sa kanya, love ko pa din siya.

Gusto kong magsorry kay Mama kasi pakiramdam ko, ako na apo niya ang salbahe at hindi siya. Pero hindi na ako nagsorry, kasi hindi naman major2x mistake ang misunderstanding.

Nung gumaling siya, halos araw2x nasa kusina nila ako para makipagkwentuhan sa kanya. Kahit boring, tiniis kong makinig sa mga kuwento ng buhay niya, kasi napapasaya ko siya kahit nakikinig lang ako. Ang gandang tignan ng facial expressions niya, may papikitpikit pang nalalaman, tapos sobrang detalyado siya magkwento.

Pinapagalitan pa din niya ako. Kung dati naiinis ako, ngayon natutuwa ako, kasi alam ko na ayaw niya lang ako na gumawa ng mga kabwisitan sa buhay.

Gusto ni Mama na ginagawa namin ang best namin. Kapag wala kami sa best ng class namin, ibig sabihin di namin nagagawa yung inaasahan niya. Ako kahit nasa lower part ako ng class namin mataas ang IQ ko, pero hindi naman batayan ang IQ, kundi ang performance mismo.

Kahit na hindi ako achiever sa school, alam ko na proud ang Lola Mama ko sa akin. Mabait na kasi akong apo ngayon, promise. :D I'm doing my best na hindi magawa ang mga kabwisitan sa buhay na ayaw niyang gagawin ko.

Paborito kong Pampalipas-Oras

Kung hindi ko ito ikkwento ngayon, hindi ko na siya makkwento kahit kailan.

1. Pagcocomputer

Hindi mawawala sa schedule ko ito. Haha.
Gulo ng workplace ko no?

2. si Ula-Paw-Chi

Ang sweet namin no. Bwahaha.

Sa kanya ko lamang naramdaman ang tunay na pag-ibig. :))=))

Malaki ang tulong niya sa pagbabago ng ugali ko. Kapag wala akong makausap pumupunta ako sa kulungan niya para kausapin siya. Limang taon na kaming magkapitbahay, pero ngayon lang kami nagkalapit ng loob.

Personal favor ko ito para sa lolo kong makulit. Kasama sa mga ibinawal sa kanya ng doktor ay ang pag-aalaga sa aso niya. Operado na kasi si Lolo sa utak, dahil sa Frontotemporoparietal Subdural Hematoma na hindi masabi ang cause ayon sa mga doctor.

Allergic ako sa mga aso, kasama na syempre si Ula Paw Chi ko doon. Pero nung nagsimula akong alaagaan si Ula Paw Chi nawala iyon. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig. Haha.

3. Sudoku


Hindi magiging kumpleto ang araw ko kapag wala nito. Kahit walang glutaphos, basta may Sudoku, gising ang utak ko.

4. Organ


Pahinto-hinto ako sa pag-eensayo e. Na-ffrustrate kasi ako, hindi ko makuha yung fingerings na gusto ko. Perfectionist ako masyado, kaya hindi ako umaasenso - dito :D.

Masaya yung pakiramdam ko kapag tumutugtog ako, kasi nasa harapan ko ang picture ng lolo ko sa tuhod, dahilan para kahit hindi ko siya naabutang buhay, pakiramdam ko nakikinig siya na tumugtog ako

Malaki ang tulong nito, lalo na nung mga panahong depressed ako. Malaki ang naitutulong nito sa pagbabago ng mood ko at sa pagppractice ng brain cells ko. May logic din kasi sa pagtugtog

5. Ang pinakamamahal kong clearbook

Kapag may bagong takda, one month in advance ako kung mag-ayos ng nota. Sabik akong mag-ayos, kasi gusto ko kahit maaga pa lang maayos na yung mga nota ko.

Ito ang buhay ko. :D

(Saka na yung picture, nasa taas yung clearbook ko e)

Pampapalipas Oras.

Limang oras na tulog. Mula sa paggiging night person, naging morning person na ako.

Dati madaling araw ang tulog ko. Ngayon, madaling araw na akong gumigising.

Tapos dati cummulatively15 hours ang tulog ko, kasama na yung mga sandaling nakakatulog ako sa kalagitnaan ng klase, na dahilan kung bakit naging paborito ako ng mga tao sa CPT faculty. Minsan din dati may mga linggo na hindi ako nakakatulog kahit anong pilit ko. Ngayon 5 hours na lang, tsk. Tapos di na ako nakakatulog sa kalagitnaan ng lecture. Gusto kong bumalik sa pagtulog. Bumabalik ako sa pagkakahiga kaso hindi naman ako inaantok. Kesa sayangin ko yung oras sa paghihintay nang pagbabalik muli ng tulog ko, sa ibang bagay ko na labng sasayangin ang oras ko.

Yung tungkol sa mahabang tulog, tingin ko, gaya na din ng sabi ng iba, may problema ako sa utak, at bahagya sa pag-iisip. May melatonin hormonal imbalance yata ako.

Inconsistent ang behavior ko. Parang manic-depressive ang pattern ko. Di ko lang alam kung may nakakapansin nito. Typically kasi tahimik lang talaga akong tao, pero minsan sobrang ingay ko. May malalim na dahilan kung bakit tahimik ako, at parang walang gana na mabuhay sa mundo. Wala akong suicidal tendencies, ibang bagay iyon. I just live without the sense of living.

Sana maintindihan niyo kung papaano ako nakapag-isip. Sa church namin, ang pagkakakilala sa buong angkan na pinanggalingan ko ay lahat ng tao dito ay matalino at palaban, hindi marunong magpatalo. Sa bawat generation may mga over-achiever talaga. May nag-top sa boards, muntikang mag-top sa boards, Summa Cum Laude ng UP, at elementary valedictorian (hindi ako magpapatalo may award din ako kahit papaano over-achiever pa talaga gusto ko ihanay :P)

Masyado akong seryoso. Hindi biro yung expectations na naramdaman ko na nagsilbing matinding psychological torture sa akin. Ni minsan hindi ako naging masaya sa pag-aaral. Ngayon lang ako talaga naging masaya kasi hindi na ako masyadong seryoso.

Takot akong bumagsak sa school ngayon. Totoo, alam kong matalino ako, kahit anong IQ test ang i-take ko above average ang nakukuha ko, tipong 115-125 (constant lang daw kasi ang IQ interpretation, di nagbabago), kaso hindi ako pasado sa standards ng college. Dinadaan ko na lang sa paggawa ng kung ano-anong trip sa buhay ang takot ko.

Naiiyak ako ngayon. Umiiyak na ako. Wahaha. Kasi kasama sa mga bagay na kinatatakutan ko ay magkkwento ako na naging elementary valedictorian ako, na may nakuha din akong silver at gold medals kahit papaano. Anyway, wala na namang ebidensya na may medals ako kasi hindi ko alam kung saan na nakalagay ang mga iyon. Sa itsura ko naman kung magkkwento ako hindi naman siya kapanipaniwala.

Madami na akong wasted oppurtuinities dahil sa hindi matalinong paggamit ng potentials ko. Madami sana akong bagay na maipagmamalaki sa buong mundo, kaso hindi ko nakuha.

Pero at least "hindi ako sayang".

Masaya na ako sa status ko sa school ko ngayon.

Nung prelims majority ng subject lowest yata ako. Ngayong midterms, I believe substantial yung effort at improvements ko, kaso sadyang mataas ang target grade ko. Hindi kasi ako nag-aaral. Hindi ako nag-eexercise ng brain cells. Inamin ko naman na nasa akin yung problema.

Tama na itong pagkkwento ng buhay ko nalulungkot lang ako.

Studying^Devotional Prayers + Blessings - Sins = Success

Mali yata yung equation ko. Anyway malapit naman ito sa original.

Yung studying^prayers, studying yung base, at prayers yung exponent. Kapag one lang yung base, kahit umabot hanggang 50 yung exponent, one pa din ang makukuha mo (1^50=1)

Pero kung kaya mong pataasin yung base, kahit na 3 lang yung exponent mo,mataas ang result na makukuha mo (5^3=125, 8^3=512, 10^3= 1000)

Ayoko ng baguhin yung variable ng exponent ko. Sa variable ako ng base (studies) magfofocus para mapataas ko ito. Di hamak na mas mataas ang result kapag sa base ka nagfocus. Work of hands. Fruits. Labor. Ayun. Yung multiplication ng fruits, hindi naman tao ang gumagawa. Fruits lang kayang i-produce ng tao.

One hour na akong nagcocomputer. Nagkwento lang ako. Ang galing2x ko talaga. :P

Gloomingly Extastic.

Iyan ang pakiramdang gumising sa akin kahapon ng umaga. Daig pa naka-drugs sa sobrang high. Haha.

At ang dahilan? Ang ex ko. Hindi okay na naramdaman ko iyon, pero sabi ng isang kaibigan ko, ayos lang daw iyon. Kayo naniniwala ba kayong ayos lang iyon? Ako kasi hindi.

Tumagal yung nakakabangag na matinding nangungulilang pakiramdam, nang sampung oras. Mula sa paggising ko hanggang sa makatulog ako sa kalagitnaan ng lecture ng Kinesiology class ko. Kung bakit ako nakaramdam ng nakakabangag na matinding pangungulila, hindi ko alam. Biglaan nga lang yun e, dumating at umalis ng walang paalam.

Dumako na tayo sa pamatay na tanong.

Mahal ko pa ba siya?

Kung kanina mo ako tinanong na nasa ilalim ako ng spell oo isasagot ko. Pero kung ngayon mo ako tatanungin, hindi ang sagot ko.

Ang basehan? Yung emotion ko na dominante nang oras na tatanungin mo ako syempre. Nakakainis yun, buti na lang hindi kami nag pre-lec quiz kasi kung meron, zero ang makukuha ko kasi wala ng maabsorb ang utak ko. Kasi kanina puro siya talaga at siya lang ang laman nito. Gusto mo na makita siya, kahit magkatabi lang kayo at hindi nag-uusap. Hainako.

Yung hindi na sagot pinapanindigan ko naman talaga, nataon lang na para akong naka-drugs at nawala ako sa sarili ko.

Ngayon alam ko na at malinaw na malinaw na sa akin kung bakit hindi kami maaring maging normal na magkaibigan.

One week ago, tinext ko siya, sinabi ko na masama ang loob ko sa kaniya, lahat ng ginagawa niya nagpapasama talaga ng loob ko, kahit wala naman talaga siyang ginagawang masama.

Iyung pagtext ang paraan ko para huminto na ako sa kakagatung sa kanya. Sinumbong ko yung sarili ko, parang ewan lang.

Pagkatapos nun, inanticipate ko na, na kaya ko siya kinausap, kasi pakikipag-ayos at pakikipagkaibigan ang habol ko, hindi para makipagbalikan. Walang dahilan para magnais ako ng balikan, kasi unang una I don't feel that I love him. If you would base it on my actions, sorry, kasi kahit na anong klaseng malasakit kung malasakit man ang tawag mo doon, hindi pa din love iyon kasi ang pagmamalasakit ay hindi nagdedefine ng romantic love para sa akin. At saka I don't care exclusively. Ibig kong sabihin maski sa ibang tao ganoon din ako.

Talagang sobrang hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng ganun, at sa kanya ulit. Ngayon kapag naiisip ko siya kumukunot na lang ng kusa ang noo ko. Kasi nga talagang sobrang alam mo na.

Sana hindi na umulit ang mga pagkakataong ito, na wala akong palag, wala akong laban. Sarili kong hypothalamus hindi ko nagawang kontrolin. Tingin ko kaya wala akong palag kasi tuloy tuloy na yung daloy ng hormones na nagpapa-tachycardia ng puso.

Talo (may accent sa dulo) kami ngayon. Hindi kami pwede.

Kahit mabasa mo ito ayos lang, it doesn't matter anything.

One Month Older, Again!

September na. Sobrang bilis ng panahon.

Kahit sandali lang, sisikapin kong huwag alalahanin kung papaano at sino2x ang nagpasama ng loob ko these past few days. Yung totoo, mahaba na ang nasulat ko kanina, pero nung narealize ko na wala akong ibang sinulat kundi tungkol sa hate, binura ko na lahat. Unti-unti mula sa maikling sandali, magiging pangmatagalan kong magagawang hindi alalahanin lahat ng masasamang naramdaman ko, hanggang sa makalimutan ko na lahat ng tuluyan.

Yung masamang damdamin lang ang gusto kong malimutan, pero hindi ang mga alaala. Magsisilbi ang mga ito na gabay para sa susunod, ako na mismo ang gagawa ng paraan patra hindi sumama ang loob ko.

Gusto kong maging masaya. Kahit sandali iisipin kong hindi ako isip at asal bata. Hindi ako magiging maramdamin at matampuhin. Magiging ate ako, uunawain ko ang naging sitwasyon. Pagtitiyagaan ko sila gaano man sila kakulit at kasalbahe. Hindi ako maaring sumuko kasi kung ganoon, mas lalo silang magiging masama ang ugali sa pagkakahulugan ko.

Masaya ako, kasi kahit nagpakita ako ng bahagyang pagkainis, nagawa kong hindi mapangunahang tuluyan ng sama ng loob. Isang malaking achievement para sa akin iyon.

Mababaw na Kalungkutan.

Sabi nila, kapag ikaw lang naiinis sa isang tao, at ang ibang tao ay hindi naman naiinis, ikaw ang may problema. Pero kung lahat na ng tao ay naiinis sa kanya, yung taong kinaiinisan ang may problema.

Grabe hindi ako maka-move on. Oo may tao na kinaiinisan na ng lahat na nasa kanya ang problema. Ako ang problema ko, pinatulan ko siya. Parang bumaba ako sa level ng kababawan niya. At ang isa pa, naiinis ako kasi parehas kami. Siya long-term cheness. ako short-term cheness lang. Para kaming bata. Sumbungan.

Sa makakaba: kung malalaman mo kung sino tinutukoy ko, kindly keep your mouth shut. Kung anong nabasa mo hanggang dito na lang, maari ba?

Siguro, nasanay lang ako na parating malulungkot ang mga kwento ko, kahit puro na masasayang adventures (kalokohan karamihan) ang mga ginagawa ko. At dahil sa malungkot ako magkwento, naglulungkot na din ako. Parati kasi akong nakakakita ng kulang at panget, na sa talatinigan ko ay nagbibigyan ko ng kahulugang "mali".

Tinatawanan ko na lang ang bawat pagkakamali ko. Nakakatawa kasing isipin yung mga maaring iniisip ng ibang tao sa pagkakamali mo.

Well, at least, di kagaya ng dati, nakikita ko na ang sarili ko ngayon. Sensitibo na ako sa nararamdaman ng mga tao sa paligid ko (matapos ko silang masaktan bwahaha).

Humihingi naman ako ng tawad. Oo nung mga panahong nang-aaway ako, mataas ang pride ko, sobra, pero matapos maideklara na panalo na ako, o tabla na ang laban, biglang bulusok paibaba ng pride ko. Hindi ko kayang mawala yung magandang pagkakakilala sa isa't isa dahil sa simpleng kababawan tulad ng pagiging palaaway ko.

Impulsive ako, lalo na kung first time, at hindi maari na makasama ko sa iisang lugar ang isang taong histrionic na kagaya ko (Sa takbo ng sitwasyon di ko ito maiiwasan ngayon). Pero under good conditions kalmante ako. Unless provoked, like, kapag may instances na kailangang mag-justify. May ugali kasi akong boss, gusto ko lahat sumusunod sa plano at logic ko.

Meaning of histrionic: excessively dramatic, emotional, affected.

Nagcclash lang kami. Hindi kami magkakasundo.

Aware ako sa personality problem ko. Kung hindi ako sobrang tahimik, sobrang ingay ko.

I don't call my case disorder. Maybe things are being exaggerated kasi hindi ako marunong makisama. Natutuwa nga yung iba na kausap ako kasi matalino ako. Alam ko ang logic ng mga bagay2x. Kaya kong magbigay ng predictions na madalas, kapag natupad yung nasabi kong kondisyon nagkakatotoo yung sinasabi ko. Magaling ako sa tantsahan ng mga possibilities. Nakakapagpayo ako ng maayos sa ibang tao, pero kung ako sa sarili ko ang mag-aaply nun, hindi ko magawa.

Pinapagalitan ko ang sarili ko ngayon, at hanggang ngayon hindi ako humihinto kakagatung sa isipan ko, kasi naiisip ko pa din yung nangyari. Wag niyo kong pagalitan. Siguro, kaya hindi ko ito madaan sa panalangin, kasi hindi ko matanggap yung nangyari, at hindi ko pa napapatawad yung sarili ko sa kabababawan ko.

Gusto kong umiyak. Hay buhay.

Maybe, I need someone whom I can share my thoughts with, to remind me to calm down each time I wanted to burst. Someone who would tell me to stop, for me to snap back to reality, that nothing good can be accomplished with hot-headedness. Someone who could remind me that, in a messy connection, short-circuit (misunderstanding, high tension) is always expected.

Oo maarte ako, kailangan ko pa ng ibang tao. sorry naman hindi kasi ako independent.

August 13, 2010

Isang sobrang napakasayang araw. Madami akong natutunang bago ngayon.

At saka espesyal itong araw na ito, kasi finally nakapanumpa na din ako sa CBI. Kalihim ako BTW. ^^

Yung una sa kwento ko. Hindi ako pumasok ng school ngayon, pero naka-uniform ako umattend ng pulong. Gusto ko kasi na kapag nanumpa ako, naka-uniform ako.

Yung bar pin ko ay confiscated nung Huwebes ng hapon ng University Clinic. May sore eyes kasi ako. Bale ngayong Biyernes hindi na namumula yung mata ko pero nagmumuta pa ito. Sabi nila nakakahawa pa daw. Kaya ayun, pinalayas ako sa school, at binantaan na tatagalan yung 7 days na hindi ako maaring pumasok. Sore eyes lang ito ano ba? T_T

Bukas Sabado hindi na ako papasok. Baka kasi kapag nagpakita ako sa school isumpa ako ng mga doctor sa University Clinic dahil sa kakulitan ko.

Nakakainis yung ganito, yung pinaranas sa iyo na hindi ka maaring pumasok kahit kaya ng katawan mo. Nananabik ako sa school.

Nangangako ako na hindi na ako tatamarin kahit kailan, and I mean it.

Sa gintuan namin ako nagpalipas ng oras. Wala na kasi akong mahanapan na ibang mapagtambayan e. Kaya ayun nandun ako. Hbang nagpapalipas ako ng oras kinikilala ko na ng mainam si Magee. Inuunawa ko na syang lubusan, susunod ako sa kasunduang mag-aaral na akong mabuti para ipasa niya ako.

Pagtapos sa gintuan namin, dumiretso ako sa NBS Soler. Bumili ako ng libro, "How To Make Your Husband Happy". Baliw na kung baliw, oo na kasi wala naman akong asawa. Kasi may ugali ang mga lalaki na hindi ko maintindihan na gusto kong intindihin kaya binili ko iyon. At isa pa, kasi lalaki ang nagsulat nun, man's POV ika nga.

Naglakad ako papuntang lokal ng Quiapo kung saan ako manunumpa. Sa daanan huminto ako sa may Mini Stop doon upang bumili ng tubig at pandesal. Tapos dinaanan ko din yung Manuel L. Quezon University, sabay sambit sa sarili ko na balang araw makakapasok ako sa paaralang iyan, dahil magtetake ako ng PT Board Exam.

Ang dahilan kung bakit gusto kong manumpa ng tungkulin na naka-uniform ako, kasi nag-iipon ako ng mga dahilan para mas lalo ko pang pahalagahan ang pag-aaral ko. Sobrang hirap ng course ko sobra. Tapos ang hirap pang makasagap ng motivation lalo na kung hinihigop ng kawalan ang initiative mong mag-aral.

6PM ako nakarating ng Lokal ng Quiapo. Binati ko yung unang taong nakilala ko, si kuya Reino. Taga Mapua siya, engineering. Sabay sambit na shocks ang gwapo niya. Ayun may bago akong crush. Haha. Taga-Rizal siya, taga-Rizal din si Ate Kreng, maaari akong ilakad ni Ate Kreng sa kanya, tutal malakas naman ako kay Ate Kreng. Haha.

Biro lang. Hindi ko gagawin yun. Nag-iipon ako ng confession reasons sa isang special na tao sa buhay ko, he's worth the effort naman e (Kung magkakaroon at ibibigay sa akin ang TAMANG pagkakataon, who knows?). Saka gusto ko siya e. I'm not the type of girl he would reject, he already knows that i'm a good girl, besides alam ko na "in search" siya. Wahehe.

Si Kuya Reino nga pala kaka-approve lang ng friend request ko sa FB. Ayieee. May love interest siya kaya bawal ako. Haha. Mag move on na daw ako.

Moving on na nga. Ayun si Elaine kulit ang naging kakwentuhan ko. Ano nga ba yung pinagkwentuhan namin? Haha.

Punta na tayo sa pulong. Shocking yung simula ng pulong. Sinimulan nila ng mga pampadurog-puso tapos tinapos nila ng inspirational stuffs. Kunsabagay yung durugang puso idea, hindi ko naman talaga original idea. Hiniram ko lang yun, tapos ginawan ko ng appropriate term at sariling concept. Effective kasi e. Pero hindi yata effective sa ex ko na ginamitan ko nun, haha. Ayun o siningit ko siya. Haha tatanggalin na kita sa usapan. >:D

More on sa prophecy, love sa studies, sa parents, and most especially sa tungkulin ang mga tinalakay. Complete devotion at surrender on God's will ang kailangan. Magagawa ko iyun. Nangako ako at tutuparin ko iyon.

Pagkatapos ng pulong, may isa pa akong bukod na pulong na pinuntahan, yung sa mga medical allied courses. Sikreto kung ano pinag-usapan namin. Sa amin na lang yun.

Nanlibre nga pala ng pagkain si Kuya Lendle. Hindi ako nabiyayaan ng rasyon kaya yung rasyon ni Daryll ang kinuha ko. 1st year siya, 3rd year naman ako. Pagdating talaga sa pagkain, lalo na kung pinag-aagawan, masiba talaga ako. Haha. Takaw tingin kasi e.

Ang PLM nga pala, Top1 at Top 3 (na-relate sa Friday the 13th). Galing no?

Nung uwian na, kinwento ko kay kuya Nic yung blueprint ng lokal namin, at sobrang amazed sya. Natuwa ako sa kanya kasi sobrang interesado siya sa topic namin. Arki kasi siya e.

Andami ko ng nakwento. Halos 30minutes na akong nagsusulat. yung iba sa personal ko na lang ikkwento. yun lang

Matutulog na ako. Ipapahinga ko na ang aking mga mata. Sana sa Lunes, sa Midterms namin, ay okay na ito.

Ako, Si Arem, At Ang Kagandahan ng Durog na Puso

I will write all the thoughts that I have in my mind before they run away.

My Obsessive Compulsive behavior is manifesting again – I hate being logically wrong, whether it would be in Math, Science or in English. That’s the reason why every time I attempt to write in English, I feel so devastatingly uncomfortable. I’m afraid that people would laugh at me if I would have a wrong grammar.

Shemay. Haha. Straight english~! Ang galling ko!.

By nature my obsessive compulsive behavior naman ako e.Kaya nga

1. Hindi ko maiwasang hindi magcomputer. KASI PARATI KONG NAIISIP YUN

2. Nung high school ako di ako talaga nagpapasa ng projects, KASI MAY NALALAMAN PA AKONG GEOMETRIC CHURVA. SYMMETRICAL OBSESSIONS. Dun ako nagtatagal. Kapag walang ganun o tinatamad akong gumawa ng ganun, ang nangyayari din a ako gumagawa ng projects.

3. Tamad akong gumawa ng mga gawaing-bahay, pero sa oras na gumawa ako, pulido. MAY SYMMETRY ULIT, AT KAPAG SINABING MALINIS WALA KAHIT ISANG ALIKABOK. KAPAG NAGLALAMPASO AKO NG SAHIG YUNG TIPONG KAPAG NILIMAS MO WALANG DUMI ANG PALAD MO.

4. Ginugupit ko yung PT Handouts ko at dinidikit ko sa notebook ko. Isang orasng maggupit ng isang handout.. XD

Gusto ko lang itong ikwento.

Kanina nagtext2x kami ni Arem. Sobrang emo kasi ng quote na finorward niya e.

Isusulat ko yung conversation namin. Just in case na mabasa mo ito Arem, bati tayo. Haha. :P

Arem: It’s really hard to hold on, to the feelings that I have always held. To treat someone as ordinary, when in fact she’s very special, to move on your own, with an empty and totally wounded heart, to smile even in deep pain. To let go of the person you dreamt forever with and to give up everything, though inside you still wanna try.

Clariz: Sobrang emo ng kowt. Eww.

Arem: Sobra, di ka kc nagpakita sakin nung anniversary e

Clariz: Anong connect nun sa pagka-emo mo? Interesado lang ako

Arem: Akay ko siya nung 27, tapos yun na din yung “official” na katapusan L May bf na siya L nakaka-emo lang. Siya nakapag-move on na, tapos ako STRANDED pa din sa sakit na ginawa niya L

Clariz: By nature di naman talaga kaya ng tao mag-isa, kaya may bago siya ngayon, kaya nasasaktan ka maski kahit nung wala pa syang bago kasi siya ang gusto mong makasama. Kung mahal mo talaga ang isang tao, let go, Stop holding on to her, stop holding on to pain, sadness, frustrations and jealousy, for those aren’t traits of true love

Arem: Taena text mo parang quote. Quote ba yan?

Clariz: Text yan. Pinag-isipan ko yan. Tae ka.

Arem: Natuwa naman ako. Hindi kasi ok naman na ko. Kung ok lang pag-usapan mas OK pa ko sa kanya. Parang naiinis lang ako kasi nga parang ambilis naman niyang makahanap diba? Ako nga di ko pa magawa magmahal ng iba kasi baka masaktan lang ako.

Clariz: You reminded me of my stupidity months ago, hmp. Weno naman? Apektado ka? Loser ka. E sa hindi niya kaya ng wala siyang boylet e.

Arem: aw.

Mahirap sabihin na kung mahal mo talaga ang isang tao, magiging Masaya ka din para sa kanya, kahit hindi ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya. Kahit na ibang tao ang dahilan. Sarcastic happiness ang tawag dun. Kasi gusto mo na kayong dalawa lang forever and ever. Maliban ka na lang kung nakapag move on ka na. Masasabi mo lang kung nakamove on ka na kung una, tanggap mo na ang katotohanan na wala na kayong dalawa, at pangalawa, napakawalan mo na ang sarili mo sa pag-ibig na nagtatali sa iyo sa kanya.

…..

Naisip ko, nagkakaroon ng mutual understading kapag pumunit ka ng bahagi ng puso mo para ibigay sa isang tao. In return pupunit din sya ng bahagi ng puso niya para ibigay niya sa iyo. Kaya mutual, may sharing ng feelings, nararamdaman mo yung nararamdaman niya kasi may bahagi na ng puso mo ang puso niya.

Pero may pagkakataon na namamanhid o baka lubusan ng manhid yung bahagi ng puso mo na binigay mo sa kanya para maging kabahagi ng puso niya

Doon nasasaktan ang isang tao kasi pakiramdam niya na patay na yung bahagi ng puso niya na binigay niya, samantalang yung bahagi ng puso ng taong mahal niya, sinisikap niyang buhayin sa puso niya.

Kahit na nasasaktan ka na, imposible ng maramdaman ng taong mahal mo yung sakit. Doon napuputol ang mutuality

Grabe naiiyak ako ngayon, isang patay na bahagi ng puso ko kasi ang ini-stimulate ko para maisulat ito. Si Arem kasi e, hindi ko matiis na hindi i-analyze yung nangyari sa kanya. Haha.

Madalas ko nga palang marinig sa ibang lalaki na madami silang mahal. Posible iyon, kasi sa puso nila madaming babae ang may bahagi doon. XD

Maganda ang pusong madaming punit, kasi ibig sabihin nun, hindi ka naging madamot sa pagbabahagi ng buhay mo. Ako may bahagi ang mga kaibigan ko sa puso ko. Kapag punitan ng puso, hindi lang naman tungkol sa romantic love iyon. Syempre hindi mawawala yung friendship love

Iniisip ko ngayon, may apat na bahagi ang puso ng tao, si left ventricle, right ventricle, left atrium at right atrium. Kung sakasakaling sipagin ako, gagawan ko sila ng kwento, kasama ni brain, lungs, kidneys at ng ibang lamang loob, lalagyan ko din ng homeostatic mechanisms, haha. Mas maiintindihan yung logic ng takbo ng puso kung tatalakayin siya scientifically.

May napagsabihan na ako nito dati. Kung dumating na ang isang tao sa puntong madami na siyang minahal, at sobrang dami na ng punit sa puso niya na tipong kulang na lang madurog na ito, mas maganda kung tuluyan na lang durugin ang puso niya into pellets. Ganun kasi ang mechanism ng glass recycling. yung old glass kasama ng ibang substances ang raw materials ng bagong glass, o ng bagong puso. Hindi ko maisip kung papaano i-isolate yung friendship love at family love sa durugan ng puso. Ang hirap pag-isipan. Haha.

Ang gulo ng train og thought ko. Naiintindihan niyo pa ba ako?

Purong imbento at kalokohan na naman ang gagawin ko. Haha.

Madrama lang akong masgsulat. Wala akong love ngayon. Crush meron.

Itago na lang natin siya sa pangalang “Kuya”. Sobrang natutuwa ako sa kanya. Pakiramdam ko ako ang “Bunso” niya. Pakiramdam ko na-baby niya ako masyado. Sapat na yung pag-aalaga niya sa akin sa pamamagitan ng mga payo niya para mawala yung sakit na naramdaman ko, dati.

Baka sabihin niyo assumera ako. Di no. Yung conversations namin, di ko na isusulat. Di ko naman kasi makakalimutan yung mga yun. Ganun siya ka-special, pati yung mga sinabi niya sa akin.

May tito akong Associate Judge sa Supreme Court. Kwento ng lola ko, karamihan sa mga kaso na hinawakan niya, puro sa mga naghihiwalay na mag-asawa.

May babae, na sinampahan ng kaso si lalaki, kasi hindi daw sila masustentuhan. Teka, papaano masusustentuhan kung wala naman talagang ibibigay na pera? Kesho daw winawaldas,eh papaano kung wala naman talagang wawaldasin? Kababawan.

Naalala ko ako at ang ex ko. I’m always demanding things from him. Eh kaso yung mga bagay na hinihingi ko wala naman talaga sa kanya, o kung maari mang magkaroon sobrang imposible na makakuha ng ganun. Tama lang yung nauwi kami sa hiwalayan, hindi rin naman kasi kami nagkasunduan. :D

Nakasulat na sa hangin yung ibang mga detalye tungkol sa aming dalawa. Respeto para sa akin ang pananahimik ng kwento namin. Nabanggit ko lang siya, ipipilit na irelate sa kwento ni Arem. Haha.

May Midterm at Final Term Exam pa. Masasanay din kayo.

Words of wisdom from Sir Albert.

Grabe ayoko ng ganito, pakiramdam ko nakakabisado ko yung ugali niya, para matantsa ko kung ano yung susunod na sasabihin o ikikilos niya.

Anyway hindi naman si Sir Ang yung topic e, kundi yung sinabi niya. Maoofftoopic na naman ako. Haha.

Dalawang bagay lang ang pagpipilian ko na maari kong kasanayan

Una ay yung sistema ng College of Therapy

Pangalawa ay yung dahil sa katamaran ko puro kapos yung scores ko sa lahat2x ng quizzes.

Sana dun ako sa una.

Hanggang kasi ngayon hindi pa rin ako nakakapag-adjust e.

Official start na ng Midterm ngayong August. Kailangan kong bumawi.

Kung iisipin ko pa lang mukhang hindi na ako makakahabol pa. Salamat na lang at may kaklase akong faithmate ko. Shinare niya sa akin yung panalangin niya.

Pinahintulot na rin lang ng Ama na makatuntong ako ng 3rd year, sana hanggang 5th year BSPT pa din ako, at sa PLM pa din ako nag-aaral.

Kaninang Pasalamat, puro tungkol sa pag-aaral ang naiisip. Kailangang iwanan ko na ang katamaran at pagpapabaya ko.

Arghhh. Ito na naman ako, magrereklamo na hindi madaling iwanan ang nakasanayang trato sa pag-aaral. Halos isang dekada na rin akong tamad. Kailangan ko ng i-break yung record ko.

Kaya ko ito. Go for the gold!

Shape Up or Ship Out?

Nakapag-blog din. Wahaha. Magdadadaldal na naman ako.

Kakausapin ko lang sarili ko gusto isusulat pa.

Para naman kahit papaano mabasa ng mga kaibigan kong madalang ko nang makasama, kung babasahin nila, para kahit naman papaano updated sila sa buhay ko. May ganun?
====================================================================
Sobrang naiiyak na ako. Wahaha. Nakakaiyak sa PT, sobra, para kang nasa pressure cooker na hindi mo maintindihan. Panis ang Engineering at Nursing kung sa pahirapan ikukumpara. Haha.

Puro adjustments. Ang hirap mag-aral kasi hindi naman talaga ako "nag-aaral".

Puro na naman ako reklamo. Oo na. Bumabalik na naman ako sa dati kong ugali.

Para akong rubber band na kapag na-iistretch bumabalik sa dating sukat.

18 years old na ako. Matured na akong mag-isip, pero immatured pa din gumawa. Walang disiplina sa katawan. Parating napapagalitan ng mga magulang.
===================================================================
Golden Rules sa PT para hindi buminggo sa Professor:
1. Wag kang papasok sa klase ng hindi ka handa sa lecture.
2. Hindi naman ipinagbabawal ang computer, basta bago ka magcomputer, siguraduhing maayos at nasa kondisyon na ang utak para sa pag-aaral.
3. Ang makakapal na libro ay binili para karirin sa pagbasa.
4. At syempre, bawal ang cheater.
===================================================================
Hindi ko nakakalimutang magsulat tungkol dito - sa lovelife, haha.

Nakakatuwa lang, nakakapagpayo na ako sa mga tao. Based on experience karamihan ng payo.

Kanina may nakausap akong kaklase ko. Sabi niya wala nang mas lalala dun sa nagawa niya. Pakiramdam niya kasi nagpapaasa siya. Sa isip isip ko, nasa isip mo lang na malala yung nagawa mo. Virgin ka pa kasi teh (Hindi ko lang masabi ng diretso kasi conservative sya). Hindi malala yung pakiramdam mo nagpapaasa ka. At saka yung guy yung gustong umasa, kahit para sa iyo wala na siya. Dapat sa mga ganung tao pinababayaan na lang. Kung magsasawa sila o mapapagod, bahala sila.

Yung tungkol sa virginity, kaya ko nagawang batayan kung malala yung nagawa ng isang babae na kalokohan, kasi yung mga matatanda sa angkan namin yun ang batayan. Kung sakasakaling magkkwento ako na may napaasa ako sa wala na isang tao, tatawanan lang nila ako. Pero kung sakasakaling ikkwento na hindi na ako virgin, magkakaroon ng barrier sa pagitan naming magkakamag-anak. Unaaceptable yung dahilang mahal mo sya kaya mo nagawa yun. Pano kung for curiosity's sake or fun lang? ang mangyyari kasi ittrato akong hindi na nila ako kamag-anak. Sila yung ga tipo ng taong hindi magtotolerate na ganung bagay. Madalas nga nilang sabihin na huwag mo silang susubukan.

Nakwento ko lang. Daldal ko no?

Basta. Magpaasa ka man. Manggago ka man. Mangtwo time ka man. Kung virgin ka pa ayos lang. Kasi yung mga sugat ng mga kalokohang nagawa ng pagpapaasa, panggago at pang22time maghihilom. Yung sugat ng huling nabanggit, matinding mind power ang kailangan para maghilom ang sugat.
===================================================================
Sa kabuuan masaya ako sa buhay ko ngayon. I can't ask for more.

Nandyan sina Mami at Dadi. Buhay pa din sina Lolo Tatay, Lola Nanay at Lola Mama.

Naka-white uniform pa ako.

At pinaka-importante nasa akin pa din lahat ng church obligations ko.

Maisingit lang. I'm enjoying the privilege to have multiple crushes. Hindi naman siguro masamang humanga diba? Nagsimula to nung bakasyon. Mula kay best crush, sa magaling na Tenor-Choir Conductor student ng UST Conservatory (patay na patay ako s aiyo kahit hindi ka gwapo, sapat na yung kakanta or tutugtog ka :D), kay kuya ..... sa org (magnetized kasi ako sa pagiging misteryoso at tahimik mo, wala kasi sa itsura mo na mahusay ka), tapos ka kuya.........., kuya ........., at kay .........., basta madami na.
===================================================================
Epilogue

Hindi na naman related sa title yung mga pinagsusulat ko. Haha. Hirap ako magconcentrate sa isang topic e.

Yun lang.

Gusto ko lang magkwento.

Ang bilis ng panahon. Sobra.

Parang kahapon lang yung Sunday, tapos ngayon Sunday ulit. Kinabukasan panibagong Sunday na naman.

Tapos sa loob ng four months ay 19 years old na ako.

Masyadong malayo yung sitwasyon ko ngayon sa navisualize ko nung 15 years old pa lang ako.

Nung mga panahong kasing iyon, nagkaroon ako ng gusto sa isang tao. Nagplano na magiging kami, tapos hindi rin natuloy. Sabi ng pinsan ko nang kinwento ko siya, kung mahal niya ako, aantayin niya ako hanggang sa matapos ako ngpag-aaral.

Ayun ako, dahil sa nawawalan na ng thrill yung magulong usapan namin, tumikim ako ng ibang putahe. Naging kami nung huli, kaso hindi naman kami nagtagal. Yung nauna, siniraulo ko, pero wala lang sa kanya. Hainako.

Sabi ko nga sa isang kaibigan ko,yung intensity ng feelings ko sa kanya hindi naman nawala, nalipat lang sa ibang tao. Sagot ng isang loko-lokong tao. Ganun yung nangyari, wala na lang sisihan. Pinagsisihan ko na naman ng bongga yung mga kalokohan ko. Di ko na lang isheshare kung sa papaanong paraan. ^_^

===================================================================
Tula ng Ampalaya. Haha. Napulot sa net. Credits sa author (Gie Miranda)

Hindi na ikaw ang dahilan ng pag ngiti,
Hindi na ikaw ang nag-aalis ng pighati,
Hindi na ikaw ang laman ng dibdib,
Hindi na ikaw ang aking pag-ibig.

Hindi na ikaw ang nais masilayan,
hindi na ikaw ang nais pag-alayan,
Hindi na ikaw ang nais makasama,
Hindi na ikaw ang bubuhay sa pag-asa.

Hindi na ikaw ang dating nakilala,
Hindi na ikaw ang aking ligaya,
Hindi na ikaw ang pinangakuan,
Hindi na ikaw ang nais makatuluyan.

Hindi na ikaw ang aking tula,
Hindi na ikaw ang bumubuo ng tugma,
Hindi na ikaw ang nagdadala ng talinhaga,
Hindi na ikaw ang bawat kong salita.

Hindi na ikaw ang lahat ng aking nais,
Siguro nga ito ang sukli sa pag-ibig ng labis.
Tinunghayan mo lamang ang pagtatapos ng kwento,
Partisipasyon mo'y di tinapos hanggang sa dulo.

Wala ka ng lugar sa aking paraiso,
Oo nga't sabay natin itong binuo,
Ngunit nasaan ka ng ito'y gumuho?
Iniwan mo ako't hinayaang malumpo.!
===================================================================
Nagpost ako ng kabitteran, pero di ako bitter. Di ko masyadong feel. Naappreciate ko lang.

Masaya ako ngayon. Lahat ng pinapanalangin ko natatanggap ko.

Di ko na lang iisa-isahin lahat. Basta ayun.

Kuntento ako at masaya sa takbo ng buhay ko.

Pero gaya nga ng sabi ko sa FB ko, ang sinumang sisira ng kasiyahan ko, sisirain ko din ang buhay. May na-blackmail na nga ako dahil sa usapang siraan ng kasiyahan.

Salbahe na kung salbahe. Matulungin akong tao, pero maari kong i-reverse yung talent ko sa pagtulong para manira. Hehe. Alam ko kung ano ang mga pinakaimportanteng mga bagay sa buhay ng tao, at yun ang parati kong puntirya. :P

I Just Feel Sad.

May mga issues na bago pa man tayo magkaroon ng malay sa mundo. Kahit hindi natin gusto, nadadamay tayo.

Lilipas din ang masamang pakiramdam na ito.

Beyond Happy Endings.

Kahit apat na oras lang ako natulog, sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon. Mind over matter, saka appreciation.

Consciously yesterday, I was trying to smile the whole day. A terrible dream woke me up. Yung plastered smile lang nagpapakalma sa akin. Kapag nawala yun, wala akong ibang gagawin kundi umiyak ng umiyak.

Oo iyakin ako. Sa likod ng nakakatakot kong mukha iyakin ako. Mahina ako. Emotionally. Mentally. Kaya nga sobrang dependent ako e. Wala akong maalalang pangyayari na sinubukan kong maging independent. Mahilig lang ako mapag-isa, pero ang totoo ayokong mapag-isa.

Looking at my relatives, wala naman akong napansin na may manifestation ng Depressive Personality (personality differs from behavior). Masasayahin ang mga Pascual, ang mga Santos, at ang mga Arnesto. Maybe it's just me, and my pathetic perspective about the world. Damn, it took me more than one decade to realize these things.

Genetically speaking, depressive personality runs down in family. Nasa gene 4, 18 21 at 22 makikita kung meron ka nun or wala, sabi ng Professor ko sa Psychiatry. As far as I remember wala naman kaming lahi ng mga baliw. Wala kaming lahi ng may mga Neurological Disorders.

Balik tayo dun sa terrible dream ko. sabi kasi doon, I don't deserve to be a BSPT student. Wala daw kasi akong karapatan. Na pinagkakatuwaan nila na pagtripan ako, in a bad way. Form of backstabbing yun. Naranasan ko na yung same scenario in real life, months ago. Pwede naman kasing dumirekta sa akin kaagad para sabihin nila na ayaw nila sa akin diba?

Si Geline (pinatawag ko lang sa Sun ko, buti may load siya), buti na lang nakausap ko. Kung hindi siguro hindi mawawala yung pain ko. I deserve to be in PT, kasi nandito pa din ako. At iba yung present sa past ko. Wala na namang nagpapakita ng ganung treatment sa akin sa school e. I shouldn't compare.

Nag-usap na rin lang kami ni Geline, pinag-usapan na namin si best crush. I heard her saying, "seryoso talaga si Kuya". I don't know whether if that pertains sa akin o dun sa personality ni Kuya mismo. If it's the latter, I never remember any moment that I saw him being serious. Malakas pa sa adik ang tama nun e. Kung sa akin namin, assumera ako. Haha. Malabo yun, siya pa. Kung pipili yun mas maganda pa sa akin ang pipiliin nya.

Masaya akong naiisip siya kasi crush ko siya e. Saka ibang level ang likeness ko sa kanya.

Kung kami magkakatuluyan, beyond happy endings talaga. (Maipilit yung title, haha).

Nabasa ko sa FB "Infatuation is so far from love. True love blooms. Infatuation easily come and go, but love takes time to develop."

Parang sa tuwing naiisip ko siya, nagbbloom ang likeness ko.

Yung confession, sa totoong buhay malabong mangyari yun. Pero kapag nangyari, I'll be so much glad to introduce him to my family, and my whole clan as well. Madadagdagan na naman ng gwapo sa lahi namin. Yun ay kapag nangyari. Haha. :))=))

Chillax Mode. :)) =))

Sobrang busy ang PT mates ko sa kabilang block, kasama na din siguro yung iba kong classmates. Pero ito ako ngayon, nagsasayang ng oras.

Mahirap magputi. Kailangan mong magpuyat kakabasa ng libro. May isa ngang nagGM kagabi na iinom ng energy drink wag lang makatulog.

OMG. Ako din pala kailangan ng mag-aral ng madugo. May OIAI na kami sa Monday. Ansaya. Bangagan sa pagmememorize ng muscles. Haha. Tapos meron ng report para sa madugo at kumplikadong shoulder reflex. Kasama na yung special exercises, yung parts ng shoulder complex (anim na joints, lahat ng ligaments, at 20 muscles grrrrr)
==================================================================
I'm beginning to love PT. ^^

Actually hindi naman talaga BSPT ang gusto kong course, kundi BS Biology. Kaso madaming nagdiscourage sa akin. Tatlong tao lang naman.

Si Tito Efren (Pinagalitan ako nito. Wala daw kasing masyadong opportunities para sa Bio graduates. Mag BS Microbiology na lang daw ako kung gusto ko.)

Si Tita Psyche (Pediatrician na sya ngayon, at ang pre-med niya ay Biology. Hindi naman daw kami mag-aaral ng shells kapag nasa Medicine Proper na. May Med Tech na lang daw ako. At least sa tao agad ang application)

At ang ex ko (SA tanda ko wala naman syang sinabi against BS Biology. Sinuggest niya lang yung BSPT kasi yun daw ang pinakamagandang Pre-med course)

So ayun, dahil sa sunod sa agos mode ako dahil walang sariling desisyon, sinunod ko ang suggestion niya. Di naman ako nagsisisi. Mainam nga na nagPT ako, maraming tao ang nagkakamali na sabihan ako na matalino ako. :))=))
===================================================================
Nakakabaliw sa PT. Puro identification ang quizzes. Kaya nga kung hindi ka nagbasa mangangamote ka.

Sa kinesiology, yung tatlong 10 item quiz ko ay bagsak ako. Identification kasi e. Pero yung last na 20 item quiz, modified true or false. Hinulaan ko lang ang pagsagot sa quiz na iyun, Promise! Hulaan niyo kung ano nangyari.

Halos mapaiyak na ako nung narinig na yung mga sagot pagkatapos naming ipasa yung papel, kasi perfect ako. Oo, kung kailan ako walang halos alam nakaperfect ako. Kung kailan ako nanghula. Dahil sa quiz na iyun, I love Sir Albert na. (Anyway, he have my eyes set on him, parang apple of my eyes, may kamukha kasi siyang ex lover ko e. Parehas pa sila ng kilos. Hindi ko sasabihin kung sino, see him in person na lang).

Maraming unexpected scenarios sa PT. Example na yung nangyari sa Kinesiology. Magkakaroon ng mga paraan para makapasa ako. Nananampalataya ako.

Naniniwala ako na makakapasa ako ngayong semester. Una dahil hindi ako nananalangin para sa wala. Pangalawa hindi ko maaring sumuko sa course ko, dahil ito yung sinabi ko na.. Secret muna bawal sabihin. Saka na lang kapag tamang panahon na.

May isa na akong nasabihan indirectly ng mga plano ko. Ayos lang na malaman niya, yun naman kasi talaga ang dapat kong gawin. Sa uri ng mga kamag-anak na meron ako, magmula sa nakakatakot kong mga lola, tito at tita, hanggang sa mga pinsan ko. Hindi ko kaya na ako yung kikilatisin at gigisahin. Hindi ko gusto ng masasabihan ng masamang anak ako, pasaway ako pero hindi ako masama.

Mababait ang relatives ko, ayaw lang nila na gumagawa ako ng mali sa paningin at paniniwala nila. Sobrang big deal yung mga sasabihin nila, either too much happiness or sadness ang maidudulot sa akin nun.

Alam niyo na kung ano yung isa sa mga kinatatakutan ko. Haha.

Syempre hindi mawawala sa mga kinatatakutan ko yung nasa itaas.

Siya at ang mga relatives ko, kahit mahigpit sila sobrang love ko sila. ^^

Update sa Buhay PT ko.

Nakakainis. ambilis ng panahon. Two weeks na lang ay prelims na namin. Haha.

So far, not good. Hindi maganda ang status ko sa school. Bagsak kung bagsak.

Pero gaya nga ng status ko sa FB ngayon, "I am not praying for nothing".

Nakakaiyak. Nakakabaliw. Napakabilis ng phasing, sobra. Napakadami ng dapat aralin.

Anyway, mabuti na yung mabilis.

Dahil gusto ko ng matapos ang tatlong taon ko pang ilalagi sa PT.

Malamang pag tapos na ako pwede na ako sa maraming bagay, sa maraming opportunities.
===================================================================
Dahil sa sobrang sumasakit ang ulo ko kapag kulang ako ng tulog, hindi ako magpupuyat.

Mainam na yung sa araw ako mag-aaral.

Speaking of sakit sa ulo, hindi ko alam kung migraine na yung sa akin, kasi hindi pa naman ako nagpapacheck up.

Specific yung area ng sakit sa ulo ko, sa temples lang, tapos para syang ini-squeeze. May mga moments pa kapag sobrang bangag na ang pakiramdam ko, nakakarinig ako ng sharp irritating buzzing sounds. Tinnitus ang medical term. Associated ito sa psychological disorders gaya ng depression at anxiety.

Self diagnosis ba? Haha.

Ito totoong na-diagnose na ako nito. Hypoglycemic attack at Vertigo. Sinugod ako sa hospital nun kahit nabigyan na ako ng first aid.

Yung mga atakeng hindi kanais nais na ganto, sana hindi ako sumpungin sa school. Napakahirap atang humabol. :|

Boyfriend: Not Needed.

Totoo naman. Hindi ko pa naman talaga kailangan nun. Bata pa ako masyado para sa mga ganung bagay.

Bago muna ako magboyfriend, kailangangan taglayin ko muna yung mga katangian ng isang mabuting kasintahan. Yun kasi ang sabi sa akin, at yun naman ang dapat.

Mag-aaral muna ako ngayon ng mabuti.
====================================================================
Wag niyo ng basahin ito. Haha.

Mga gusto ko:

Simple lang naman.

Sa itsura, as long we would make cute babies okay lang.

Mananampalataya. Matapat. Hindi marunong magtaksil.

Tapos nakapagtapos ng pag-aaral syempre.

Plus points kung may special talent sya, kagaya ng pagguhit at pagtugtog ng musical instruments.

Kahit hindi maganda ang boses, basta handang kantahan ako na nasa tamang tono.

At ang pinakaimportante sa lahat, dapat kaya niyang mahalin ako ng buong buo. Pag nameet ko na sya, ieexplain ko thoroughly ang part na ito. Haha.

My List of Boyfriend Material Peeps. :D

Standards ko? Ewan. Haha.

Basta nasabi ko lang na gusto ko sila. Pero malabo na maging kami ng kahit sino sa listahan kong ito.

Hinahangaan ko sila pero hindi ko sila crush, yung tiping kikiligin ako (Maliban sa isa).

Anyway "naihiling" ko na naman yung sa akin.

Ganito talaga kapag hindi pa pwede, hopeful sa destiny at serendipity stuffs.

Pagtatagpuin din kami ng tadhana. Weeeeh.

1. Kuya JM

Ang bukod tanging naging crush ko sa lahat ng pinsan ko.

Matalino at isang mabait na anak.

Pinakagusto ko sa kanya ay mahilig syang magcompose ng quotes tungkol sa "true love can wait".

2. Kuya Dondie

Ang pinakasenior na kilala ko sa org namin sa school.

Ramdam ko ang sobrang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa mga magulang niya, esp. sa mama niya.

I bet magiging isa siyang mabisa at mahusay na magulang someday.

Makulit kasama. Madaling lapitan. Madaling hingan ng payo.

Kahit na ikaw na yung nagkamali, hindi magiging masama ang tingin mo sa sarili mo. Yung tipong sasabihin niya na normal lang magkamali, basta wag mo na lang uulitin.

3. Brandy

Ang pinakaunang crush ko sa org. Ayieee.

Sa unang tingin parang ang boring kasama kasi napakaseryoso, pero kung bumanat namin, maikli lang pero malawak ang pakahulugan at madalas ay nakakabaliw.

Single since birth siya sabi ng ate niya.

Kwento ng ate niya, marami ng nagconfess sa kanya pero dinededma lang niya. Nasasabihan tuloy na ang manhid manhid.

Ang tingin kong point niya, wala siyang kasalanan kung bakit hinayaan nila maglevel up yung feelings nila (nung admirers niya) para sa kanya.

Matalino. Mataas ang GWA, pero di ko sure kung dean's lister.

4. Kuya Apo

Kinakapatid siya ng mga pinsan ko. Self-proclaimed ampon ng tita ko. Masaya siyang kasama, madami siyang kwentong nakakabaliw.

Namamangha lang ako sa kanya. Magaling kasi siya magbasa ng kilos at iniisip ng isang tao.

Nung minsan nahuli na niya ako na may ginagawang di maganda. Buti na lang hindi niya ako binasag. Kung hindi siguro hindi ko na maimagine halos ang magiging reaksyon ko.

Kahit na masaya siyang kasama, meron siyang nakakatakot na side. Malupit syang magpayo sa mga may nagawang kalokohan kasi mapapaiyak ka sa sakit. Yung tipong magtatanda ka na talaga para di mo na balikan yung kasalanan mo.
====================================================================
Ayun wala na akong maisip.

To summarize things up, ang boyfriend material ko ay isang mabait na anak.
Marunong magpahalaga sa desisyon ng mga magulang labag man ito sa kanilang kalooban.
Alam ang mga katagang "True Love Can Wait"
Magaling at mabisa magpayo.

Huling Habilin.

Sa angkan namin, napakalaki ng respeto ng mga kamag-anak ko sa mga habilin sa kanila, at mas lalong binibigyan ng malaking respeto ay ang pinakahuling habilin.

Kung hindi siuro naghuling habilin ang lola ko sa tuhod na si Lola Anday, hindi magkakaroon ng Pascual Clan Reunion tuwing katapusan ng taon. Gusto niya na magkakakilala at magkakaclose ang bawat miyembro at magiging miyembro ng angkan niya.

Masaya ang angkan namin tuwing reunion. May aginaldo ang bawat pamangkin na nagsisipag-aral. At para kaming mga nakawala kapag nakabili na ng Magnolia ice cream. Nakikipag-unahan, parang hindi mabibigyan.

Mahal nila ang Lola Anday. Mahal ko din si Lola Anday kahit na hindi siya naabutang buhay bago madevelop ang memory ko.
===================================================================
Naiisip ko si kuya, at ang pinakahuling habilin niya sa akin. Iyon na lang ang pinaghahawakan ko ngayon para hindi ako malungkot at umiyak.

Kuya nagiging mahina ulit ako ngayon. Kanina kasi parang bibigay ako dahil sa panandaliang sakit. Bigla ko kasing nalaman na magulo pala ang mga bagay na inaakala kong maganda at maayos na ang takbo.

Tama lang na hindi ako makisawsaw. Hindi ko naman kasi issue yun.

Kuya gusto ko lang naman na maayos ang mga bagay.

Kaso maari din naman na maayos na para sa kanila yung mga bagay na magulo sa paningin ko.

Kuya, alam ko na nauunawaan mo ang dati niyong bunso ngayon.

Gusto kitang takbuhan ngayon para makinig sa iyo. Kaso napakalayo mo, imposibleng mangyari iyon.

Sana bukas magkita tayong dalawa. Sapat na yung makita kita at magkamustahan tayo para mapangiti ang puso ko. Ngumingiti ako ngayon habang naiisip ka, pero hindi sapat iyon para mawala yung sakit. Dapat puso ang ngingiti.

Down sides of being logical.

Instant Depression. Haha.

*Hingang malalim muna.

Ang saya maging logical na tao. Nahuhulaan mo ang next move ng iba ayon sa calculations mo.

Hindi ako nagmamanipulate. Pinagmamasdan ko lang sila. Wala naman akong mapapalang matino kung mapapasunod ko sila.

Pero bakit ang sakit?

Dahil ba sa iniisip ko na mawawala na lang yung dark side of personality nila at makikiayon sila sa maayos na harmony na gusto kong mabuo?

Walang perpekto sa mundo.

May mga nasisira nga e.

Napakaiyakin ko talaga. Nasasaktan ako e.

*Ang the pain goes away. Biglaang sakit lang. Haha.

Hainako ewan. :))=)) Ganun lang siguro talaga..

What Am I Missing?.. :D

Ano nga ba?

Nakakatuwa lang isipin ngayon na wala ako sa mood maghanap ng mga wala at mga nawala sa buhay ko.

I'm no longer longing. Nakakapagtaka

Dati naiiyak ako kasi sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko kaya. Ngayon naman natatawa ako kasi hindi ko pa rin lubos maisip na naging ganun ako.

Salamat ng madami sa knight in shining armor ko. Tinulungan niya akong makita ang mga bagay na dapat kong makita.

Inaamin ko nagkagusto ako sa iyo, dahil sa mabait ka. Mabuti na lang panandalian lang yung naging pagkagusto ko sa iyo. Babalik ka pa kasi sa digmaan. Hindi din naman sigurado kung babalik ka pa. Hindi rin naman sigurado kung magkikita pa tayo. At mas lalong hindi rin naman sigurado kung magugustuhan mo ako.

Hindi naman ako umasa sa iyo, dahil ayokong maging pathetic. Hinayaan ko lang na malunod ang sarili ko sa kasiyahan dahil sa pagkagusto ko sa iyo, hanggang sa mawala na lang ang pagkagusto ko ng hindi ko namamalayan.

Ni minsan hindi ko nagamit ang mga katagang "mahal kita" sa iyo. Maganda na yung nag-iingat sa pagbitaw ng mga salita, kahit sa isipan lang.

Salamat sa lahat ng mga alaala. Yung sa iyo ang best crush memory ko. Haha.
====================================================================
Maliban sa love life, namimiss ko ding maging masaya - yung totoong masaya. Hindi ko kasi ini-express ang sarili ko sa mga kaklase ko. Hindi kasi ako nakikipagsocialize. Madaldal ako sa virtual world, sa totoong mundo ay hindi. Kung magsalita ako masyado naman akong seryoso. Yung mga nakakausap ko lang ng hindi seryoso ay yung mga sobrang malokong tao, kagaya ni Bong2x at Arem. Gustong gusto ko silang kausap.

Tingin ko magaling na ako sa sakit kong walang pakialam at hindi nagpapahalaga.

Sobrang malungkot lang isipin na sa maling pananaw ko sa pamilya ko nakuha yung ugali kong iyon. Nadaan kasi ako sa pagpapaulan ng sermon, at nasanay na din siguro na nasasabihan ng tamad kapag walang walang initiative na gumawa.

Don't get me wrong. Ganun lang talaga sila pero hindi sila masama. Sa katunayan I have the best family and clan sa buong mundo. Kasi mataas ang respeto ng mga relatives ko sa mga utos sa kanila. Sumusunod sila. Dapat ganoon din ako. Hindi naman nila na gustong mapasama ako.
====================================================================
Isama na natin ang pag-aaral. Haha.

Seryoso akong mag-aral ngayon. Promise. Nagcocomputer lang ako ng wantusawa kasi nakapagbasa na ako. Wala na akong maisip na ibang gagawin. Tinatamad naman akong maglinis ng bahay.

Wala na akong chance na magkaroon ng bagsak. Dalawang beses na akong nag-probation. Isa na lang at masisipa na ako ng school. Sobrang hirap isipin ng sitwasyon ko kaya hindi ko na iniisip. Basta alam ko na ginagawa ko ang best ko sa pag-aaral. Saka ko na iisipin ang final grade ko kapag malapit na ang bigayan ng class cards para walang pressure.
====================================================================
Ang pagtupad sa kapisanan, hindi ko makakalimutang isama ito. Sa Kadiwa na ako. Haha.

Kaso tila malabo. Tila magulo.

Tahimik muna ako hinggil sa mga tunay kong saloobin tungkol sa bagay na ito.
====================================================================
Wala na akong maisip. Sa mga magbabasa, dagdagan niyo yung listahan ko. Haha.

Ang Buhay. Bow.

Masyadong general. At nagsisimula na naman akong magkwento ng seryoso ang tono.

Isa lang ang naiintindihan ko ngayon. Ang buhay ay isang continuous cycle ng pagsubok ng pananampalataya at paninindigan ng isang tao.

Wala akong maisip na interesanteng topic. Next time na lang.

Nullity is Kawalan in Tagalog.

Wala na namang magawa. Wala rin naman gustong ikwento, pero nagsusulat.

Buti pa ang lolo ko na nasa ICU, gusto ng umalis doon dahil maghapon lang naman syang tulog, at marami siyang gagawin sa bahay.

Samantalang ako na apo niya, sobrang tinatamad na tamad.

Sana pati yung kasipagan namamana no?
=====================================================================
This thing is bugging me for a week now.

Namimiss ko ng magkaroon ng lovelife, dahil sa kasweetan na nakita ko sa lolo at lola ko.

Gusto ko din ng may aalagaan, tapos yung pabiro kong masasabihan ng babatukan ko kapag hindi umayos. Yung masisigawan ko ng gumawa ka ng hindi tama magtiis ka sa sakit pero aalalayan ko pa din.

Gusto ko din ng may nakikita akong tao na magiging kasama ko sa pagtanda.

Nung nakita ko sina lolo at lola, nasabi ko sa sarili ko na magiging totoo din yung fairytale na pinapangarap ko para sa sarili ko.

Kasi naman e. Sino ba kasi yung prinsipe ko? Nagkita na ba kami? O makakasalubong ko pa lang siya? :P

May 15, 2010 Fun Day :D

Madaming nangyari. Sobrang nagsaya ako.

Musikabataan.
Hindi nakapasok ang lokal namin sa preliminaries. Pero hindi namin inisip na sayang yung efforts. hindi naman nagpagod ang mga bata para sa sarili nila. Nagpagod sila para sa lokal at para sa kapurihan ng Ama.

GracePark's Uniform: (Front) Violet toh (Back) Color Blind Ka Lang.

Paraparaan lang. Wala kaming violet na t-shirt e (Violet kasi yung Dress Code ng area namin). Kabaliwan courtesy of my kapatid, Bongskie.

Madami akong hindi kilala galing sa lokal namin. Puro kasi sila bago e. Saka hindi naman ako mahilig makipagkilala.

7AM ang call time sa lokal. 7:10 kami dumating ni Bong. 7:15 naman kami umalis. Mukhang Badtrip yung mga nag-antay. :D Buti na lang inantay nila kami.

Sa loob ng LRT, hindi ako nagsasalita. Nagsasalita lang kasi ako kapag ka-close ko na yung tao. Ako kasi yng tipo ng tao na kailangan munang makuha ang loob bago mapagsalita.

8AM kami nakaratingsa Ninoy Stadium. 15 minutes pagkatapos pinapasok na kami sa loob. Awkward mode ulit ako. Si Bong2x at si Vanrick lang kinakausap ko halos

Nang mga panahong nasa loob ako super OP ako. Well, ako lang naman nag-OOP sa sarili ko. Haha. Loner akong tao, pero ayoko namang mapag-isa talaga. ang gulo k.

Maganda yung programa. Nakakatuwa yung mga bata. Tapos nakaka-inlab yung performance na kasama yung Sanctuary choir Kids, ang ganda kasi nung isa sa kanila, nakakatibo.

Sabi ni Vanrick aantayin niya daw yung bata na magdalaga. As if naman. Haha.

Si Vanrick, crush ko sana siya, kasi malambing siya magsalita at maganda ngumiti, papable material na sana, kaso sobrang tangkad niya. 6 feet yata siya. Saka may iba pa akong dahilan kung bakit hindi ko siya maaring maging crush. May aaway sa kin. Hahaha.

Fun House.
Aaminin ko, badtrip ako ng mga oras na ito. Hindi ko kasi gusto na nanlilibre ang Mami ko. Sinagot na naman niya ang pagkain ng mga nagpunta. Ganoon ako mag-isip, pagpasensyahan niyo na.

Nakagamit ako ng 3 token. Yung dalawa sa toy machine ko ginamit, tapos yung isa sa videoke.

Makati.
1st time ko sa Makati, PROMISE. Haha.

Kasama ko na ng mga oras na ito si Jerome at si Ate Tin

Kumain kami sa Mang Inasal, tapos binaybay namin ang isang mahabang highway sa ilalim nag nagbabagang araw para pumunta sa Yamaha branch doon na malapit sa Mapua Makati.

Grabe. 40k yung gusto kong organ. :(( Super nakakainlab sa ganda.

Di bale na, kapag may sarili na kaming bahay, ipapabili ko iyon.

PNK Ensayo.
Tinatamad ako magpunta dito dahil sobrang inaantok ako. Kaso natatakot ako na hindi dumalo kasi baka magtuloy tuloy ang katamaran ko. Nasimulan ko ng mag-ensayo, ayokong ihinto yun.

Pagkatapos ng ensayo ng mga bata ay klase ng mga organista. Hindi ko natugtog yung piyesang pinag-aralan. Gaya ng dati, pinalusot ulit ako ng organista namin. :D

Barrio Obrero.
Ang pagpunta sa bahay nila ang kumpleto sa araw ko.

Nakakatawang nakakainis yung nangyari sa lugar na ito. Ang usapan, madami kami na pupunta doon. Yung isa hindi na nagrereply, yung dalawa hindi pinayagan. Hindi naman pumayag yung kasama ko na mastermind ng plano (si Jerome) na magback-out. Tae siya.

Napaka-awkward ng mga unang pangyayari, di ko na idedetalye masyado.

Pinapasok ako sa bahay nila. At nag-usap kaming dalawa. Ako yung bisita pero ako yung kinamusta.

Yung bookmark na regalo ko sa kanya, sa harapan niya mismo ko sinulatan ng message sa likod. Ganoon lang ako kasimple magregalo. At least nakaalala ako.

15 minutes din siguro kaming nag-usap. yun ang pinakamatagal naming usapan na magkaharap kaming dalawa. Ang topic namin ay tungkol sa pagtugtog, pag-aaral ko, at sa errhm na love life na iyan. Ang pinakapanget na portion ay yung usapang ex. Respeto para sa ex ko yung pananahimik ng history namin.

Pagkalabas ko ng bahay nila at nang papauwi na kami, binulong sa akin ng kasama ko na hindi siya pinapasok para makausap niya ako ng ako lang.

Pagkabulong niya binugbog ko siya sa gigil. Kaya nga siya kasama kasi naiilang ako sa presence nung taong binisita ko (Pero nagawa ko naman siyang kausapin ng hindi kasama si Jerome)

Kasama si Christine (Guanzon, nakalimutan ko palayaw mo), nilibot namin ang Obrero pagkatapos para maghanap ng Siomayan, pero wala kaming nakita, kaya napadpad na lang kami sa isang carinderia para doon kumaen. Sabi ko nga sa kanila paghatian na lang namin yung pera, hindi sila pumayag.

Naisip Ko Lang.

Malalim nga ang pagkakahukay sa isipan ko, pero wala namang makukuha. :D

Naiinis ako ngayon. Talaga bang likas sa akin ang pagiging negatibo? O negatibo lang ako mag-isip.

Nakakatawang isipin, maraming tao ang nagpapasalamat sa mga payo ko, pero ako hindi ko mapayuhan ang sarili ko.

Prinsipe Ko. :D

Fantasy Mode On. Haha.

Naniniwala ako na lahat ng babae ay may standards, kahit na sabihin mong mukhang !@#$ yung boyfriend niya, o kaya naman ay wala syang taste sa pagpili.

Ito ang punto ko, kasi sa buhay ng bawat babae, panigurado na may mga kinaayawan siyang ugali o itsura, o maari ring sadyang hindi niya lang gusto kasi wala naman siya ng mga katangiang hinahanap niya, na nagiging dahilan ng pagreject niya sa isang lalaki. Yung mga simpleng ayoko at gusto ko ng ganitong statements, katunayan na yun na may standard syang sinusunod.
====================================================================
Ngayon, pawala na yung nararamdaman kong kabaliwan para sa taong itinatangi ko. Mainam na yung ganito. Pero hindi mawawala sa mga alaala ko na minsan sa buhay ko ay nagsilbi siyang inspirasyon ko, at siya ang nagturo sa akin na kung pipili ako ng lalaking magugustuhan ko, galingan ko naman sa pagpili.

Bati tayo kung mababasa mo ito. Yung mga linyang nabaliw ako sa iyo, totoo iyun, hindi ko nga lang nagawang sabihin sa iyo nung peak ng mga panahong nararamdaman ko iyun, kasi natatakot ako na may mabago sa pagkakaibigan natin. At least, kung naramdaman mo man, walang formal statement galing sa akin na maglilinaw ng mga naramdaman ko tungkol sa iyo.

Pero yung piyesang gusto kong pag-aralang tugtugin para sa iyo, yung "Shooting Star" ng Naruto, nalulungkot akong sabihin na hindi ko siya mapag-aaralang tugtugin ngayon kasi tambak ang mga piyesa sa church na kailangan kong pag-aralan. Priority ko ang mga iyon. Hayaan mo, sa birthday mo, matutugtog ko na iyun. Popost ko na lang sa FB yung video. Sana nga lang mapanood mo kasi para sa iyo yun. Ikaw kasi ang shooting star ng buhay ko. :D
===================================================================
Sabi sa akin, hindi daw totoo ang fairy tales.

Pero matigas ang ulo ko. Hanggang ngayon naniniwala akong totoo ang mga kwentong iyon. Naniniwala akong may prinsipeng inilaan para sa akin.

Gusto ko ng maganda at masayang simula, at ng maganda at masayang kwento.
===================================================================
Ito ang mga standards ko. Haha.

Una, dapat siya ang unang maniniwala na ako ang itinadhana para sa kanya. Hindi ako ang unang lalapit sa lalaki, kasi ayokong magmukhang agresibo, at ayoko ng ganoong approach.

Pangalawa, hindi siya magiging dahilan ng ikapapahamak ko. Mahal ko ang mga karapatan ko bilang anak ng mga magulang ko, apo ng mga lolo at lola ko, at bilang isang Kristyano.

Pangatlo, at ang pinakaimportante sa lahat, kailangan mahalin niya ang buong pagkatao ko. Lahat ng maganda, lalo na iyong mga pangit sa akin. Hindi ako perpektong tao. Kung susuko lang siya sa ugali ko, huwag na lang. Hindi ko kailangan ng mahinang tao sa buhay ko. Saka kung magagawa niyang mahalin yung mga pangit sa akin, panigurado, matutulungan niya ako, kahit na hindi mabago, ay mapagbuti ang mga iyon.

Pang-apat, kailangan pasado siya sa standards ng mga magulang ko. Kung hindi siya pasado, hindi ko makukuha ang basbas nila. Haha.

Wala na akong maisip. Hindi na ako nagsulat ng tungkol sa ugali. Hahaba lang kasi ito.

Saka tingin ko malaman na yung pangatlo na sinulat ko. Iyun na ang pinaka-summary. Weeeh.

Summertime Chime.

Kabaligtaran ng nahinuha ko ang nangyari ngayong bakasyon. Hindi ko akalaing magiging sobrang abala ako.

Mabuti na iyung may pinagkakaabalahan kesa sa wala. Baka kasi kung ano pang kalokohan ang maisip kong gawin.

Masaya ako ngayon. At least kahit papaano may panahon ako para bumawi sa mga nasayang na oras at sa iba ko pang, sabihin na nating, disappointments.

Kailangan nga lang bawasan ang oras ng pagFFB (heto na naman ako). Training na siguro iyon. Sana magawa ko. Haha.
====================================================================
Madami akong natututunan ngayon. Madami din akong narerealize, kagaya ng:

- Masyado akong perfectionist. Pulido nga akong gumawa, pero in a neurotic way.
- May talent pala ako sa pagluluto. Haha.
- At may mga taong hindi gusto ang presensya ko. Hanep. Kung hanggang ngayon inis pa din sila dahil nainis ako sa kanila dahil nakagulo sila sa akin (mahina pumick up, hindi nakuha sa isang sabi), bahala sila. Hindi naman mananatiling buhay yung inis ko kung pakiramdam ko ay pinaplastik ako.
====================================================================
Kailangan ko ng schedule. Haha. Dito ko na isusulat.
*Isang oras na pagppiano sa umaga at isang oras din sa gabi bago matulog.
*Dalawang oras na pag-aaral ng OIAI araw-araw. Kailangan kong magcram. Tinamad ako mag-advance study e.
*Isang oras na pagluluto kada araw. Kapag natantsa ko kung papaano lutuin ang isang putahe, tuturuan ko ang katulong namin na magluto ayon sa pagtantsa ko ng oras at ng lasa ng pagkain.

Hindi na naman ako kasi gumagawa ng gawaing bahay, may tagagawa na kami e. :D

Wooing An Scorpion. :D



Ganito ba kahirap mangumbinsi ng isang Scorpion? Well. Haha.

I-bobold ko yung mga sa tingin ko ay totoo.

Know her first: She has a certain aura around her. She is mysterious, magnetic and has a hidden strength of her own. She is an intoxicating blend of feminine qualities, which are obvious, and masculine qualities, which are hidden. She has a very strong personality, which leaves an imprint on whoever comes in contact with her. She has strong likes and dislikes. God save those who give her a reason to dislike them. She is proud and resilient, but she never forgives or forgets. Any injustice done to her will meet with the most venomous retribution.

How to woo her: It's not easy. Most men would run a hundred miles if they got a taste of her strong passions and vehement repulsions. She is strong, confident and capable. She cannot stand wishy-washy, whining men who cannot make up their mind or take decisions. A man has to have a strong, commanding personality. He has to have judgment and understanding. What matters most to her is trust and commitment, which she will return in double measure.

Take her on mountaineering expeditions or make a trip to organic farms and vineyards. You might also want to go to a meditation resort and spend a peaceful time together. (I super love outdoors. Nature makes me feel hyper.)

Compatible Signs: She will get along with her counterparts (Cancer, Pisces, Scorpio) and with Earth signs (Taurus, Capricorn and Virgo).

Kahit naman nasa compatible signs ko inaaway ko e. Haha.

Kailangan ko ng Time Management Skills. Grrrr.

Mas mainam kung ttratuhin ko na lang na panata ang mga bagay na kailangan kong gawin. Kasi kung hindi ko din naman iisipin na panata ko sila, tingin ko hindi rin ako magiging matagumpay na matapos ang mga iyon sa deadline nila.

Kaya ko ito! Weeeh!

DISIPLINA. haisst. Ito ang susi.

Summer's Halfway.

Dahil sa nagkaroon ako ng bagsak sa classcard, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na masunod ang original plans ko.
====================================================================
Nakakaloka akong gumawa. Kung masisilipan ng kapintasan ang isang bagay, magrereklamo ako, pero hindi naman ako gagawa. Saka kapag sinabi kong wala akong interes, hindi ako gagawa. Ugaling tamad nga naman.
====================================================================
Ito yung original plan (kung hindi ako bagsak):
1. Mag-ggym ako
2. Mag-aalaga ako ng lovebirds
3. Mag-aaral ako ng OIAI Muscle.
4. Magtuturo sa Summer Kinder Class.
5. Magppiano Lessons ako sa church.
6. Magpapatahi ng PT uniform.

Ito yung second modified plan (nung nalaman kong bagsak ako at malabong magkaron ng summer class)
1. Magtuturo na lang ako sa Summer Kinder Class.
2. MagLLOA ako pagdating ng first semester, at habang nakaLOA ay mag-aaral ako ng culinary arts.
3. Babalik ako sa school pagdating second semester, pero Physics lang ang itetake ko (yung bagsak ko). Habang ako ay nagtetake ng advance lessons sa culinary arts.
4. Magppiano lessons ako sa church.

Ito yung third, at hopefully, ang final modified plan (nung nalaman kong naaprubahan yung petition namin for opening of Physics Summer Class. Nakakaloka ang school, apprubahan din pala pinagod pa kami kakalakad ng papers. Dumating pa sa puntong parang paasahin kami sa wala, haha. ^_^V)
1. MWF nasa PLM ako para sa Physics. TTh magtuturo naman ako a Summer Kinder Class
2. Magcocncentrate ako sa Piano Lessons ko. Aprubado na kasi yung salaysay ko ng pastor kaya tuloy ang pag-aaral tumugtog. Nakakabaliw kaya pumunta ng Piano Class ng hindi ka naman talaga nag-aral. Hindi pumayag yung tagapagturo ko sa dahilang hindi pa ako marunong tumugtog. Nung pinasalang ako sa keyboard, nalagot ako kasi nakatugtog naman ako. Nakikipaglokohan lang daw ako. :O yung next excuse ko ay hindi ko mapagsabay yung dalawang kamay ko. Next time na lang po. Buti pumayag. :))=D
Pati yung sagradong pag-aaral hinaluan ko na ng kalokohan. Dapat last time ko na iyun na magloloko, kundi baka mablacklist nila ako. Buti na lang hindi sila ganoon kahigpit, at hindi nila ako sinabon.
3. Makakapagpatahi na din ako ng PT uniform. Kaso kapag halfway na ng Physics Summer Class ko. Kapag maganda ang status ko at malaki ang chance na makapasa ako, magpapatahi na ako.
4. Pagdating ng last week of May, doon pa lang ako mag-aaral ng OIAI. Wala pa kasi akong time ngayon. Busy ako.